30

109 6 0
                                    

Half day lang si Vita dahil nasa ospital si Drieson, ang anak nya.

Kung noong una mahirap para kay Tata na dalawa ang kanyang sinilbihan ngayon medyo madali na lang dahil nasanay na siya at gamay na niya ang trabaho.

Sinabihan siya ni Zeq na umalalay muna siya kay sir Armando dahil wala naman siyang iuutos ngayong araw.

"nakakapagtaka, walang araw na walang iuutos itong taong to, bakit ngayon parang naninibago ako. Napagod na yata siya kakautos" aniya habang nakatingin siya sa may pintuan ng opisina ni Zeq

Nagkibit balikan na lamang siya at nagpatuloy sa kanhang ginagawa.

Agad siyang pumasok sa opisina ni Armando ng marinig ang tawag sa kanya.

May mga pinaayos siyang papeles.

Natuwa si Armando ng sabihin ni Tata na tapos na niyang naayos ang mga iyon at handa para sa late dinner.

Oras na para umalis si Armando.

"ah sir saglit lang" hirit ni Tata. Lumapit ito at inayos ang kurbata nito.  Tumingjayad ito dahil mas matangkad ang ginoo kaysa sa kanya.

(bumukas ang pinto ng hindi nila napapansin)

"I think it would be better if you come with me" ani Armando.

Napatingin ito sa bigla sa mga mata ni Armando. Agad siyang dumistansya sa pagiging malapit ng mga mukha nila.

"Baka po may magalit ulit kapag isinama nyo ako" nahihiyang sambit nito

"Bakit, mayroon ba akong dapat ikagalit?"Sabat ni Rebecca. As usual tinignan niya uto mula ulo hanggang paa.

Mas matangkad si Tata ng ilang inches at kahit tumingkayad pa ang senyora ay hindi niya ito mapapantayan o magsuot ng heels.

Nag iwas ng tingin si Tata.

"Let's go" anyaya ni Armando.

Nang humakbang si Tata ay humarang si Rebecca.

"You should know where to stand. Hintayin mong maunang lumabas ang mga amo mo bago ka lumabas. Hundi ka pwedeng makipagsabayan sa amin. Lumugar ka" ani Rebecca

Kumuha ng malalim na hininga si Tata bago ito labas.

Nasa harap ng opisina ang kambal ng lumabas ito.

"Ah, bago tayo umalis. Bakit hindi tayo mag late dinner together as family?" hirit ni Rebecca. Nakangiti ito sa mga anak nya at kay Armando.

"May meeting ako over dinner." wika ni Armando.

"Really, uunahin mo yan kaysa ang Pamilya mo?" angil ni Rebecca

"Kung hindi ko inuuna ang Pamilya na sinasabi mo, hindi ka nabubuhay donya."

Umirap si Rebecca. "nakarinig nanaman siya kay Armando

"Magandang ideya nga yun kaso mukhang mahalaga ang meeting na ito. Tama ba dad?" sumabat si Isiah na ngumiti ng walang kahit anong pag aalinlangan.

Tumaas ang kilay ni Zeq at lumunok.

"Tama, may isa kasi diyan na sinira ang business meeting ko kahapon. Gusto pa ata niyang sirain ulit ngayon ang meeting ko." ani Armando.

Sumimangot si Rebecca dahil alam nyang siya ang pinaparinggan nito

"Tara na" anyaya ni Armando.

Tumango si Tata na nasa likuran.

"Ingat kayo" malambing na sambit ni Zeq at ngumiti.

Nagtatakang tumingin si Tata sa kanya.

Biglang tumingin si Zeq s aina at ngumiti ng malapad. "Enjoy the evening" dagdag pa niya

The cold Mr. CeoWhere stories live. Discover now