29

91 6 0
                                    

Nakarating na si Tata. Agad na hinanap ang venue ng meeting.

Nang makita niya ay halos takbuhin niya para makahabol.

"Good morning Gentlemen, have a seat"

Tila mag uumpisa pa lang ang meeting

"Good morning sir, Good morning everyone" bati niya.

Lumingon si Armando. Nagulat ito na makita si Tata roon. Hindi niya aakalain na tutulong ito.

Suminyas si Tata. Sa gesture niya ay naunawaan agad ni Armando.

Tumayo ito at lumayo ng kunti kasunod niya sa likuran si Tata.

Nahihiyang lumapit si Tata at dahan dahang inayos ang kuwelyo niya.

"ah naayos na po" nahihiya niyang sabi

Tumango si Armando at hinawakan ito sa balikat. "Salamat"

"Hindi ka pa nakuntinto sa paglalandi sa mga anak ko, pati asawa ko. Tignan natin. Ipapakita ko sa kanila ang tunay na kulay mo" sambit ni Rebecca habang pinagmamasdan sila.

Isa isa nilapag ni Tata ang mga hawak na folder.

Nang basahin nila ang nilalaman niyon ay mababatid ang tuwa sa mga mukha ng mga kliyente. Tila gusto nila ang proposal.

Habang nagpapaliwanag si Armando ay dumating ang inihanda ni Tata na meryenda nila.

"Good morning"

Napalingon sila sa nagsalita.

Hindi na hinintay ni Rebecca na alokin siya. Umupo siya sa tabi ni Armando

"Sorry I'm late"

Nagtataka ang mga ito na tumingin kay Armando

Napansin iyon ni Rebecca. Inilahad niya ang kanyang kamay. Siya na ang nagpakilala sa kanyang sarili. "I am Rebecca, Armando's wife" pagkasambit nya ay ngumiti ito ng malapad sa asawa at sinulyapan si Tata at tinaasan ito ng kilay.

Sinipat niya ang mga inihandang pagkain ni Tata.

(Well, she know how to prepare pero I wont make him fall for her) aniya sa isip

Suminyas ito. Sa paglapit ni Tata ay agad niyang itinuro ng palihim ang container ng biscuits.

"That isn't in  proper. Ayusin mo" may gigil sa tono nito

Sinamantala ni Rebecca habang abala si Tata sa pag aayos. Nagpa gala gala ito ng tingin bago gumawa ng kalokohan

Habang nag-uusap usap sila ay napagawi sa kanyang tenga si Rebecca.

"Oh my gosh, my earrings" sambit nya

Nahinto sila sa pag uusap at napunta sa kanya ang kanilang atensyon.

Tumulong sa paghahanap si Tata.

"Wait, kanina nakasuot pa sa akin yun bago ka  lumapit dito kanina." ani Rebecca

Tumawag siya ng staff ng restaurant.

"Rebecca, that's enough" pagsuway ni Armando

"No, I just want to see if she didn't took my earrings." pagpupumilit ni Rebecca "Do it" patuloy nito

Napakurap at humugot ng malalim na hininga si Tata. Kinapkapan siya ng babae.

May nakapa itong matigas na abgay s akanyang front pocket.

Pagkakuha ay agad na ipinakita.

"That's my earring!" pag kumpirma niya.

Napaawang ang mga labi ni Tata na hindi makapaniwala. Napailing ito at naluluha. "Hindi ko kinuha iyan" pagtanggi niya

The cold Mr. Ceoحيث تعيش القصص. اكتشف الآن