25

109 4 0
                                    


"Tay pinge pera, may birthday party akong dadaluham, wala akong bagong damit tyaka sapatos" wika ni Abbie.

Ang abala na si Abel na nanonood ng tv habang nakahiga at kumakain ng chichirya ay nag angat ng tingin sa anak.

"Saan ako kukuha ng pera ha?" tamad nitong sabi

"Malamang sa bulsa nyo?" sarkastikong sagot ni Abbie na nakapa maywang

"Wag ka nang pilosopong bata ka"

"Kayo kasi, ako tatanungin nyo kung saan kayo kukuha ng pera."

"Alam mo naman na wala akong trabaho, sa akin ka pa talaga hihingi"

"saan pa? Alangan humingi ako dyan kay Dolor. Wala rin naman pera yan"

"Ikaw na lang dumiskarte, tutal damit mo naman iyan."

"Tay naman eh!"pumadyak ito sa inis. " wala rin ako trabaho. Umaasa lang ako sa Joswa" giit niya

"haaay naku, bakit ba kasi hindi ka naghanap ng trabaho"

"bakit kayo tay, hindi naghahanap?"

"Sa tingin mo may tatanggap sa isang ex-convict na tulad ko?"

Umirap ito sa hangin at tyaka padabog na naglalakad palayo

"Hindi nag iisip" napangisi si Abel at itinuloy ang panonood ng tv habang naka higa

Apat na katok

"Istorbo, sino ba yang katok ng katok!" sigaw ni Abbie

"Si Dolor ito" pagkasambiy ay binuksan ma niya ang pinto

"Anong kailangan mo?" pagtataray niya.

"Narinig ko kasi ang usapan nyo ni Abel"

"Oh ngayon?"

"Magkano ba ang kailangna mong pera?"

Biglang umahon sa pagkakahiga si Abbie. "Bakit mo tinatanong. May pera ka ba?"

"ah eh ano ma-laki laki ang kinita ko kahapon kaya may natabi akong kunting halaga"

Inilabas niya ang supot.

Bibilangin pa lang niya pero biglang kinuha ni Abbie ang pera.

"Sakto na to, salamat. Pagkalabas mo pwede pakisara ang pinto!"

Ngumiti ito ng malapad at tyaka humiga ulit.

Hindi na umangal pa si Dolor at tahimik na lumabas.

Sumilip pa si Abbie kung nakalabas na ito tyaka niya binilang ang pera.

"5,000 lang? Sa damit pa lang kulang na. Debale na nga" aniya

Wala mg laman ang bote ng alak. Umahon si Abel at lumabas.

"Saan ang punta mo?" tanong ni Dolor

"Kailangan ko bang report sayo kapag aalis ako?"

"hindi naman, gusto ko lang malaman"

"hssss magluto ka na lang. Nagugutom na ako"

Kumampay ito sa hangin at tyala umalis.

Sa labasan ay rinig ang tv sa karinderya.

Napalingon ito.

"Mas lalo kang gumaganda madam" bulalas niya.

Paalis na siya ng may sumagi sa isip

Nagmadali itong bumalik sa bahay at nagbihis.

"May lakad ka?"

"Pwede ba tantanan mo ako kakatanong. Bugyan mo na lang ako ng 300, baka matuwa tuwa pa ako sayo"

The cold Mr. CeoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin