CHAPTER 22

36.6K 1.4K 346
                                    

Chapter 22

Clayton’s Pov

SA araw na sinabi ni Lorcan na mag-impake ako dahil pupunta kaming La Union ay sinunod ko ng tahimik ang utos nito. Nag-impake ako ng iilang damit ko na dadalhin. Iilan pero dalawang pares lang naman ng damit ang dala ko. Saka wala namang sinabi si Lorcan kung saan talaga kami sa La Union pupunta. Basta La Union 'yon. Tulala akong pinagmamasdan ang bag ko na nasa ibabaw ng kama. Hindi kasi mawala sa isip ko iyong mga nakita ng mata ko kaninang madaling araw.

Gusto kong magtanong dahil parang nababaliw na ako kung sasarilihin ko ito pero hindi ko naman kayang tanungin si Lorcan. Baka sabihin pa no'n ay nanghihimasok na ako sa sarili niyang buhay. Napaisip tuloy ako. No'ng sinabi kaya ni Lorcan na papatayin niya ako kapag hindi ko makita si Daniel . . . siguro ay mapapatay niya talaga ako? Alam ko na na mukhang walang awa at malupit si Lorcan pero, ang pumatay? Diba, mukhang sobra naman ata iyon. Kaya siguro habang nandirito ako dapat siguro sundin ko na lang lahat ng gusto ni Lorcan at dapat hindi ko na siya sasagutin dahil baka isang putok lang ng baril niya lumumpasay na ako. Bumuntonghininga ako saka nagdesisyong lumabas sa silid at bumaba dahil baka hinihintay na nila ako. Sasama rin kasi ang mga kaibigan ni Lorcan.

Nagulat na lang ako ng pagdating ko sa sala ay nakahilera na ang tatlong maleta roon. Kunot ang noo kong pinagmamasdan iyon. Kung maka-impake naman parang aalis lang ng bansa! Ano naman kaya ang laman ng mga ito?

"You're here. Are you ready?" ani Lorcan sa likod ko na mukhang kakababa lang, sunod sa akin. Tumango ako sa kanya. Kinunutan niya ako ng noo kaya iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Kahit na saang anggulo ko talaga tingnan sinasabi ng utak ko na maaaring pumapatay talaga ng tao si Lorcan kaso iba ang sinisigaw ng kabilang utak ko, na hindi iyon magagawa ni Lorcan. Pero, ano iyong mga nakita ko? Wala naman talaga akong matibay na ibedensiya na magpapatunay na mamamatay tao si Lorcan.  Pero iyon lagi ang laman ng utak ko. Natatakot ako para sa sarili ko dahil pumasok ako sa ganito na hindi ko man lang talaga alam kung hanggang saan ito. Hindi ko kilala ang isang Lorcan Lavoisier.

"'Yan lang ang dadalhin mo?" Taas kilay niyang tanong. Naibalik ko ang mata ko sa kanya.

Tumango ulit ako. Nakita ko kung paano niya kinuyom ang kanyang kamao. I saw how the viens pf his arms protruded. Nagtatagis ang bagang niya na para bang pinipigilan niya ang sarili niya. Tumalikod ako sa kanya at pumunta sa kitchen. Naghanda ako ng mga finger foods para sa amin ni Daniel. Nilapag ko ang bag ko saka nagsimula ng magprepare ng maaaring finger foods na magagawa at madadala ko. Siguro may mga fastfood naman siguro kaming madadaan kaya kaunti lang ang hinanda ko. Nagdala rin ako ng water jug na puno ng tubig. Nilapag ko ang pitcher ng tubig.

"Hey, Clayton!" Napalundag ako nang may nagsalita. Nakita kong pumasok sa si Desmond sa kitchen dala ang saeiling water jug.

"Oh, Desmond kukuha ka ng tubig?" tanong ko sa kanya saka tinulak ang pitcher na may malamig na tubig.

"Ah, yeah," aniya at kinuha ang pitcher. Pagkapuno ng water jug niya ay napako ang tingin niya sa lunch box na nasa harapan ko. "Foods, dadalhin mo?"

"Oo," maikling sagot ko.

"You know you don't have to do that we can stop when we're hungry or drive thrus you know," aniya.

Ngumiti ako sa kanya. "Para kay Daniel yan baka lang naman magutom siya sa daan tapos walang restaurant."

"You're really so fond of Daniel Earl, huh."

Owned By A Mafia Boss (PUBLISHED UNDER PSICOM)Where stories live. Discover now