Chapter 6

9.6K 462 486
                                    

"How's your cytogen?" tanong ni Vale sa akin. "Okay ba class standing mo? The exams are coming up."

"Ano ka ba, Vale, bakit ka kabado?" tanong ko sa kanya. "Mas kabado ka pa ata kesa sa akin sa grades ko, ah."

"We're not classmates anymore, Ena. Sino na kinokopyahan mo ng assignments? Next time, tell me when you'll enroll. Sabay tayo."

Umiling ako at tumawa. He handed me a book and sighed.

Bumili lang kami ni Vale ng Tapa Rice at dito na sa canteen nag-lunch. Sina Raffy naman, nag-takeout sa Paylite pero pabalik na rin dito para sabay sabay kaming kumain.

"Valentine's na, ah." I raised my eyebrows up and down. "Who's the lucky girl, Lawrence?"

"Crazy woman." Bahagya siyang tumawa. "May gig kami mamaya."

"Aww," Ngumuso ako. "Wala kang ka-date?"

"Wala! Lahat tayo wala, kaya naman sabay sabay tayong pupunta ng Church." Ngumisi si Raffy sabay upo sa tabi ni Vale.

Agad na sumunod si Mage na may take-out galing sa Jollibee. Kaya naman pala natagalan!

"Hay nako, Magui Cornelia Urfueza. Ang gastos mo nanaman."

Ngumiwi si Mage sa akin. "Stop saying my whole name, Selena Eloise Garcia! If I'm going to their Church, you are, too."

"Hindi ba tayo iinom?" pang-aasar ko.

Sinamaan ako ng tingin ni Vale at Raffy kaya naman tinaas ko ang dalawang kamay ko. "I'm not drinking tonight! I'm just not sure if I'm avail—"

Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko ay tumunog na ang cellphone ko at pinutol ang sinasabi ko.

"Sorry," I grinned and took my phone. "Hello?" I quietly said.

"Why are you whispering?" Mahina ring sabi ni Ezra. "Are you in class?"

"No. Nasa Canteen ako." I continued to whisper.

"Oh.. okay," he whispered back.

"Eh ikaw, bakit ka ganyan mag-salita?"

"Ay sorry, ginaya lang kita." He returned to his normal speaking voice. "I need your help later. After school."

Napatingin ako kina Vale. Whatever, I guess. Vale's not going tonight rin naman sa iniimbita sa amin nina Raffy dahil may gig siya. I guess I could skip this one, too?

"Yeah, fine, whatever," sagot ko kay Ezra bago ibaba ang tawag.

"Sino 'yon?" tanong ni Raffy. "May date ka mamaya? Hindi pwede! Wala kaming lovelife, ikaw din dapat, wala!"

Tumawa ako. "May tutulungan ako mamaya. Bawi ako next time!"

"Bawi bawi," Kunot noo akong tinignan ni Raffy. "Idedate niyo ako. Mga bwisit kayo. Pati ikaw, Vale!"

"It's a gig. Mine's acceptable." Vale defended.

Nagpatuloy kami sa pag-kain ng lunch, pero nauna na rin akong umalis dahil may klase pa ako. Hindi naman masyadong eventful dahil ang daming mga pumapasok sa classroom namin at nanghaharana.

May nag-bigay ng bouquet ng syringe sa akin, at ibang mga rosas rin, pero wala namang pangalan kaya naman hindi ko na pinansin. Baka si Vale nanaman yung sa syringe! O sina Raffy. Alam talaga ng mga 'yon kung paano maging practical!

Sa mga rosas, alam kong galing sa school of nursing at school of engineering and architecture ang mga nagbigay dahil naka-lagay doon sa note kung saang school galing. Wala nga lang pangalan.

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon