Chapter 31

9K 433 261
                                    

Sumalampak kaagad ako sa higaan pagkabalik namin. I was honestly so tired. The whole day and evening felt like too much for me to digest as a whole. I barely even had the energy to change my clothes. It felt like too much has happened in 24 hours.

"Ena.." simula ni Ezra pagkapasok niyang kwarto. "Kain ka muna."

I remained silent. Wala na rin akong gana na mag-salita. I just wanted to sleep.

Naramdaman ko kaagad ang pag-upo ni Ezra sa tabi ko at ang kamay niya sa aking ulo, ngunit binawi niya rin 'yon para malagay ang kumot sa ibabaw ko nang maayos. Nagbuntong hininga siya habang magaan ang kaniyang kamay sa likod ko.

"I'm sorry you had to go through.. all that." He sighed. "God, please don't let her go through that pain again."

Kinagat ko ang labi ko para mag-pigil ng iyak. I wasn't crying because of the pain that I once went through. I wasn't crying because of grief.

I was crying because it felt like I was drowning, and I've finally come back up for a breath of fresh air.

I fell asleep before Ezra left. Nagulat na lang ako nang marinig ko ang kalabog sa labas at ang malalakas na boses nina Apollo.

I quickly woke up and went to the bathroom. Naligo na muna ako bago lumabas para tignan kung anong gulo ang nangyayari sa kanila.

Bumungad kaagad sa akin sina Chino na naka-upo sa sala. Chino was clasping his hands together while his head was bowed down in frustration. Si Apollo naman ay naglalakad-lakad, but he was only walking back and forth. It was much more chaotic in the kitchen, kaya hindi na ako pumunta doon.

"Ano.. ano nangyari?" tanong ko kina Chino.

Inangat ni Chino ang kaniyang ulo at huminga nang malalim. "Ena. Gising ka na pala."

Lumingon ako kay Apollo na tumigil na sa paglalakad. Seryoso ang kaniyang mukha at malalim ang kaniyang mga hininga.

"Ang ingay kasi. Sabi ni Ezra h'wag ka daw gisingin, eh." Umiling si Apollo.

"Ano ba nangyari?" tanong ko ulit sa kanilang dalawa.

Lumunok si Chino at lumingon sa parte ng kusina. Then, I suddenly heard a scream. A deep voice that screamed in pain.

"Sino 'yon?" I asked.

Chino sighed. "Inabangan ng ibang mga utusan ng mga Alverez yung mga alpha na kararating ng Baguio kaninang madaling araw. Eh, kasama si.. ano.."

Gumapang kaagad ang takot at kaba sa sistema ko. "Sino?"

Lumunok si Chino at tumingin kay Apollo na nakahalukipkip na ngayon.

I shook my head and immediately went to the kitchen. I pushed through the crowd of boys angrily, still hearing those loud, painful groans.

Napatigil ako sa likod ng ilang mga lalaki nang makita ko si Zach na duguan sa mesa. They couldn't see me. Kai was holding Zach down while Ezra was grabbing his face.

"Hinga," Ezra calmly told Zach.

Zach had tears rolling down the side of his face as he closed his eyes in pain. I bit my lip as I watched them hold Zach down. Another guy had gloves on, at may isang malaking lalagyan ng alcohol sa tabi niya.

"Can't we just take him to the hospital?" tanong ni Kai. "Bro, he's bleeding."

"At this state, he'll probably bleed out before we get to the hospital," sabi naman ni Jolo. "Nicholas, alam mo naman ginawa mo, diba?"

"Surgical resident palang ako! I've never done surgery on my own!" sabi nung lalaki. "Just hold him down so I can remove the bullet and try to stop the bleeding."

We Said Never (City Series #3)Where stories live. Discover now