Chapter 3

10.9K 470 430
                                    

Kinagat ko ang labi ko habang nagbabasa. Wala pa rin talaga. Alam kong nagtatrabaho si Papa, pero iniisip niya ata na binigay ko na yung promissory note ko kaya hindi pa siya tumatawag.

I was hoping he'd call. I was hoping Papa would tell me he found a way.

Pero wala pa rin talaga.

I grabbed my phone and looked at my portal. Malaki ang balance na naka-lagay doon. I groaned and checked my grades.

Last semester, DL ako pero dahil lang palagi akong nirereview ni Vale! At mayroong mga instances na ginaganahan akong mag-basa. Pero buhat na buhat talaga ni Vale ang grades ko no'n.

Hindi ko naman interes.

Habang nakatingin lang ako sa grades ko nung prelims, may biglang lumabas na notification galing sa instagram. Kumunot ang noo ko nang tignan ko 'yon.

@ezekielraia has requested to follow you

"Ano ba naman?" sabi ko sa sarili ko.

"Bakit mo kinakausap sarili mo?" Jaci laughed. "Tara na, dinner na daw sabi ni madir."

Tumango ako at sinara yung libro. Exams na namin sa isang araw pero hindi ko pa rin alam kung paano ba ako makakakuha ng clearance para mag-exam.

"Alam mo, si Althea?" ani Ate Yessa habang si Leigh ay naglalagay ng mga placemat sa table.

Kinuha ko yung sandok ng kanin at naglagay sa isang malaking bowl para ilagay rin 'yon sa mesa.

"Sino 'yon?" tanong ni Leigh, ang bunsong kapatid nila. Isang taon lang ang agwat niya sa amin ni Jaci.

"Yung kaklase ko noong senior high!" sabi ni Ate Yessa. "Grabe, buntis."

Napataas ang kilay namin ni Jaci. Ngumiwi naman si Leigh at umupo.

"Talaga? Gosh.." umiling siya. "Sira na buhay niya."

"I know, right?" Nanlaki mga mata ni Ate Yessa. "Ano na gagawin niya? 'Yan kasi, sobrang irresponsible. Ang pokpok."

Lumunok ako at umupo. Hindi ako sang-ayon sa mga pinagsasasabi nila. Hindi naman nila kailangan husgahan yung tao.

"Kaya kayo, umayos-ayos kayo," biglang saad ni Tita. Binaba niya yung diyaryo niya at tinignan si Jaci. "Ikaw, Jaci. Kung saan saan ka napupunta. Kung sino sino mga nakakasalamuha mo. Subukan mo lang talaga magpabuntis."

Jaci looked irritated. Siya ang pinaka-liberal sa kanilang magkakapatid kaya alam kong hindi rin siya sang-ayon sa mga sinasabi nina Leigh.

Hindi naman ako pinagsasabihan ni tita ng ganyan, pero naaawa ako kapag si Jaci ang pinagiinitan.

Pagkatapos kumain, ako na ang nag-hugas ng pinagkainan at nag-walis.

Mahirap tumira sa bahay ng iba, kahit bahay pa 'yan ng kamag-anak niyo. Parang pakiramdam ko minsan, pabigat ako. Kaya naman sinusubukan kong makatulong sa mga gawaing bahay.

I went straight up the stairs after some chores, and Jaci was already in bed. Mukhang wala nanaman siya sa mood dahil sa mga nangyari kaninang dinner.

I went to the bathroom and brushed my teeth before going back inside the room. Inayos ko ang mga libro ni Vale at humiga na sa kama ko.

Pipikit na sana ako pero bigang tumunog ang cellphone ko kaya naman tinignan ko agad 'yon.

Ezra Noestro sent you a friend request

Nagbuntong hininga ako at tinitigan 'yon ng ilang minuto. After a few minutes, I clicked accept and checked out his profile.

Bakit naman every 3 years lang siya nagpapalit ng profile picture?! Napaka-boring.

We Said Never (City Series #3)Where stories live. Discover now