Chapter 22

8.6K 414 242
                                    

Nagising ako sa biglaang tunog ng cellphone ko. I was up late last night trying to edit a vlog, pero nakatulog ako bago pa ako natapos.

"Hello?"

"Hello! Kagigising mo lang ba?" tanong ni Alon sa kabilang dulo. "I was just so excited! Sorry! Pero may lunch ka with my boyfriend tomorrow, ha. I can't make it, eh. May shoot ako."

Tinignan ko ang kalendaryo sa cellphone ko. Friday na pala ngayon. How did the week pass by so quickly?

"Yeah, sige. Lunch?"

"Yup! I'll text you the details right now. Bumangon ka na!"

Tumawa ako at binaba ang tawag bago tuluyan na bumangon. I fixed my bed and went outside after doing my devotion. Mukhang may naka-handang breakfast na kaya kumain muna ako bago maligo.

Buong araw, nag-edit lang ako ng vlogs at nakipag-meeting rin ako para sa next brand na ipopromote ko sa social media. Umuwi rin ako kaagad, pero medyo gabi na nang makauwi ako kaya pasara na yung shop at nasa taas na sina Papa.

Yung bahay namin, nasa ibabaw lang nung shop at iisang floor lang. Sakto ang dalawang kwarto, sala, at kusina para sa amin ni Papa. We stayed here ever since they bought the place. Kaya naman sobrang excited kong magpa-tayo ng bahay para kay Papa sa Baguio.

"Hi, Pa!"

"Oh, ang aga mo ata makauwi," aniya habang ngumunguya.

Looks like he and Zach already started eating dinner. Mabuti na rin 'yon para hindi late uminom ng gamot si Papa.

"Hey," I smiled at Zach. "May backjob ba? May sasakyan pa naman sa baba."

Tumango si Zach. "Inaayos ni Kuya Lito."

I nodded and sat down. Naka-handa na rin naman ang isang plato para sa akin. I closed my eyes and prayed before placing some rice on my plate.

"Galing ako sa meeting." I smiled. "More blessings!"

"Nice one." Tumawa si Zach. "Dami ring customer kanina. More blessings."

Ngumiti ako, pero alam kong pagod na pagod silang dalawa. May workers naman kami, pero mostly, si Zach at si Papa talaga ang hands-on. Papa doesn't trust the workers enough to handle it. Matigas rin ulo ni Papa, e. Ayan tuloy, silang dalawa ang pagod na pagod. At si Zach ang lugi, kasi siya mostly ang labor.

Maaga akong nagising kahit na Sabado dahil medyo malayo pa yung lugar kung saan ko imimeet yung architect na boyfriend ni Alon. Alon and I became fast friends since she's from Baguio, too. Natuwa nga ako nung nalaman kong doon pala siya nag-high school!

"Christopher Nolasco." I stated to myself as I sat down. Nandito na ako sa restaurant, pero wala pa namang lalaki na Christopher Nolasco ang pangalan.

Why is that name so familiar? Nakita ko na ba sa news? Sikat ba yun?

"Hi, miss, may nakaupo?"

Kunot noo kong tinignan ang lalaking nag-salita. He had pushed back hair, a dark blue polo, and formal pants. Nanlaki naman ang mata ko nang makita ang pamilyar niyang mukha. I haven't seen him.. in six years.

"Chino?!" I laughed. "Anong ginagawa mo dito?"

"I can tell that my girlfriend definitely kept my identity a secret."

"Girlfriend? What.." Nawala ang kunot sa noo ko nang mapagtanto na si Alon ang girlfriend niya!

"Seryoso ka ba?!"

He nodded. "Can I sit?"

"Sure, sure!" I laughed. "Oo nga pala, ano? Architecture ka pala. Ikaw lang yung hindi kaklase nina Ezra noon. Kamusta pala siya?" I cleared my throat. "I mean.. kamusta kayo?"

We Said Never (City Series #3)Where stories live. Discover now