39

99 8 0
                                    

Laging wala si Vita. Hiniram sya ni Isiah. May ipinapagawa siya dito.

Ayaw naman sabihin ni Vita, sekreto na muna daw habang hindi pa tapos kaya hindi siya inuusisa ni Tata.

Pagkatapos ng launched ay medyo luwag ang gawain sa opisina.

araw ng sabado, maaga pa rin nagising si Tata.

"Oh ba't nakabihis, saan ang punta mo?" aniya ng makita si Ben

"May try out sa field. Magkakaroon ng liga sa darating na fiesta" sagot naman ni Ben

"Aba, may pa liga si Kap. Sama ako"

"Wag' na, sa dami ng ginagawa mo sa opisina nyo hindi mo ito mahaharap"

"Ay grabe naman to. Ayaw mo lang ako isama eh"

"Oo na. Naku ikaw hindi ka pa rin nagbabago, kulit mo pa rin" ani Ben na kumamot sa ulo

Biglang tumayo si Tata at niyakap ito mula sa likod.

"eeeemp hindi mo kasi ako matiis eh. Pa kunwari ka pang nakukulitan sa akin. Love mo ko eh"

"Shuuuta hindi no!!! Kung may kapatid akong babae na ganyan kakulit naku baka mahampas ko pa"

"Ay gravey siya oh. Hahampasin mo ako?"

"Gagi hindi no tyaka ikaw ang bunso namin. Kapag hinampas kita baka ako ang hindi isama sa try out"

"Haha buti alam mo"

"Bumitaw ka na, nabibigatan ako sayo. Hindi naman yakap ang ginawa mo. Nagpa bigat ka lang eh"

"Hindi namanb ako mabigat. 49kilos nga lang ako"

"Kahit na mabigat pa rin yun"

"Mapayat ka kasi kuya Ben"

"Namintas pa. Bilisan mo, aalis na ako. Babagal bagal eh"

"Oo na apurado ka masyado, nalabas tuloy pagka batangeño mo kuya hehe"

ilang subo sa pagkain tapos ay niligpit na niya ang mga ito. Nagmadali siyang nagbihis.

Maraming tao sa court. Lahat ay gustong manood ng try out.

"Tara na magsisimula na sila" ani Ben

Tumakbo sila sa loob.

"Oh bakit antagal mo. Uy Tata sasama ka?"

"Oo tagal na rin noong huli akong sumali."

Nag try out sila isa isa. Tinignan ng bagong coach ang tira nila at kung saan sila napapabilang.

Lahat sila nakapasok.

Malapit na ang tanghali ng matapos ang lahat sa try out.

May dumarating.

Taga ibang barangay.

"Bakit sila andito?" tanong ni Tintoy

"Woooooa ang tangkad nila" bulalas ni Rafa

"Wala sa tangkad yan boy. Nasa lilsi at bilis yan" sagot ni Ben

Iba ang tingin ng mga ito sa kanila. Tila naghahamon ang mga awra nila na may hawak pang bola.

Tinignan sila mula ulo hanggang paa at tyaka nagtinginan at ngumisi.

"Anong tinitingin tingin nyo ha" ani Inaro

"Mga bansot pala makakalaban natin haha"

"Loko pala mga ito eh" ani Tintoy

"Ssssh huwag nyo sila papatulan. Huwag nyo ibaba ang level nyo sa kanila" ani Salud

The cold Mr. CeoΌπου ζουν οι ιστορίες. Ανακάλυψε τώρα