Chapter 3

9 2 0
                                    


December 23 / 8:00 am / Sunday. 

I checked my phone to know the time. Days had passed and now ay isang araw na lang bago ang pasko.

Like the usual, ay ganoon parin ang takbo ng mga araw ko. Laging nasa bahay at nililibang lang ang sarili sa panood ng tv at pakikinig ng music.

Today, Gino's cooking katulad ng nakasanayan naming dalawa. Tuwing wala syang pasok ay sya ang nagluluto. That's what he wanted. Para naman daw maipag luto nya ako kahit once a week lang. I can still remember how I blushed during that time na sinabi nya yon sa akin. Bago pa lang kaming mag kasama sa bahay at tuwing nag luluto sya ay pinapanood ko sya at kinukulit.

Mga masasayang alaala na hindi ko malilimot at hindi ko lilimutin.

"The food is ready. Let's eat" he said ng sumilip sya sa pinto ng kuwarto.

Yeah, our days before ay sobrang layo sa kung paano kami this past months. Not sure what the sudden change means pero hindi ko na lang gaanong pipansin dahil alam kong malulungkot lang ako.

I am still wearing my pajamas nang lumabas ako ng kwarto. He cooked the breakfast while I am just staying in the room watching the ceiling and listening to the music.

Bitbit ang cellphone ko na tumutugtog parin ng paborito kong kanta saka umupo na sa upuan na katapat si Gino.

Nag umpisa na kaming kumain ng napansin kong biglang nabitawan ni Gino ang kutsarang hawak nya kanina.

Hinilot nya ang kanyang sentido habang naka patong ang kanyang siko sa mesa.

"Can you please turn that thing off?" he said na nakapikit pa ang mata na tila pinapa kalma ang sarili.

"O-okay" I said as I turned the music off and look at him with confusion.

Weird. It was the first time na parang ayaw nya sa music na in play ko. I mean we both love to play and listen sa music. And it is so unusual na ayaw nyang makarinig ng naka play na kanta.

"Ayos ka lang ba?" iniabot ko sa kanya yung tubig at kinuha naman nya ito saka ininuman bago inilapag sa gilid pagkatapos.

"I'm okay. Don't mind me. Kumain ka na, we're going for a grocery na gagamitin para sa Noche Buena"

Matapos iyon ay nagpatuloy lang kami sa pag kain. And after that ay nag ayos kami bago umalis.

Gino's pushing the cart habang ako naman ay namimili ng mga produktong nadadaanan namin na alam kong magagamit para sa pasko.

Madami rin ang namimili dahil nga isang araw na lang ay pasko na at knowing Filipinos like me ay mahilig sa rush hour.

Tinulungan ako ni Gino sa pag abot ng mga item na hindi ko abot. Sya rin ang nag bayad sa mga kinuha namin at nagbuhat nito at dinala sa kotse.

"Where do you want to have lunch?" he asks as he maneuvers the car out of the parking space.

"The usual," I said as I stare outside of the window. I can't help but smile

Moments like this always lift my mood. Just like our other Christmas before ay magkasama kaming mamimili at pagkatapos ay kakain sa restaurant na madalas naming puntahan dito sa Centro.

Siguro nga ay sadyang busy lang sa trabaho si Gino kaya nitong mga nagdaang buwan ay hindi kami madalas na lumalabas. At halos malamig ang trato nya sa akin.

It was like the happiness invades my system again na akala mo ay hindi manlang ako na lungkot noong mga nagdaang araw. Being with the love of your life really can make you the happiest person alive.

Nang makarating kami sa resto ay pumwesto kami sa may balkonahe sa second floor ng nito. Si Gino ang nag order ng pagkain namin.

"Comfort room lang ako" I said at umalis na papuntang banyo. He just nods as a reply.

Nag ayos lang ako ng sarili sa harap ng salamin saka lumabas na.

Nang malapit na ako sa puwesto namin ni Gino ay nakita kong may kausap syang babae.

Well, the woman looks decent. And yes she got the look it just happens that I am way taller than her.

I cleared my throat ng nasa likod na ako ng babae. Nang lumingon ito sa gawi ko ay ngumiti ito.

I just smile a little dahil hindi ko gusto ang nararamdaman ko. Bakit ba kailangang may sumira sa good mood ko kanina.

"I'll go ahead na. 'Till I see you again" she said to Gino and then walked away.

Ngumiti lang si Gino and he wave his hand and sent her away with his stares.

Nakatitig lang ako kay Gino who looks troubled and scared. Bakit sya kinakabahan. Is it because of that woman a while ago?

Dumating na ang pag kain at doon ko na lang itinuon ang pansin ko ng maisipan kong mag tanong na sa kanya dahil hindi ko na mapigil ang kuryosidad na gumugulo sa isip ko.

"Sino yon?"

"Wala" he said ng hindi manlang tumingin sa akin.

And just like that, ay nagbago ng tuluyan ang akala kong masayang araw ko ngayon. So much for expecting a lot, being delulu again and ended up upsetting myself.

The Lost SparkWhere stories live. Discover now