CHAPTER 7: SLEEPOVER

32 2 0
                                    

MICHA'S POV

Nakalipas na ang isang buwan sa school life namin ni Abi at masasabi ko na mas naging close kami dahilan para hindi na lang lagi si Kuya Gian ang tinatawagan ko pag nasa bahay ako nina Arthur.

"Lucas, nasaan si Abi?" tanong ko kay Luke nang mapansin na wala si Abi sa loob ng classroom.

Free time namin ngayon dahil may meeting ang mga teacher kaya nasa gilid ang mga upuan at malaya kaming gawin kung ano man ang gusto naming gawin.

"Ay!" aniya at napalinga-linga na din sa paligid nang mapansin nga iyon. "Nasaan nga yun?" tanong nito bago iwan ang ginagawa at lumabas ng classroom.

Nakasunod naman ako dito habang naglalakad kami papunta sa banyo. "Amihan..." pagtawag ko nang makapasok ako sa loob bago dahan-dahang tinulak ang mga pinto pero lahat naman iyon ay bakante.

Agad naman akong lumabas para puntahan si Luke. "Wala" sagot ko kaya bumaba na kami para pumunta sa canteen.

Pagpasok namin duon ay puro college student ang nakita namin at wala ni isang tao ang kapareha namin ang uniform. "Alam ko na!" sabi ni Luke at agad naman akong sumunod sa tumatakbo niyang bulto.

Maya-maya pa ay narating na namin ang clinic at agad naman kaming binate ni Tita Nurse. "Nanduon si Abi" sabi nito bago itabi ang kurtina na tinatakpan ang kama at duon namin nakita si Abi na nakahiga at nagbabasa ng wattpad sa libro.

Nagkatinginan kami ni Luke bago napailing, nilapitan namin siya at napaigtad ito sa gulat nang humiga ako sa tabi niya at si Luke naman ay naupo sa upuan sa side ni Abi.

"Ba't ka nandito?" tanong ni Luke habang hinahaplos ang buhok ni Abi.

Lumapit naman ako kay Abi hanggang sa medyo nakahiga na ako sa balikat niya. "Init sa classroom eh, tsaka ang ingay pa" sagot nito at bahagya naman akong natawa bago subukang basahin ang libro na binabasa ni Abi.

"Di ko talaga trip ang magbasa ng wattpad sa libro" sabi ko bago tanggalin ang salamin ko at kusutin ang mata ko. "Nakakaantok" dagdag ko bago muling isuot ang salamin at tumagilid para yakapin si Abi

"Tita Nurse, penge ako ice packed" sabi ni Luke kaya napatingin kami sa kaniya ni Abi.

"Sige lang, Lucas. Kuha ka lang diyan" pagpayag ni Tita Nurse.

Siya na mismo ang kumuha ng Ice packed sa may ref duon bago iyon idampi sa binti ni Abi. "bakit anong meron?" tanong ko habang nakatingin sa kaniya, si Abi naman ay deadma lang at patuloy lang sa pagbabasa ng libro nito.

"Nahulog ako sa swing kahapon" sagot nito at natawa naman ako dahilan para panandalian niyang bitawan ang libro para paluin ang hita ko.

"Tanga-tanga" komento ko at napailing naman si Luke habang nakangiti.

Nilagay naman na ni Abi ang bookmark sa libro bago ito isara tsaka ilapag sa may tiyan niya at tingnan ako. "Gusto mo kiss?" biglang tanong nito bago ngumuso at natawa naman ako bago tumango at ilapit sa kaniya ang pisngi ko.

"Suwerte..." rinig kong bulong ni Luke nang dumampi na ang labi ni Abi sa pisngi ko.

Nakangisi naman akong tumingin sa kaniya bago ilabas ang dila ko bilang pangangasar, nilabas din nito ang dila sa'kin habang hinihilot ang kaliwang paa ni Abi. "Hoy!" gulat na ani Abi nang marinig ang pagtunog ng buto nito dahil sa ginagawang paghilot ni Luke.

"Ang sarap, gagi. Isa pa" sabi nito at natawa naman kami ni Luke bago sabay na napatingin sa labas nang marinig ang malakas na pagbuhos ng ulan.

"Walang pasok—de joke lang, malapit na din pala mag-uwian" sabi ko at natawa naman si Abi at Luke. "Wala ding kuwenta yung pag-ulan ng malakas"

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon