40

89 4 0
                                    

Nagising si Zeq. Medyo may kunting panghihilo pa siya.

Pagangat nya ng kamay para hawakan ang noo, napansin niya ang palad na may bindahi.

"Ginamot ni Tata yan habang sinusugod ka namin sa ospital." ani Evo

Tinitigan niya ang kamay at natuwa sa nalaman.

"Palala ng palala yang trauma mo sa dugo, kailangan mo na magpa check up" sabat ni Eñigo

Napaisip ito sa sinabi ni Eñigo. (Bakit ba hindi ko mapigilan ang emosyon ko pagdating sa bagay na yan) napa ngisi ito sa iniisip

Biglang naalala ang lalaking naka hoody.

"At sino kang hinayupak ka.. Hindi kita tatantanan hanggang ikaw na mismo ang magsuko sa sarili mo" bulong nya

"Yung lalaking naka hood, inireoprt ko na" ani Evo

Sinulyapan niya ito

"Nakita ko sya bago ka labas habang akay si Isiah" dagdag pa nito.

"May gusto manakit sayo" ani Calvin

"Hindi na bago yan, ilang beses ng may magtangka sa buhay ko."

"So aning balak mo?" tanong ni Eñigo

"Kakain" sagot nya

Hindi makapaniwalang natawa sila sa sinabi nya at napailing na lang

Tinuro nya ang mga ito. "Bakit, sino ba ang hindi nagugutom pagkatapos humiga dyan ng ilang oras? Tsk" sinamaan nya ng tingin ang mga kaibigan

"Naloko na"

" nahawaan na ni Tata ng katakawan itong isang to"

Bulungan nila.

"Anong pinagbubulungan niyo dyan?"

"Wala" ani Calvin

"Mag order ka nga ng __-" natigilan siya ng maalala ang mga spicy noodles na luto ni Tata

"Ng ano?"pag uulit ni Eñigo

"Huwag na. Nawalan ako ng gana" aniya sabay balik sa higaan at nagtiklob

Nagkatinginan ang mga ito at nagkibit balikat.

Hindi siya makatulog. Inaalala nya ang lalaki. Naka mask ito pero ang mga mata nito ay parang nakita na niya.

(Third Person)

"Nag iisip na sila ngayon kung sino ang taong yun at bakit niya ito ginawa"

"Siguraduhin mo lang na hindi ka mapapahamak dahil masisira ang mga plano ko. Malapit ng pumutok ang unang pasabog na inihanda ko, ayokong mabulilyaso ang mga ito"

"Malinis ang pagkakagawa ko, tyak hindi nila ako namukhaan."

"Huwag kang makampanti. Tuso si Rebecca"

Pumasok ito sa kwarto ni Isiah. Mahimbing ang tulog nito at may bindahi palibot sa kanyang ulo.

Napaubo si Isiah dahil para magising na siya.

Nakita niya sa kanyang harapan si Zeq. Mataman na nakatingin ito sa kanya

"Bakit mo yun ginawa?" diretsahang tanong ni Zeq

Napa ngisi si Isiah. "Yan ba ang ibubungad mo sa akin?" ani Isiah na tumingin dito ng diretso

"Wala akong maalala na gumawa ako ng mabuti sayo"

"So, kailangan ba may gawin ka para suklian ka ng kabutihan?"

"Ayaw ko ng may utang na loob kahit kanino"

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now