Prologue

966 12 0
                                    

"Ang hirap mo i-please, ang taas ng standards mo at feeling mo ikaw lang ang tama....I admit it too, oo may kasalanan ako kung bakit nag failed ang malaking account na to pero huwag mo ring kalimutan na may partisipasyon ka rin dito.... Kung hindi ka iresponsable at nag inarte, walang ganitong mangyayari...." sigaw ni Tata

"Wala ka sa posisyon para sigawan ako... Hindi mo ako nererespeto at may gana ka pang sumigaw pagkatapos ng nangyaring to. Tyaka sino bang may sabi na pumunta ka sa bahay eh nasa opisina ang trabaho mo?" ani Ezequiel Alegrio

"Kailangan ko pa bang sabihin iyon, matalino ka sir bahala ka ng mag-isip" pagsusungit ni Tata

"enough.......You are fired!" matigas na sambit ni Ezequiel Alegrio.

"No! I'm quitting, Hindi ko na matatagalan ang ugali mo. Napaka walang puso mo, hindi ka makatao!" ani Tata pagkatapos ay lumabas na ito.

Dumiretso ito sa kanyang table at kinuha ang bakanteng kahon. Isa isa niyang nililigpit ang gamit.

"Aalis ka?" biglang lumapit sa Sabel

Tumango lang ito.

"Akala ko ba mais lang yan si sir sayo?" tanong ni vita na nakakunot ang noo at malungkot ang itshura

"Oo akala ko, dati.... Akala ko magbabago siya pero hindi. Wala nang pag-asang magbago pa ang taong ipinanganak na walang puso, manhid at hindi marunong magpaka tao." ani Tata

"Salamat!" sarkastikong sabat ni Ezequiel

Napatingin si vita dito at napayuko si Tata diretso lang sa pagliligpit.

Nang mailagay na niya sa box lahat ng gamit ay tumingin ito ng diretso dito.

"Pakisabi kay Mr. Armando na salamat sa lahat ng naitulong nya sa akin at sa pagtitiwala sa kakanyahan ko na hindi mo nakita. Perpekto ka kasi at napakataas ng tingin mo sa sarili mo. Sana hindi na tayo magkitang muli. Adios!" ani Tata at naglakad na ito palapit sa elevator.

Bagsak ang balikat nitong umupo sa upuan ng  kanyang tinutuluyang apartment.

"Hanggang dito lang ang journey ko.... Bwesit talagang lalaking yan. Kung may galit siya sa mundo huwag siyang mang damay... Hindi ka na talaga magbabago. Napakasama mo. Kung anong kinagwapo mo, kabaliktatan ng ugali mo!" sigaw nya tapos ay pumadyak padyak siya sa inis.

"You can't blame me dad, Ginawa ko lang ang tama." ani Zeq

"Zeq, Pang ilang secretary mo si Tata. Walang tumatagal sayo dahil sa ugali mo.... Tata is the right one for you.(napalingon si Zeq sa kanya) I mean bilang sekretarya mo. Marami na siyang nagawa at naitulong sa Company. Tiniis niya ang ugali mo ng isang buwan.! Paliwanag ni Armando

"Kahit na, dad....I already made my decision." pagmamatigas ni Zeq

"I have no choice then but to demote you as President unless you convince her to return to our company" ani Armando

"what!!!!" gulat nitong wika

"You hear me right, Zeq. You can't go back to your position hanggat hindi mo makumbinse si Tata Villacorta na bumalik sa kompanya" ani Armanda

"Paano kung ayaw nya?" cold na taong nito

"Hahanap ako ng bagong Uupo sa pwesto mo" ani Armando

"No! You're insane, Dad... I'm your only son, your only heir, so how can you look for others to take over the business?"" reklamo ni Zeq

"and you think I can't do that, pwes kung ayaw mo mawala sayo ang posisyon mo, isa lang ang pwede mong gawin." ani Armando na mataman niyang tinitigan ang anak

"Hindi mo pwede gawin sa akin ito dad." hindi makapaniwalang reklamo ni Zeq

"Kaya ko, sa nakikita ko sayo, hindi mo kayang itaguyod ang kompanya hanggat ganyan ang ugali mo. Wala kang pagpapahalaga sa mga nasasakupan mo. Hindi sila mga hayop na susunod lang sa mga inuutos mo at sa gusto mo, Zeq" ani Armando na may pagalit na tono nito

"Talagang susunod sila dahil pinapasahod sila ng tama. They need to work hard too! Hindi sila dapat i-baby" ani Zeq

Napailing na lang si Armando. "Do it or leave the Company" yun lang at hindi na niya hinintay na sumagot pa si Zeq

Naiwang nakaawang ang bibig ni Zeq. Hindi ito makapaniwala sa gusto ipagawa sa kanya ng ama. "That woman! No way!!!! Aaaaaaaah. " sigaw niya sabay sabunot sa buhok.

Nakita niya ang vase na malapit sa kanya. Ibinato niya ito... Lahat ng mahawakan ay walang ligtas sa kanyang kamay.

Ang mga katulong ay takot na lumapit dito dahil baka sa kanila tumama ang mga nahliliparang mga gamit.

Nang maramdaman niya na ang pagod ay huminto siya at isinalampak ang pang upo sa sofa.

Nag aalangan na lumapit ang mga katulong at tahimik na nililinis ang mga nagkalat na mga bubog.

"Bakit ang tagal niyo, bilisan niyo nga diyan at lumayas kayo sa paningin ko!!!" sigaw niya.

Napapitlag ang mga katulong at minadali ang paglilinis.

"Aaaaayst, bakit ang bobo ng mga kasama ko sa bahay. Mga walang silbi!" himutok niya.

Tumayo siya at umakyat sa kwarto.

Nahiga siya at nagpatugtog na lang ng music ng pagkalakas lakas.

Rinig na rinig hanggang sa kwarto ng ama ang pinapatugtog nito.

Napailing na lang si Armando habang sumisimsim ng kape

April 18,2021-

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now