21

107 2 0
                                    

nakatingin sa mga bata si Tata.

"Hi" bati ni Giboy.

Hindi ito kumibo

"Alam kung galit ka sa akin, sa ginawa ko sa inyo" pag uumpisa ni Gibo

Wala pa rin itong kibo.

"May mga dahilan ako kung bakit ko iyon nagawa pero pinagsisisihan ko na yun ngayon" saad niya

Humarap si Tata at bumuga ng marahas. " Sino ang t@nga ang gagawa ng masama ng wala siyang dahilan, g@g0 lang, trip trip lang? Ginagawa mo naman tänga ang sarili mo sa harap ko. Tapos sasabihin mo pinagsisisihan mo na eh noong makita mo ako at kung hindi sa kasama ko ay tumakbo ka na. masyado mo naman ako pinapatawa" aniya sabay ngiti ng may galit sa mga mata.

"Kinailangan kong gawin yun dahil gipit ako, hindi ko na alam ang gagawin ko.

"Bakit hindi ka nagsabi para alam namin"

"Hindi nyo ako maiintindihan"

"Talagang hindi dahil wala ka ngang sinasabi eh tapos hinusgahan mo na kami agad...."

"Marami na kayong problema kaya hindi ko na sinabi, ayokong maging pabigat"

Natawa si Tata"Giboy magkakaibigan tayo. Kahit ano pa yan, nangako tayong apat na walang maglilihiman. Sa ginawa mo, hindi ka lang naglihim, tinraydor mo rin kami. Eh ano ngayon kung may mga problema kami. Ano pa at magkakaibigan tayo? Ayaw mong maging pabigat pero tinalikuran mo kami"

"Nagkamali ako oo pero masisisi nyo ba ako kung ang nais mo lang naman ay maligtas ang kapaitd mo sa kapahamakan?"

Naka kunot ang noo ni Tata ng marinig iyon.

"Dr*g add!ct si Erald at hinahunting siya ng mga pinagkakautangan niya. Yung pera ng negosyo natin ang tanging naisip kong paraan" pagkukwento niya

"Kailan pa?"

"Matagal na, itong taon ko lang nalaman"

"Kumusta siya ngayon?"

"Nasa rehab siya, gusto niya magbago kaya nag kusa siyang magpa rehab. "

Napabuntong hininga si Tata sapo sapo ang noo.

Hindi na niya alam ang mararamdaman.

" Wala sila maaasahan kung ako lang kaya no choice ako."

"Pero sana sinabi mo, maiintindihan ka namin. Pera lang yun kung tutuusin pero yung tinalikuran mo kami na mga kaibigan mo dahil dito. Ano pang silbi namin?"

"Wala na ako sa huwisyo para makapag isip pa ng tama. Nakita ko kung paano nila pinaputukan ng baril si Erald bilang babala. Sa pag-aalala at takot hindi ko na naisip yan"

Tumahimik bigla. Pinunasan ni Tata ang mata at tumingala. Pilit bumubuo ng mga salita sa isip.

Humugot ito ng malalim na hininga bago ito tumingin muli kay Giboy

"Ako na magsasabi sa kanila. Baka kapag nagpakita ka, hindi ka pa nagsasalita puro mura at bugbog na abot mo doon sa dalawa. Masama ang loob nila sayo abot hanggang langit, ako rin nanggigilaiti ako sa galit. Nadisappoint ako sayo. Naglaho ang pangarap nating apat ng isang iglap pero sa kabilang banda, may naisalbang buhay ka naman kaya lang sa maling paraan. Mali pa rin yun. Sana maging aral ito sayo. Sana maintindihan ng dalawa kung bakit mo iyon nagawa. Siguro naman kasi malambot ang puso nila di tulad ko marunong lang akong  umunawa. Nagtatampo pa rin ako sayo"
mahinang sinunt0k niya ito sa dibdib.

Nahihiyang ngumiti si Giboy.

"Aalis na kami" pagpapaalam ni Tata

"Boyfriend mo?" usisa ni Giboy

The cold Mr. CeoOnde histórias criam vida. Descubra agora