23

114 6 0
                                    

" I don't know why is he doing here. Madalas ko siyang makita dito sa kompanya and I want you to avoid him"

Pagpapaalala ni Zeq.

Maka ilang buntong hininga ito at malalim ang iniisip habang naka tingin sa transparent glass window.

Lumabas si Tata ng may pagtataka pa sa kanyang mukha.

"Ngayon lang ako nakakita ng kambal na mortal na magkaaway." aniya ng makaupo ito

"Sayang nga eh, pinagpala silang dalawa. Handsome and brain tapos kabilang sa mga kilalang mayayaman sa bansa kaso hindi sila pinagpala sa masayang pamilya." wika ni Vita

"Broken Family?" biglang tanong ni Tata.

Halata sa ekpresyon ng kanyang mukha na interesado ito sa kwento ng mga Pamilya Alegro

Natawa si Vita ng mapansin niya ito. "Intersado ka malaman?" tanong niya

Napabaling ang tingin ni Tata sa kausap.

"Hindi naman, curious lang ako" sambit niya

Tumingin muna si Vita sa kaliwa at kanan bago ito magsalita

"Ang bali balita, nagkahiwalay si sir Armando at ma'am Rebecca dahil isa sa kanila ang nagloko at nakita  niya ito mismo. Hindi nga lang sure kung sino sa kanilang dalawa ang nangaliwa, masyadong sekreto ang problemang pamilya nila at ayaw nilang lumabas ito sa medya o kahit pag-usapan dito sa kompanya" paglalahad ni Vita

Tumango tango si Tata habang nakikinig. "kaya pala hhhhm erase erase. Pokus na tayo self" aniya ilinilig ang ulo

Lumabas si Zeq. Seryoso ang mukha nito. Malalaki ang hakbang nito at tila nagmamadali.

Hindi na nagawang tanungin pa  ni Tata ang boss.

Nagkatinginan ang dalawa at nagkibit balikat.

Sumaboy ang laman ng folder sa marahas na paglabag sa lamesa ni Zeq.

Napukaw atensyon ng lahat sa ingay na nilikha ng pagsalampak ng folder sa mesa.

Nang makita nila kung sino ang may gawa ay agad silang tumayo at nagbigay galang.

"Who's the new appointed Marketing head?" tanong niya

Nagkatinginan ang mga ito.

"Magtitinginan lang ba kayo?" anas na. May inis na sa tono nito

"Ako" tipid na sambit ni Isiah.

Agad na lumingon sa likuran si Zeq.

"You?" hindi makapaniwalang sambitla niya

"Hindi ka yata updated ngayon, alam na ng lahat ikaw na lang ang hindi" panunuya ni Isiah

"This can't be happening. I need to talk to dad" ani Zeq.

Sinamaaan niya ito ng tingin

"Go ahead my twin" pang aasar ni Isiah

Lumabas ito ng area. Lahat ng nakakasalibong niya na binabati siya ay wala ni isa siyang binati pabalik o nginitian man lang.

Pag akyat niya sa President floor ay agad itong nagtungo sa office ni Armando.

"Is it true that he is now the head of the marketing department?" agad nitong tanong

"Nabalitaan mo na pala" sambit ni Armando na busy na nagbabasa ng diaryo

Lumapit si Zeq sa mesa at namaywang.

"Dad I am serious. Why is he working here? Tyaka bakit hindi ko alam ang tungkol sa bagay na ito. I am Junior President, I should know every details that is happening here" aniya

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now