45

155 6 0
                                    

Nakarating na sila. Tahimik sa loob ng sasakyan

Hindi magawang magsalita ni Tata, Ngayon lang siya ganito na umurong ang dila at walang maibigkas na salita.

Tumikhim ito at pilit na ngumiti. "Salamat sa paghatid.....sir" halos pabulong ang huling salita nito

Walang kahit anong sinabi si Zeq, binuksan niya ang pinto at tyaka lumabas.

Sinundan lang siya ng tingin ni Tata

Ipinagbuksan sya ng pinto at inilahad ni Zeq ang kanyang kamay.

Nakatingin lang si Tata at nag aalangan na abutin ang  kamay nito

Palihim na humugot ito ng malalim na hininga.

Humawak ito sa  kanina pang nakalahad na kamay ni Zeq.

Inalalayan syang lumabas ng sasakyan.

Nag awtomatiko ang mga mata niya na tumingin sa paligid.

Nakahinga ng maluwag ng wala syang makitang Ben na naka tingin sa kanila.

"Salamat ulit sir. See you po tomorrow sa office" mabilis nyang wika at agad na humakbang papasok sa bahay.

Hindi na nya hinintay na sumagot pa ito.

Sinundan siya ng tingin ni Zeq habang naka arko paitaas ang mga labi.

"see you" pabulong na sambit ni Zeq. Pahabol nyang sagot ngunit sa lakas niyon ay siya lang ang tanging nakarinig

Pumanhik agad siya sa kwarto at nag hilamos.

Nang makapag palit na ng pantulog at tyaka dahan dahan niyang pinakatitigan ang kanyang rekpleksyon sa salamin.

Bigla itong napahawak sa kanyang labi at bumalik sa kanyang isipan ang mga nangyari sa basement.

Napangiti ito ng bahagya na tila kinikili ang kanyang pisngi. Saglit na nahinto ang kanyang kakaibang nararamdaman ng humangin ng malakas at nanuot sa kanyang mga perlas na balat.

Nanginig ito at nag iba ang kanyang pakiramdam. Naalala nya ang pusa kung paano ito namatay.

Naningkit ang mga mata at tila nag-iisip

"Sino kaya ang mga taong iyon?" bulalas nya

Dinampot niya ang kanyang selpon at handa nang tumipa ng maalala ang bilin ni Zeq na huwag itong sabihin sa iba.

Inilapag nya ito sa katapat na vanity mirror at humiga na.

"Good morning"

Lahat ng makasalubong ni Zeq ay binabati nya.

Nagtataka naman ang mga ito sa magandang mood at pagbati sa kanila na ngayon lang niya ginawa mula ng mag-umpisa ito magtrabaho sa kompanya. Kadalasan ay nakasimangot at puro sigaw ang lagi nilang nakikita ngunit ngayon araw ay kakaiba ang awra nito at hindi ito nakakatakot.

Nagkibit balikat ito at napa ngisi nang pumasok sa elevator.

"Ang weird, bakit ganun sila makatingin. Hindi naman ako galit pero para silang sinisilavan sa puwet noong makita ako. They're weird" aniya

Pagbukas ng elevator ay excited itong lumabas

Isang mahabang paseo muna ang lalakarin bago makapunta sa executive department.

Nakita niyang wala pang nakaupo sa mga secretary seats kaya medyo nadisappoint ang mukga nito.

Bigla niyang inaangat ang isang kamay at tinignan ang oras sa pala pulsuhan.

"6:30 na wala pa siya.... Kahit kailan ang bagal nyang kumilos" aniya sabay buntong hininga

Nag timpla ng kape si Tata pagkarating nya at tyaka dumiretso sa opisina ni Zeq.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now