12

117 6 0
                                    

Laro

Nasa opisina si Tata. Tahimik ang buing paligid.

Nagtataka ito dahil walang  sumisigaw sa kanya.

Habang tinitignan ang mga gawa niya sa monitor ay lumabas si Armando.

"Ms. Tata paki pirmahan ito kay Zeq at ibalik mo agad sa akin. I need for the meeting mamayang hapon."

Mabilis na inabot nya iyon at nagtungo sa opisina ni Zeq

Tama nga ang kutob nito. Wala nga sa opisina niya ang boss 2.

Agad itong nag report kay Armando na wala roon si Zeq.

Nag aalala ang mukha ng ginoo.

"Kung gusto niyo sir, pupuntahan ko na lang po siya" suhwesyon niya.

"That's better. Thank you"

Dahil may approval ng boss ay mabilis na in-opoen nito ang selpon.

Kinontak niya ang alam kaibigan ni Zeq na si Calvin.

Tamang upo ni Calvin sa bench. Nagpupunas ng mukha dahil sa pawis at uminom na rin ng tubig.

Biglang tumunog ang selpon nito.

Nang makita nya ay walang name na nakarehistro.

Agad niya itong sinagot baka importanteng tawag sa hospital.

"hello?"

"hello, sorry sir kung napatawag ako. Si Tata Villacorta po ito, sekretarya ni sir Zeq, itatanong ko lang po kung kasama nyo po ba siya ngayon?"

Napangiti si Calvin ng makahulugan sa iniisip.

"Ah si Zeq, oo narito sya"

"Ganoon po ba, sige po pupunta ako diyan"

Hindi na siya nakapag paalam. Agad utong umalis.

(She is looking for her man. Mananalo yata kami sa pustahan hahaha) aniya habang pa tawa tawa

"Hoy anong tinatawa tawa mo diyan?" paninita ni Eñigo

"I think mananalo tayo sa pustahan" sambit ni Calvin

"Yung kay Zeq at yung sekretarya niya?" naka kunot ang noo ni Eñigo

Tumango si Calvin. "She called me. Hinahanap niya si Zeq."

"and?"

"Na miss niya ata si Zeq kaya pupunta siya dito"

"Yun lang konklusyon mo?"

"Dyan magsisimula. Trust me" aniya sabay kindat.

" okay sabi mo eh"

Bumalik na sila sa court para makipaglaro.

Wala pa sa trenta minutos ay nakarating na si Tata sa lokasyon.

Napa sapo ito ng noo ng makita ang mga kaibigan.

"Shocks, ngayon pala ang laro nila. Nangako pa naman ako"

Nagmadali itong pumasok sa field at pinanood sila

"Sila sir Zeq pala ang kalaro nila?" tanong nito sa sarili habang abala ang mata sa panonood.

Nagtinginan si Calvin at Eñigo ng mapansin si Tata na naroon isa sa mga benchers.

Nang tumawag ng break sila Zeq ay agad itong lumapit.

"Sir pinapapurmahan sa inyo ni si Armando itong mga papeles" bungad niya

Tumingin si Zeq at napa ngisi. "Did you get it, I am not in the office. Meaning, Wala sa itinerary ko ngayong araw ang magtrabaho. Did you see, I am playing?"

The cold Mr. CeoDove le storie prendono vita. Scoprilo ora