CHAPTER 22: STAY-IN

29 2 0
                                    

MICHA'S POV

"Teka!" sigaw ko bago hawiin ang kurtina sa bathtub at tingnan sina Abi, Sam at Summer na nandito din sa loob ng banyo. "May girlfriend na yun diba?" tanong ko dahil may kinukuwento sa'min si Abi tungkol dun sa senior high school na kaklase ni Samuel.

"Ewan ko ba dun, masyado kasing friendly eh" sagot ni Abi bago tumayo sa inidoro at i-flush ito.

"Yung girlfriend niya is yung college diba?" tanong ni Sam na nilalagay yung extra serum nung face mask sa leeg niya.

"Hindi yung grade 10 ata" sabad ni Summer na bino-blow dry ang buhok.

"Yung girlfriend niya hindi nag-aaral sa Raven" sagot ni Abi at napasinghap kaming tatlo.

"Eh teka, yung college na babae na tinutukoy ko" panimula ni Sam bago ako abutan ng towel ng makapagbanlaw na ko. "Ano niya yun? Eh nakita ko pa ngang naglalaplapan yun eh"

"Weh?" tanong namin habang nakangiti.

"Oo nga! Sa may parking lot, di naman kasi tinted yung kotse nung lalaki" sagot nito na ikinatawa namin.

"Side chick niya ata yun" sagot ni Abi bago tulungan si Summer na patuyuin ang buhok nito matapos maglagay ng face mask.

"Eh yung Grade 10 na sinusundo pa niya sa classroom?" tanong ni Summer habang naglalagay ng face mask.

"Kapatid niya yun" sagot ni Abi at nakahinga naman kami nang maluwag dahil akala namin ay side chick niya ito.

"Saan nag-aaral yung girlfriend niya?" tanong ko habang sinusuot na ang pantulog ko.

"Athens" sagot nito.

"Uy! Matalino" agad kong sabad matapos mabutones ang pantulog ko. "Hirap makapasok sa Athens ha"

"Sila yung may pinakamahirap na entrance for high school and college, diba?" ani Summer at tumango naman si Samantha at Abi na dati duon nag-aaral.

"Mataas kasi Standards nila, kaya usually mga estudyante na nag-aaral dun mga pagod na" sagot ni Abi. "Kaya hindi ako tumuloy dun eh" dagdag nito na ikinatawa namin.

"Triny ko siya, nung grade seven ako. Hindi ko rin kinaya" sagot ni Sam at bahagyang natawa.

"Ang cute ng buhok mo!" pag-compliment ni Abi matapos i-blow dry ang buhok ni Summer. "Parang buhok ni Merida" napatango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Abi at napahawak na din sa buhok ni Summer.

"Magkamukhang-magkamukha kayo ng Mommy mo" sabi ni Samantha lalo na't parehas pa silang may pagka-blonde ni Tita Nyssa.

"Thank you..." nahihiya nitong ani habang nakangiti.

Nagpatuloy pa ang usapan namin hanggang sa makahiga. "You did well though" pag-komplimenta ko kay Summer na na-disappoint sa performance nito sa tournament niya sa track and field.

"Really?" tumango ako bago ayusin ang pagkakalagay ng kumot sa katawan ni Abi at Samantha na nakatulog na pala.

"Yeah, Running is hard for me. Hindi nga ako makatakbo nang ayos eh" mahina kong sabi para hindi magising yung dalawa.

Tumagilid na din ako paharap kay Summer. "Bakit?" tanong nito.

"Malaki dede ko" simple kong sagot at parehas kaming napatakip sa bibig nang matawa. "Masakit sa dibdib dahil umaalog sila pag natakbo ako"

"Malaki din ang dibdib ko" sabi ni Summer bago tingnan ang dibdib at hawakan pa ito.

"Mas malaki ang akin" sabi ko nang hawakan ang akin bago isunod ang kaniya.

"Weh?" aniya bago hawakan ang dibdib ko bago muling hawakan ang kaniya.

"Tangina, bakit tayo naghahawakan ng dede?" natatawa kong ani at muli kaming napatakip sa bibig nang matawa kami.

"Malaki din dibdib ni Abi eh" sabi ko bago lingunin ang natutulog nitong bulto na nakayakap kay Sam. "Malaki din yung kaniya"

Makalipas ang ilang oras ay nakatulog na din kami ni Summer, Kinabukasan nang magising ako ay sina Summer at Samantha na lang ang nasa tabi ko. Maingat akong bumangon at inayos ang pagkakalagay ng kumot sa mga katawan nila bago lumabas ng kuwarto at bumaba.

"Good Morning..." napangiti naman ako nang batiin ako ni Papa na nakaupo sa sofa, tumayo at sinalubong ako nito nang tuluyang makababa sa hagdan.

"Good Morning, gusto mo ng mag breakfast?" tanong nito matapos halikan ang tuktok ng ulo ko. "Nasa Farm si Abi kasama si Lucas tsaka si Tito Addie mo"

"Hintayin ko na lang siya..." sagot ko bago halikan ang pisngi nito at lumabas na muna ng bahay para magpahangin.

I don't usually go out every morning, pero iba kasi ang ambiance sa probinsya. Malamig at sariwa ang simoy ng hangin at dahil na din sa madaming puno ang nakapalibot dito sa bahay nina Abi ay hindi masyadong ramdam ang init.

"Good Morning, Micha!" napangiti naman ako nang makita si Abi na nakasakay sa kabayo at nakasunod sa kaniya sina Tito Addie at Lucas.

Huminto ito sa harap ko at binigay sa'kin ang basket na may lamang mga prutas. "Ang dami ng bunga dun" sabi nito nang makababa sa kabayo at ibigay na sa trabahador nila at ganun din sina Tito Addie at Lucas sa kabayo na ginamit.

"Nag-breakfast ka na?" tanong nito habang naglalakad kami papasok sa loob. "Hinihintay kita" sagot ko at napangiti nang marinig ang bahagya nitong pagtawa.

Nang makapasok kami ay agad naming binigay sa mga katulong nila ang basket na naglalaman ng gulay at prutas, ginising na din ni Lucas ang iba pa naming kaibigan bago kami nagtungo sa likod bahay at naupo sa kahoy na lamesa't upuan.

"Akin na" ani Forrest nang tanggalin ni Summer ang kamatis na nakahalo sa itlog.

"Hindi ka mahilig sa kamatis?" tanong ko bago tanggapin ang shades na inabot sa'kin ni Kuya Mason bago ito suotin.

Umiling ito habang pinagmamasdan si Forrest na tanggalin ang kamatis. "Hindi ko gusto yung lasa niya, pero kumakain ako kung may kasamang itlog na maalat" sabi nito na bahagya naming ikinatawa.

"Anong gagawin natin ngayon?" tanong ni Samantha bago tanggapin ang baso na sinalinan ni Autumn ng juice.

"Abi...any plans?" tanong ko dito at nakitang suot-suot na nito ang shades ni Lucas.

"Mag stay lang ako sa bahay" sagot nito bago inuman ang gatas na sinalin ni Lucas sa baso niya. "Mag-relax lang ako"

"Mag relax na lang din tayo" pag-decide ni Forrest na sinang-ayunan naming lahat.

Matapos kumain ay niligpit na namin ang mga pinagkainan namin bago ito nilagay sa hugasan, dumiretso kaming mga babae sa theater room nina Abi, habang ang mga lalaki ay tinuruan ni Lolo Patricio maglaro ng polo.

"Hindi naman nakakatakot" komento ni Samantha sa pinapanood namin.

"Hoy!" sigaw nila ni Summer bago napayakap sa'min ni Abi na nagulat lang sa jump scare.

"Hindi ko pa din gets kung anong nakakatakot dito" sagot ni Abi na ikinatawa naming dalawa bago pinagpatuloy ang panunuod habang nakayakap sa'min sina Summer at Samantha.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon