Lima

177 5 0
                                    


Pasikat pa lang ang araw ay naka handa na si Tata para pumasok

"Oh bakit ang aga mo yata, anak?" pamumuna ni Dolor na magsasaing pa lang

"Mas maaga sa tilaok ng manok yung boss ko eh, nakakahiya naman na mauna ang boss pumasok kaysa sa secretary niya" paliwanag ni Tata

"Ganoon ba yun pero magluluto pa lang ako, mahihintay mo ba?" ani Dolor na ngayon ay naghuhugas na ng bigas

Lumapit ito at niyakap ang nanay niya mula sa likuran. "Hindi na ho inay. Sa office na po ako kakain. Magbabaon na lang ako ng binaked nyo na brownies." aniya sabay halik sa pisngi nito

"mag iingat ka ha" ani Dolor

Tumango si Tata. "Opo inay" aniya

Pagkapasok sa building ay mga night shif na guards pa ang naroon.

"Good morning ma'am!" sabay sabay nilang bati

Tumango ito at ngumiti sa kanila. " Tata na lang ho, tunong matanda kasi yung ma'am" aniya sa kanila na ikinatawa ng mga ito

"Gnun ba ma'am." sambit nung isa.

"Tata Villacorta bagong secretary ni sir Armando" pagpapakilala niya

"Aalis na si Vita?" takang tanong nung isa

"Ah hindi ano kasi, magleleave siya kasi kabuwanan na niya kaya pansamantala ako muna ang papalit" paliwanag niya

"Akala ko aalis na siya, aaay" bumuga ito ng malalim na hininga.

Nagtaka si Tata pero hindi na niya inusisa pa.

"Papasok na ako sa loob baka andyan na sila sir....." pagpapaalam niya sa mga ito

Wala pa ang mga nasa reception area, nag biometric lang sya tyaka umakyat na sa taas.

Wala pang katao tao sa mga cubic table...tuloy tuloy lang siya.

Tumingin siya sa kanyang relo.

"6:30" anas niya.

"Oh Miss Tata"

Umangat ang tingin niya ng may marinig siyang boses.

"Magandang araw sir" bati niya kay Armando

"ang aga mo yata" ani Armando

"Opo, sabi kasi ni ms. Vita na maaga kayo pumapasok kaya heto ako. " ani Tata

"Hindi mo kailangan sabayan ang time ng pag pasok ko. You can go to office at 7am" ani Armando

"Opo pero malayo din po ang lugar namin dito kaya I need to do this para at least I am not late and also this is a part of secretary's job" ani Tata

Tumango si Armando. "pinapahanga mo ako." aniya

"Hi, dad" cold na bati ni Zeq

Lumingon si Tata

"Good morning sir" bati ni Tata at tumingin dito

"Seems Vita is late so you will take charge of this." ani Zeq na ibinigay ang mga folder na hawak nito "I'm going to my office now" aniya sabay tumalikod.

Sinundan lang niya ng tingin ito at sumingkit ang mata. "Yun na pala ngayon ang usong pagbati, tsk" ngumisi ito tyaka bumaling ang tingin kay Armando

"Don't mind him, l'll go inside.." pagpapaalam ni Armando

Siya naman ay naupo na sa kanyang designated table.

8:00am noong dumating si Vita. Nahihirapan na ito maglakad.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now