47

188 6 5
                                    

I had no idea our strategy would be so easy. Hinayaan nila tayong pumasok sa kanilang kompanya ng hindi man lang nababahala kung sino ang ka transaksyon nila. They were after the money.

She sips the wine, an evil grin on her face.

I cannot wait to see them struggling in tears. Ipaparanas ko sa kanila ang sakit na naramdaman ko ng ilang taon. Nawalaan ako ng pagkakataong maging ina sa anak ko. Mga ninakaw nilang taon na dapat sana ay tumatamasa ang anak ko ng saya.

Babawiin ko lahat lahat sa kanila.

Nang gigilaiti sa galit na sambit nya habang binibigkas ang mga salitang yun.

"Ang tagal nating hindi nagkita at nagkausap,nay" ani Tata na naluluhang tumitig sa ina

"Walang ina ang hindi matitiis ang anak." niyakap niya si Tata

Sumingot ito at nagpunas ng luha. Siya na mismo ang kumalas sa pagkakayakap

"Ah, eh may dala akong pagkain. Ipinagluto kita ng mga paborito mo." sinipat ni Dolor ang mga balikat ni Tata "Ang laki ng ipinayat mo anak, hindi ka ba pinapakain dito ni Ben?" tanong nya na tumingin kay Ben at ngumiti ng may pagbibiro sa ekpresyon nito

"Nay naman, Hindi po ako kagaling sa pagluluto tulad nyo pero hindi ko pinapabayaan yang anak nyo. Kung tutuusin nga, umaalis po yan ng hindi nag aalmusal tapos nitong mga linggo late na umuuwi tapos hinahatid sya ng boss nya" parang batang nagsumbong si Ben na nagbigay ng mapagbirong ngiti kay Tata

"Totoo ba yun anak?" mataman na tumingin si Dolor sa mata ni Tata

Nahihiyang tumingin si Tata sa ina at ngumiti ng bahagya.

"Tapatin mo nga ako anak, may namamagitan ba sa inyo ng boss mo?" diretsiyahang tanong nya

"Nay, naman!" biglang tumayo si Tata at naglakad sa may pintuan.

Sinundan sya ni Dolor

"Anak, hindi masama ang magkaroon ng relasyon, natutuwa nga akong malaman iyon dahil alam ko na lalaki ang gusto mo__"

"Nay!" sabat bigla ni Tata na pinamulagatan ang sinabi ng ina.

"Hindi nga ba?" pabirong sambit ni Dolor

"Kaya pala nay hindi naaakit sa mga maskel ng mga nakakalaro naming team, babae ang gusto hahahaha" pagsabat ni Ben na malapad ang ngiti

Biglang lumapit si Tata sa isang upuan at dinampot ang unan, ibinato niya kay Ben.

"Nay oh sadista anak nyo" ani Ben

"Tama na nga yan, naku kayo talaga. Ang tatanda nyo na hindi pa rin kayo nagbabago. Ewan ko na lang kung andito ang buong team. Siguro ay maingay at ang gugulo nyo." ani Dolor na napa iling na lang.

Pinagsalihan nila ang dala nyang pagkain ng tanghaling iyon.

Doon lamang siya kumain at nabusog ulit.

Isang malakas na pag dighay ang pinakawalan ni Tata.

"Ang sarap ng niluto mo, nay" aniya

Habang nagliligpit ng pinagkainan si Tata ay nilapitan siya ni Dolor.

"Anak, hindi mo pa ako sinasagot sa tanong ko"

Nagkatinginan ang dalawa.

Huminga ng malalim si Tata.

"Yang pag buntong hininga mo ay alam ko na ang sagot. Kailan pa?"

Umiling si Tata

"Hindi ko po alam"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 20, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now