CHAPTER 13: TOURNAMENT

17 2 0
                                    

MICHA'S POV

"Go Abi!" sabay na sigaw namin ni Sam nang makaupo na kami sa bleachers.

Ngayong araw ang laban ni Abi sa cluster round kaya panay ang sigaw namin ni Sam para i-cheer siya. At about din sa relasyon namin ni Sam, mas naging maayos ito, nakakapag-communicate na din kami nang ayos at wala na ding selosan na nangyayari.

"Go Abi!" sigaw namin.

At nang mapatingin ito sa gawi namin ay agad naming itinaas ang mga banner na ginawa namin ni Sam kagabi bago ito iwinagayway, nakita ko naman ang pagngiti nito bago kami kawayan na dalawa.

"Sina Sam..." paglabi niya kay Tita Azi nang lapitan siya nito para ayusin ang tali niya.

"Nasaan si Tito Addie?" tanong ko bago hinanap ang Ama ni Abi.

"Nasa trabaho" sagot ni Sam at napatingin ako sa kaniya dahil dun at napatingin na din ito sa'kin. "Bakit? Nasa trabaho naman talaga si Tito Addie-"

"You mean to tell me na wala siya nung unang laban ni Abi hanggang ngayong Cluster round, pero nandun siya sa tournament ni Kuya Pharell simula nung elimination hanggang final four?" tanong ko.

"Ouch" aniya dahil sa pinount out ko.

"I hate that man" sabi ko bago muling ibalik ang tingin sa harap. "He treats Abi as if she's not his"

"Parang di anak ah" iritado kong sabi dahil sa inaakto ni Tito Addie kay Abi.

Napatingin naman ako kay Sam nang hagurin nito ang likod ko. "Relax ka lang, wag mong ipakita kay Abi na naiirita ka. Baka iba ang isipin niya"

Huminga ako nang malalim bago siya tingnan at tumango. "Go, Abi!" muli kong sigaw at sumunod naman si Sam.

"Ba't ngayon lang kayo?" tanong ko nang maupo na din si Forrest, Eli at Luke sa tabi namin.

"Traffic eh" sagot ni Luke bago naupo sa kaliwa ko.

"Buti di pa nagsisimula" sabi ko bago tanggapin ang pagkain na binigay niya sa'min ni Sam.

"Izobella!" sigaw ni Luke at muli namang napatingin si Abi sa gawi namin bago kami nakangiting kawayan.

"Go, Beatriz!" sigaw ni Eli at ngumiti naman si Abi bago siya kawayan dahilan para masama kong tingnan si Eli.

"Ayan na!" sabi ko nang makita ang host ng laban.

"For Ravenwood University Singles, Amihan Beatriz Izobella Villafuente!" agad kaming nagsigawan ng tawagin na si Abi.

"And For Seshat Golden Pyramid University Singles, Khaya Maureen Garcia!" nagpalakpakan at sigawan ang side ng school na iyon at naging abala naman ako sa paglagay ng ketchup at mustard sa hotdog sandwich ko.

"Okay..." sagot ko sa mga sigawan nila na ikinatawa nina Luke at Sam.

"Teka..." pagkuha ni Forrest sa atensyon namin kaya napatingin kami sa kaniya. "Di ba na-injure si Abi during training?" pagpapaalala niya kaya agad kaming napatingin kay Abi na medyo paika-ika pa nga ang lakad.

"Ano bang gagawin natin sa paa ng batang to?" tanong ko dahil sa buwan na'to ay dalawang beses na siyang na-sprain.

"Hindi na nga pantay yung bukong-bukong niya sa magkabilang paa eh" sabi ni Eli at tinanguan ko lang siya bago pagmasdan si Abi na makipagkamayan dun sa Khaya.

"Go, Abi!" sigaw namin nang pumwesto na sila at si Khaya ang magsisimula ng laro.

Nang maka-serve ito ay agad nang nagsimula ang laban nila na talagang tinutukan naming lima. "Yes!" sigaw namin nang lumamang na si Abi ng limang puntos.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon