8

134 5 0
                                    

Napakamot ito ng ulo ng marinig ang selpon. Kanina pa uto tumutunog.

"Sagutin mo nga yan, istorbo sa tulog yang selpon mo!" bulyaw ni Abbie

"Ano na bang oras?" aniya. Nakapikit pa ito. Inabot niya ang selpon sa kanyang lamesita.

"4:15 am pa lang. Sino ba tong tumatawag"

Numero lang ang naka lagay sa screen. Sinagot niya iyon habang nakapikit pa

"Hello"

"Kapatid ito ni Vita... Nasa ospital kami. Manganganak na si ate, sabi nya ipaalam ko daw sayo"

Dahilsa balita ay napa alpas ng bangon si Tata.

Nagmadali itong magpalit ng damit.

Nang dumating siya ay nanganak na si Vita.

Parehong natutulog ang mag-ina.

Naroon siya hanggang magising si Vita.

"Salamat sa pag dalaw mo"

"Wala yun tyaka hindi ka na iba sa akin."

"Sorry ha"

"Saan?"

"Dahil iiwan kita ng isang buwan"

"Ha, ano ka ba. Ang intindihin mo ay si baby Jude. Huwag mo akong alalahanin"

"Alam mo naman si sir Zeq" pagpapaalala niya

"Ah yun ba, kung magkukulam siya baka matakot pa ako"

Napa tawa sila pareho sa pagbibiro niya

Dumiretso na siya sa office. Doon na siya nagpalit ng damit.

Sa sobrang antok ay nakatulog ito.

"Ay kabayo ka!" bulalas niya ng biglang magising sa lakas ng tunog

Agad niyang nakita si Zeq na malapad ang ngiti. Nakatungkod ang mga palad sa mesa at mataman na tumingin ito kay Tata

"This is not hotel for you to sleep in working hours!" bulyaw niya dito

Napaidtad si Tata at umayos ng upo.

"Sorry po" mahinang sambit niya

"Vita is not around for months kaya huwag kang pabaya sa trabaho mo. Ang dali dali ng trabaho mo, magtimpla na nga lang ng kape palpak ka pa. Make yourself productive even more!"

"Yes sir" tumango siya bulang pagsang ayon

"Good. Make me  coffee, now!" sigaw niya ulit

Napa tayo siya agad at nagmadaling umalis

"Pagtimpla lang ng kape? Huh, ang galing.... Samantalang lahat inuutos mo. Kulang  na lang pati paghinga mo ako na gagawa. Tsk!" himutok niya

Nang lumingin siya ay muntik na niyang mahulog ang tasa na may kape sa gulat.

Nasa likuran lang niya si Zeq

"Na......na_rian po...-o pala kayo sir" nauutal niyang sabi

"Yes, baka kasi kung anong ilagay mo sa kape ko"

"po? Naku wa_la sa iisip ko yan!" mabilis niyang pagtanggi

"kahit halos isumpa mo ako sa galit?"

"Naku sir hindi po ako ganoon" aniya

Lumalit si Zeq dito. Siya naman ang napaatras.

"Sure?" nag angat ng isang kilay si Zeq

"Opo" tumango si Tata "Kahit tikman ko pa po itong kape nyo" aniya sabay higop sa kape.

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now