Chapter 5

10.1K 429 362
                                    

"Anong nangyari?!" tanong agad ng isang babae pagkarating namin doon sa malaking bahay na pinanggalingan namin kanina. "You should have called us, Ezra!"

Umiling siya at umubo habang naka-akbay sa akin. "It was just a couple of Beta guys."

"Kalma ka lang, Gianna," ani Apollo. "Nakilala mo mga mukha? Ilan sila?"

Tumango si Ezra bago umupo sa malaking sofa. The whole house looked like a bachelor pad. Mukhang classy sa labas, but very modern on the inside.

"New members of Beta. Apat lang."

Napalingon ang lahat kay Ezra. They seemed surprised.

"Apat?" tanong nung babae. "And you let them beat you up like this? I've seen you knock out eight guys by yourself, Ez."

Tumikhim si Ezra. Wala na siyang sinagot. He looked over at me while I sat beside him with my forehead creased.

I made him promise. And it almost killed him.

"May ice ba kayo?" tanong ko kay Chino na nakahalukipkip. He nodded and gestured for me to follow him to the kitchen.

Chino handed me a towel and took out some ice from the freezer. May binuksan rin siyang cabinet at naglabas siya ng first aid kit.

We both went back to the living room, and the girl, Gianna, was already gone. Ang natira lang doon ay si Kai.

"Pinapakalma ni Polo si Gia," ani Kai. "Check ko muna yung isang hatchback nina Jolo sa garahe, ginamit nila kanina."

Tumango si Chino. "Sama na 'ko."

Ezra sat there in silence while scrolling through his phone. Umirap ako sa kawalan habang inaayos yung towel na may ice.

I grabbed his face and started icing some of his bruises. Kailangan pa malinisan yung ibang mga sugat niya.

"Ow," Tumawa siya. "Ang aggressive, Ena."

Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko lang ang pagi-ice sa mukha niya. Tumikhim siya at binaba ang cellphone niya. He looked at me, straight in the eyes, which made my face hot.

Sobrang iba naman kasi siya tumingin. Parang may balak malaman lahat ng sikreto sa buhay mo.

"Sabi mo h'wag akong makipag-away." He broke the silence.

"Sabi ko h'wag kang makipag-away. Hindi ko sinabing maging bobo ka." Umiling ako at diniinan yung ice pack sa mukha niya. "Ang panget mo na nga, nagka-pasa pasa ka pa. Doble na tuloy pagka-panget mo."

Tumaas naman ang kilay ni Ezra sa akin na para bang natatawa sa sinabi ko. "Bulag ka ba? Baka lang naman binugbog ako kasi may crush sa akin yung mga girlfriend ng mga 'yon."

"Binugbog ka kasi gago ka."

"Nagmumura ka nanaman!" Kumunot ang noo niya habang tumatawa. "Hindi mo ba alam na nakakapangit daw ang pagmumura?"

"Eh bakit ikaw, hindi pa ata kita naririnig magmura pero pangit ka?" I raised an eyebrow.

Kumurap siya ng ilang beses. "Hindi ko talaga makita. Saang parte pangit? Ang pogi ko kaya."

Nagpigil ako ng ngiti at binaba yung ice pack.

"Just don't be stupid, Ez." I sighed.

"Aww, concerned ka sa'kin?" He laughed and placed his arm around me. "Sweet naman ng girlfriend ko!"

"Inutil." Tinulak ko siya at tumawa. "Pa'no ka uuwi niyan?"

"Dito na ako matutulog. I'll ask Chino to take you home."

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon