Chapter 2

17 2 0
                                    


When December comes the glimmer on her face

And I get a bit nervous

I get a bit nervous now

In the twelve months on

I won't make friends with change

When everyone's perfect can we start over again?.

The playgrounds they get rusty and your

Heartbeats another ten thousand times before

I got the chance to say

I miss you

When it ge-

Napahinto ako sa pag luluto ng almusal dahil sa biglang tunog na narinig ko mula sa kwarto. I pause the music on my phone.

I then place the knife down on the chopping board near the onion I was cutting. Para sa pritong itlog na idadagdag ko sa almusal.

Saglit kong hinugasan ang kamay ko at pinunasan pagkatapos. Then I went to the bedroom to check kung ano yung dahilan ng tunog.

Dalawa lang ang kwarto sa bahay, ang isa ay ang bedroom namin ni Gino at ang isa naman ay ginawa naming study room.

Nang binuksan ko ang pinto ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakatumbang upuan. At si Gino na nakaupo sa sahig habang sapo ang kanyang mukha gamit ang kaniyang dalawang kamay.

I took a step near him inayos ko sa pag kakatayo ang upuan at lumuhod sa tapat nya to check him.

"Hey, you okay? is there something wrong?" I said with a low tone as I pull his hand out of his face to have a clear view of him.

He just stared at me without even saying anything. There was something on his face, confusion? Is he scared? Pero para saan bakit mukha syang natatakot? At bakit naman sya matatakot.

I tried to reach for his face to cup it, ngunit agaran nya lang tinabing ang kamay ko. At mabilis na tumayo at dumeretso sa loob ng banyo na akala mo ay wala lang ako sa harap nya kanina.

Malakas ang kalabog ng pinto dahil sa pwersang biglaang pagsara dito, dahilan ng bigla kong pagtayo at para mapatingin sa pinanggalingan ng tunog.

I just sigh and leave the room to continue cooking our breakfast.

While stirring the soup, ay hindi mawala sa isip ko kung ano ba ang nangyayari kay Gino.

There is something off in between us. For the past years that we are together ay ngayong ika-apat na taon ng pagsasama namin ang pinaka iba. Iba in a way na parang ang layo namin sa isat-isa. Hindi ko alam kung natural lang ba ang ganitong tagpo para sa mga mag partner na matagal na ring magkasama or sadyang problemado lang sya. Pero mukha namang ayos lang ang lahat sa trabaho nya. May mga pagkakataon lang talaga na bigla na lang nagbabago ang pakikitungo nya sa akin. Tulad na lamang ngayon.

I suddenly remember what happen noong September, we are in the mall, shopping for the Christmas decorations that we can use at home when he suddenly left me while I was paying for the item we bought.

Akala ko ay na bored lang sya sa loob at hinihintay lang nya ako sa labas. But then again pag labas ko ay wala sya doon. He left without informing me where he's heading. Nag alala ako sa kanya ng sobra, at ng makauwi ako sa bahay ay naabutan ko syang natutulog. That's strange, I mean hindi naman sya usually na ganon, and that's the first time he left me in a public place.

When the soup I am preparing ay ready to be serve na ay inayos ko na ang hapag kainan. Sakto naman na lumabas na si Gino at naka bihis pang trabaho na ito.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now