27

93 4 0
                                    

"Aba, ang aga natin maligo tay ah"

"Syempre may trabaho eh"

"Talaga tay, so may pang advance na kayo sa akin.?"

"Anong advance?"

"Yung sa birthday na dadaluhan ko"

"Hanggang ngayon ba naman?"

"Tay, malapit na yun"

"May pera ka na diba?"

"Paano naman ako magkakapera kung hindi nyo pa ako binibigyan?"

"Sa liit ng bahay sa tingin mo hindi ko maririnig?"

"Tay naman eh, 5 thousand lang binigay niyang kabit mo. Kulang yun"

"Ano bang birthday party yan, mukhang kailangan mong gastusan ha"

"Tay, kapatid siya ng boyfriend ko. Dapat hindi ako mapahiya sa pamilya niya"

"Kung mahal ka noon dapat tanggap ka niya kahit dukha ka"

"Grabe ka naman tay sa dukha. Pwede naman mahirap kaysa dukha. Para naman akong mas mahirap pa sa daga niyan"

"Pareho na rin yun." dumukot ito sa kanyang bulsa.

Nanlaki ang mata ni Abbie sa nakikitang kulay asul sa kamay ng ama.

"Oh ayan, sapat na siguro yan at para tigilan mo ako. Nakakarindi na"

"salamat tay, iba ka talaga" aniya sabay yakap.

"tsk binola mo pa ako. Mukha ka talagang pera"

" nagmana lang naman sayo, tay" sabay takbo

"ano ka mo?" napailing na lang ito at ngumiti sa salamin. "Hindi ka na magpapaloko ulit Abel. Lahat ng nawala sayo, ibabalik nila. Humanda ka Rebecca" anas niya

Papasok na siya ng main door ng company ng makasabay ni Abel si Rebecca.

Ngumiti ito ng malapad at binati niya ang ginang.

Sinulyapan lang siya ni Rebecca at tyaka nilampasan ito.

"Hindi ka pa rin nagbabago madam." halos pabulong niyang sambit.

Narinig pa rin iyon ni Rebecca. Umatras ito at tumingin ng diretso kay Abel.

"Siguraduhin mong malinis ang buong kompanya dahil kapag may nakita akong dumi, sisante ka kaagad" pagpapaalala nito. Ngumisi ito at umirap bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ako na ang magbibigay nito kay sir Zeq"

"Salamat Tata ha. Buti na lang andyan ka. Takot kasi ako humarap kay sir. Ayoko masira ang araw ko"

Natawa ng bahagya si Tata sa sinabi nito. "Sige, akyat na ako ha"

Naglalakad ito sa may lobby papasok sa may elevator area ng bigla niyang masulyapan si Abel.

Ang kaninay naka ngiti ngayon ay tila nabuhusan siya ng malamig na yelo.

Imbes na pumasok sa loob ng elevator ay sinundan niya si Abel.

Sa may maintenance area ito nagtungo.

May ilang paalala ang head nito bago siya pinapunta sa kanyang assign area na lilinisan.

Hindi siya makapaniwala na magtatrabaho ito sa kompanya. Halos mangilid ang luha sa sa kanyang mata habang tinitignan ang lalaki.

Agad siyang nagtago ng palabas na ito.

(bakit dito pa sa dinami dami ng pwedeng pasukan) aniya.

"Tata!" kanina pa siya tinatawag ni Vita. Pumitik na ito sa harap niya

The cold Mr. CeoKde žijí příběhy. Začni objevovat