Chapter 9

9.1K 463 625
                                    

From: Ezekiel Raia
Nasa school ka na ba? Do you need a ride?

From: Ezekiel Raia
Ingat kaaaa

From: Ezekiel Raia
I haven't heard from you since Friday, okay ka lang ba?

Inirapan ko yung cellphone ko habang iritableng naghahanap ng jeep. Magt-thirty minutes na akong naghahanap ng jeep, pero wala talaga. Panagbenga month rin kasi, kaya maraming mga turista.

Halos 7:30 na. Eh 7:30 yung klase ko.

"Ugh," I groaned. "Ano ba naman 'to."

Marami ring mga taong nagaantay ng jeepney kaya naman hirap talaga kaming kumuha ng masasakyan para makapunta ng town. At kailangan ko pa mag-jeep galing town papuntang Bonifacio para makapuntang SLU.

Late na ako.

I walked back and forth, trying to find a jeepney. Ang mahal kasi masyado ng taxi kung magtataxi ako, pero kahit na maghanap ako ng taxi, lahat naman sila may sakay na. Ang hirap talaga kapag maraming turista dito sa Baguio.

Humalukipkip ako at tumigil sa paglalakad. Kinuha ko yung panyo ko para magpunas ng pawis. Ang init pa nga. Magma-March na rin kasi.

Balik na lang kaya ako sa bahay?

Nevermind. Per subject ang attendance namin, hindi per day. Mamaya ma-drop pa class card ko.

Just as I was about to accept the fact na aabsent ako sa first subject ko, biglang may tumigil na puting sasakyan sa tapat ko.

Tumaas yung kilay ko nang makita kong si Zach 'yon. Last time I saw him was on Friday, before I left the party. Bakit naman siya nandito?

"I didn't know you lived here." Tumawa si Zach. "Do you need a ride?"

"Bonifacio ako. Sa UB ka."

"It's fine, I'll drop you off. 8 pa klase ko."

Maraming ibang estudyanteng nag-aantay ng jeepney. Mayroong naka-uniform galing sa iba't ibang mga eskwelahan. Nagbuntong hininga ako at binalik ang tingin kay Zach.

"Fine." I sighed. "Pero h'wag mo ako sisingilin ng pamasahe, sasapakin kita."

Tumawa si Zach at inunlock yung pintuan niya. Once I sat on the front seat, he started driving towards town.

"Taga dito ka rin pala," he said. "Jeeps and taxis are hard in the morning and evening. Buti hindi ka nalelate?"

"Late na nga ako ngayon, eh."

"Okay lang ba sa'yo na bilisan ko?" he asked.

Nagpigil ako ng tawa. "Kailangan ba 'yan tanungin?"

"Sorry." He smiled and stepped on the gas.

Marami siyang inovertake na mga sasakyan, at mukhang nagd-die down na rin yung traffic kaya nakarating kami ng SLU bago mag-7:45. Hindi pa ako absent.

"Thanks!" sabi ko. "Bawi na lang ako!"

"It's no problem." He laughed while I got out of the car. "Have a good day."

Sinara ko yung pintuan at agad na tumakbo pataas ng main gate. Swerte ko na lang na wala pa yung prof namin pagkarating ko. I was already so sweaty, and my hair was all over my face.

"Grabe, tumakbo ka ba galing La Union?" Tumawa si Olivia. "Oh, powder."

Inagaw ko agad yung tubig ni Ryder na naka-upo sa likod ko. Tinignan niya ako na tila pagod na sa kaka-agaw ko ng mga gamit niya.

"Ena, laway mo."

"Sorry, emergency." I grinned and gave him back his water bottle. "Wala pa si Sir?"

We Said Never (City Series #3)Where stories live. Discover now