PROLOGUE

155 8 0
                                    

TTPOV

"Micha!" napalingon ang pitong taon na bulto ni Micha nang marinig ang baritonong boses ng ama.

"Kunin kita ha..." paalam nito sa bulaklak.

Nakangiti naman nitong binunot ang bulaklak na nakita bago nakangiting tumakbo papalapit sa ama na agad siyang binuhat bago niyakap tsaka hinalikan ang pisngi.

"Look what I saw daddy..." nakangiting sabi ni Micha bago ipakita ang bulaklak na kinuha. "Nagpaalam ako sa bulaklak bago siya kinuha" dagdag nito na bahagyang ikinatawa ng ama at ikinangiti naman nito.

"Momma would love this..." sabi nito at agad naman siyang binaba sa upuan.

"Mommy, look what I found" nakangiti namang hinarap ni Merideth ang anak at tiningnan ang isang bulaklak na hawak nito.

"Pretty..." pagkomplimenta nito sa ina matapos mailagay ang bulaklak sa may tenga ni Merideth.

"Thank you" sabi nito bago halikan ang pisngi ng anak at alalayan itong umupo.

"Kararating palang natin madungis ka na" sabi ni Merideth kay Micha habang pinupunasan ang kamay nito gamit ang wet wipes tsaka ayusin ang pagkakatali ng buhok nito.

"Danaya..." suway nito sa anak nang hablutin ni Micha ang buhok ng kapatid.

"Hinawakan niya mukha ko eh" sagot nito at masama naman siyang tinignan ng ina kaya bumitaw na ito.

"I would never win with that kind of method" sabi nito na ikinatawa ng mga kuya niya.

"Pagkatapos nating kumain, laro tayo?" tanong ni Myles sa nakababatang kapatid at nakangiti namang tumango si Micha bago nagpatuloy sa pagkain.

Matapos ay nagpahinga na muna sila bago nagsimulang maghabulan sa maluwang na parke;

"Taya!" sigaw ni Myles nang mataya si Mason dahilan naman para mapatili si Micha na malapit lang sa katataya na kapatid.

"Daddy, save me!" sigaw nito at agad namang pumasok si Arthur sa laro at agad na binuhat ang anak para mailayo sa taya.

"Madaya!" sigaw ni Mason at mas binilisan pa ang takbo para mahabol ang ama at kapatid nito.

"Ayaw ko na!" sigaw nito bago nag-iba ng direksyon para mahabol si Myles.

"Uy!" sigaw nito nang mataya siya ng kapatid.

"Daddy!" pagtili ni Micha at nasundan naman ito ng tawa habang pinapanood ang nakakatandang kapatid na habulin ang bulto nilang mag-ama.

"Oh!" ani Arthur nang magawang mahawakan ng anak ang likuran nito. "Taya!" sabi nito sa buhat-buhat na bata bago ito ibaba at nagsimula nang tumakbo.

Agad namang tumakbo si Micha at sinubukang habulin ang ama at mga kapatid na sinasadyang bagalan ang mga takbo para mahabol sila ni Micha

"Ah!" kunwaring daing ni Arthur na sinadyang madapa dahilan para matawa si Micha at agad itong tayain.

"Kuya!" sigaw nito bago nagpakarga kay Myles at nagsimula na ulit silang tumakbo.

Nang lumubog na ang araw ay agad ng nagmaneho si Arthur pauwi sa bahay nila at habang nasa biyahe ay hindi naman natigil ang kuwentuhan ng mag-aama habang si Merideth ay nakangiti lang habang pinagmamasdan ang mga anak at asawa nito.

Makalipas ang ilang oras ay nakarating na din sila sa bahay at agad na hinatid ni Arthur ang anak na babae sa kuwarto nito para mabihisan at nang makatulog na din ito.

"But it's still early..." pagkontra ni Micha sa ama na gusto na siyang matulog. "I'm not sleepy yet"

"Coming from the person na kanina pa papikit-pikit sa loob ng sasakyan" pangangasar ng ama nito dahilan para mapanguso ang si Micha.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon