TATLO

183 5 0
                                    

Pagdating niya ay nakita niyang naghihintay na sa mesang inukupa ni Mr. Alegrio

Lumapit siya at binati ito.

"Hi mr. Alegrio" aniya

Tumaas ang tingin ng hindi pa katandaan na lalaki sa kanya.

"Have a seat Ms. Villacorta" alok niya dito

"Bakit niyo po ako gustong makausap" diretsyang tanong nito

"Nabalitaan ko ang nangyari sa negosyo niyo at naghahanap ka ng trabaho?" diretsyang tanong rin ni Armando

Tumango siya. "Paano niyo po nalaman? tanong ulit niya

"Nalaman ko iyon ng sabihin ng kakilala ko na nagsara na raw kayo, nirecommend ko kayo sa kanya" paliwanag niya

Tumango si Tata. "Opo, itinakbo ng isa naming kasamahan yung pera at baon kami sa utang." nahihiyang wika ni Tata.

"hindi na ako magpapaliguy ligoy pa, Manganganak ang sekretarya ko kaya magleleave siya at kailangan ko na ng bagong secretary before she leave." aniya

"Ano pong kinalaman ko po diyan?" takang tanong nito

"I saw how dedicated you are in your work and your passion of what are you're doing is enough for me to hire you" ani Armando

Hindi nakapagsalita si Tata.

"You need work and pay for your debt, grab this chance before it's to late." ani Armando

Unti unting ngumiti si Tata. Tumango ito "Grasya na ang lumapit, Tatanggi pa ba ako? I will accept it sir" aniya ng may malapad na nguti

"Then let's work together" ani Armando at nakipag kamay siya dito

Dahil doon ay nagpasya siyang bumili ng bagong damit na magiging uniform niya sa pag pasok. Namili siya ng mga gagamitin niya bilang secretary ng isang kilalang tao.

Habang namimili ay nakita itong lalaki na sumigaw.

"Ang sabi ko palitan mo dahil masikip. Ang ipinalit mo mas maliit. Are you deaf? Simpleng bagay hindi mo magawa ng tama!" bulyaw niya sa sales lady

Pinagtitinginan na sila ng ibang customer.

"Pasensya na kayo sir, bago pa lang po ang sales lady kaya nangangapa pa siya" paliwanag ng manager

"Kahit na, simpleng bagay hindi niya magawa. Baguhin niyo ang qualification nyo para hindi ulit mangyari ito. Yung graduate na may laman ang utak" aniya

Hindi makatiis sa narinig si Tata at lumapit siya sa mga ito

"Excuse me, Kung nagkamali ang sales lady hindi mo kailangan maliitin siya, oo nga edukado kang tao pero hindi mo natutunan ang magdang asal sa eskwelahan" sabat ni Tata

"At sino ka?" tanong ni Zeq

Bubuka pa lang ang bibig niya ng magsalita ulit si Zeq.

"Never mind, hindi ako interesado. Palitan nyo kung ayaw nyong malawan kayo ng loyal costumer" ani Zeq

"Sir, sorry po.... Kailangan ko ang trabahong ito, ako lang inaasahan sa pamilya namin" nagmamakaawa ang babae. Lumuhod ito na umiiyak

Napaawang ang bibig ni Tata na hindi makapaniwala.

Lumapit siya dito at itinayo niya. "Hindi mo kailangan magmakaawa, wala kang ginawang masama, huwag mo ibaba ang sarili mo" ani Tata

"Isa ka bang atorney o guardian angel o isang pakialamira marites? Aalisin nyo siya o magsasara ang shop niyo" may  pagbabanta sa toni ni Zeq

Nakakunot ang noo ng manager... Halatang labag sa loob niya pero kailangan niya mamili.

"You're fired. Hindi ka na pwedeng pumasok dito simula bukas" mahinang sambit ng manager

Ngumisi si Zeq kay Tata. "Loser!" aniya sabay naglakad.

Sinundan niya ito sa labas. "Hoy g*go, akala mo kung sino ka....!" sigaw niya dito. Lumingon siya sa paligid. Sakto may nagtitinda ng itlog. Kumuha siya ng lima. Lumapit ito kay Zeq at ibinato niya dito.

Nabasag ang itlog sa mukha niya. Tumulo iyon sa kanyang tuxedo. Makikita mo ang timping galit sa mukha ni Zeq.

Tumakbo ito ng mabilis pa sa alas kwatro.

Hingal na hingal ito nang huminto siya. "Buti nga sayo. Ngayon magtatanda ka na siguro.....!" sigaw niya

Namili siya ng tinapay bago ito umuwi.

Pakanta kanta itong pumasok sa loob ng bahay.

"Aba, kanina lang parang namatayan ang itshura, ngayon parang nanalo sa lotto. Baliw" ani Abbie

"Hindi lang nanalo sa lotto" sinagot ni Tata iyon ng may malapad na ngiti

Ngumisi si Abbie, ngunit gumanti ng  ngiti  si Tata.

Sutil ito na siyang ikinapipikon ni Abbie kaya madalas silang mag away.

"d*mn this girl! Sakit sa tenga ang boses pati ugali ang gaspang!" inis niyang sambit

"What happened to you?" paninita ni Armando

"It's annoying girl in the street who bullied me"

"oh bullied you?" hindi makapaniwala si Armando

"I knew it. Dapat hindi kayo nagtatanong kung hindi kayo maniniwala" pag irap niya.

Natawa at napailing si Armando.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now