Chapter 12

9.8K 548 972
                                    

"I think this dress looks good on you," sabi ni Lia. "Suotin mo 'to later tonight!"

Tinignan ko ang itim na bistida. It was a black bodycon dress. Sleeveless rin siya, at manipis lang yung strap niya.

"Hala, kita na kaluluwa ko dito," sabi ko habang sinusuot 'yon.

Kaming dalawa lang ni Lia ang nandito sa kwarto niya dahil busy nanaman si Raffy at Vale sa kung ano. Baka lovelife ang inaatupag ni Vale! At baka naman Church ang inaatupag ni Raffy. Si Mage naman, umuwi ng Manila.

I carefully looked at all the medals she had hanging by her closet. Parang wala lang na naka-sabit doon.

Si Lia talaga ang pinaka-driven sa aming mga magkakaibigan. She's a consistent dean's lister, at marami pa siyang extracurricular activities. Overachiever talaga.

Matalino nga siya sa acads, pero bobo naman sa lovelife. Hay nako. Buti na lang ako, bobo sa pareho.

"I bought that dress for you nung birthday mo." She pouted. "Sorry we couldn't celebrate it.."

"Last last month pa 'yon, grabe ka!" Tumawa ako. "Busy naman talaga tayong lahat no'n."

"Kahit na." She sighed. "I was just so preoccupied.."

"Okay lang 'yon." I smiled at her.

Naalala ko tuloy ang birthday ko nung kailan. Miss na miss ko ang papa ko no'n. Inisip ko, okay lang naman kahit hindi malaking handaan, basta kasama ko si papa.

Hindi ko kasi nilagay ang birthday ko sa facebook ko, kaya ang mga kaibigan at pamilya ko lang ang nakaka-alam.

"Hey, have you seen dad's helmet?" tanong bigla ng kuya ni Lia na kakapasok lang ng kwarto.

Umiling si Lia. "What happened to yours nanaman?"

Ngumuso lang ang kuya niya at bumaling sa akin. Kumaway siya at ngumiti.

"Hi, Selena. Nice dress." He grinned. "Kamusta kayo ni Ezra?"

Para akong nasamid sa sarili kong laway. Humagikgik lang yung kuya ni Lia at sinarado yung pintuan. Lia looked at me and shook her head.

"You know, I'm so disappointed you didn't tell me. I had to find out from my brothers!"

Huminga ako nang malalim at humiga sa kama ni Lia. Paano kaya 'yon nalaman ng mga kuya niya? Si Lia ang unica hija ng pamilya nila, kaya mas inaasahan kong kaibigan niya ang nagsabi, hindi ang kaniyang nga kapatid.

"Ang gwapo ng mga kuya mo, 'no? Lahat ba sila taken?"

"You're avoiding the topic." Inirapan niya ako. "Do you not trust me anymore?!"

Nagbuntong hininga ako. "Hindi naman sa ganon!"

"Then why are you avoiding the topic?" She raised her eyebrow. "Is he like, a really bad kisser?"

"Tanga." Tumawa ako.

I just realized that.. I've never really told anyone about the deal that Ezra and I made. Wala akong sinabihan. Maski sina Vale at Raffy.

"Lia.." Paninimula ko.

"Hmm?"

"May sasabihin ako pero hindi mo talaga pwede sabihin sa iba."

"Ano?"

I let out a breath. "I don't have a boyfriend."

She threw me a confused look. Nakaupo siya sa vanity chair niya kaya naman magka-tapat lang kami, madaling makita ang reaksyon niya.

"Huh?" Bahagya siyang tumawa. "Ezra—"

"Peke lang 'yon. Inaantay niya lang na makipagbalikan sa kaniya si Theo."

We Said Never (City Series #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon