CHAPTER 10: GRAYSON

19 2 0
                                    

MICHA'S POV

Nanatili naman ang tingin ko kay Kuya Grayson habang naka-upo ako sa kama nito at abala siya sa pag-iimpake. Nang lingunin ako nito ay agad na nagtagpo ang mga mata naming dalawa.

"Hey, wag mo kong simangutan" sabi nito kaya inirapan ko na lang siya habang nakasimangot.

"Micha..." aniya bago ako lapitan at lumuhod sa harap ko.

"Sandali lang naman ako duon-"

"Liar!" sabad ko habang nakatingin direkta sa mata niya. "Alam kong magtatagal ka dun"

"Well, kailangan kong aralin ang pharmaceutical-"

"Can't you do it kahit na nandito ka sa pilipinas?" tanong ko dahil sa ayaw ko talaga siyang umalis.

"Puwede naman" sagot nito bago ako tingnan "Pero mas maganda kung nanduon ako mismo para mas matutukan ko"

"Tsaka kailangan din ako ng mga pasyente ko sa Canada-"

"Pasyente mo din naman ako!" sabi ko habang naluluha at napangiti naman siya duon bago hawakan ang magkabila kong pisngi dahilan para mapanguso ang labi ko.

"And I am still your doctor...Kuya mo pa" dagdag niya na mas ikinaiyak ko lalo.

"Magpapagamot na ulit ako, wag ka lang umalis. Please...." sabi ko at pinunasan naman nito ang luha ko bago ngumiti.

"Mas gugustuhin ko yan kaysa umalis. Pero nakapag-decide na ako and they're expecting me to come" dagdag niya bago bitawan ang mukha ko at bumalik sa puwesto niya kanina.

"Bilang head ng Alcaraz inuutusan kitang wag nang umalis" sabi ko habang naiyak at natawa naman ito.

"Hindi gagana sa'kin yan, ikaw man ang head pero ako ang pinakamatanda" sabi nito bago napailing at bumalik sa pag-iimpake.

Matapos naming mag-lunch ay hinatid na namin si Kuya Grayson sa Airport. "Mag-iingat ka dun ha" sabi ni Tita Gemma dito at tumango naman si Kuya.

"Opo, tatawag ako pag nakarating na ako" sabi nito bago kunin ang bagahe nito kay Tito Carlos.

"Hoy!" napatingin naman kami sa kaniya dahil duon.

Dinuro naman nito sina Kuya Mason at Gian bago nagsalita. "Ingatan at alagaan niyo to ha" bilin nito habang nakaturo na sa'kin.

"Opo..." sagot nung dalawa at nilapitan ko naman siya para yakapin.

"Ma-mi-miss din kita" sabi nito at naramdaman ko na din ang pagyakap nina Kuya Gian at Mason.

"Sige na" sabi nito at pinunasan naman nito ang luha ko bago kami hinalikan at ang pisngi ng mga magulang niya bago nagmano kena Papa at Mama.

Agad akong lumapit kay Papa bago ito yakapin at tingnan si Kuya Grayson.

"Tatawag ako araw-araw!" sabi nito habang naglalakad palayo sa'min.

Hinagod ni Papa ang likod ko nang yakapin ko na siya nang tuluyan. Maya-maya pa ay nagpahatid ako kay Mama papunta sa bahay nina Abi para sana libangin ang sarili ko pero nang makarating kami duon ay nagtaka ako nang mapansing walang tao.

Bumaba naman kami ni Papa ng sasakyan para sana kumatok pero paglapit namin sa may pinto ay may nakadikit na note duon;

Hi, if you're reading this we're not probably home. If there is any parcel, kindly go to Victorino's Residents. One block from here. Thanks

"Wala sila dito" paglinaw ni Papa bago ako tingnan.

"Yes, Oo nga eh" napalingon naman kami dahil duon. "Oo, ito si Micha" sabi nito bago ibigay sa'kin ang telepono.

"Hello" nahihiya kong sagot dahil baka mga magulang ito ni Abi o kaya Kuya niya.

"Micha!" napangiti naman ako nang marinig ang boses ni Abi.

"Abi!" sigaw ko pabalik. "Nasaan ka? Ba't wala ka dito sa bahay niyo?"

"Ahhhh, nasa China kami. Binibisita yung Lolo't-Lola ko" napatango naman ako sa naging sagot niya.

"Anong oras kayo babalik?" tanong ko.

"AhmmmShobe look, mooncake!" nangunot naman ang noo ko dahil sa narinig ko.

(In Chinese (hokkien) honorifics: Shobe means younger sister)

"Sino si Shobe?" kunot noo kong tanong.

"Ako hehehe" sagot niya bago natawa. "Ahia! Gěi wǒ yīxiē!"

(In Chinese (hokkien) honorifics: Ahia means first older brother)

(Gěi wǒ yīxiē means give me some in Chinese)

"So, kelan kayo uuwi?" tanong ko bago hawakan ang kamay ni Papa.

"Oh! We're probably staying here until sembreak ends, tsaka hindi naman walking distance ang China at Pilipinas para makauwi kami kaagad"

"So...sa pasukan pa kita makikita?" tanong ko.

"Obviously" sagot nito at natawa naman kami parehas. "Bye bye na, Micha. Inuubusan na nila ako ng mooncake eh" sabi nito bago patayin ang tawag.

Nakanguso ko namang binigay ang cellphone ni Mama pabalik sa kaniya. "Date na lang tayo" sabi ko at napangiti naman si Mama bago tumango.

"Gusto ko matikman yung mooncake" sabi ko nang makasakay na kami sa kotse.

"Okay, then kakain tayo sa Chinese restaurant" sabi ni Papa na ikinatuwa ko.

Sinecure naman ni Papa ang seat belt ni Mama. "Thank you..." sabi ni Mama bago halikan sa labi si Papa.

"Sayo Micha?" tanong nito bago abutin ang seat belt ko at i-secure ito bago isunod si Kuya Mason.

"Okay, let's go!" sabi nito bago nagsimula nang magmaneho.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon