CHAPTER 6: AMIHAN

44 4 0
                                    

DEAN'S POV

Nang tuluyan nang kumalma si Micha ay nakatulog na ito habang nakayakap sa'kin sa sofa. Hindi ko naman maiwasan ang mapangiti habang hinahaplos ang buhok nito at inaalala kung paano niya ako tawaging 'papa' kanina at kung paano niya ako ipinagtanggol kay Arthur.

"Okay ka lang ba?" tanong ni Mama sa'kin bago naupo sa pang-isahang sofa matapos lagyan nang kumot ang katawan ni Micha.

"She called me her papa" naiiyak kong sabi habang nakatingin sa kaniya "It gives me hope, na unti-unti na akong nakakapasok sa buhay niya" ngumiti naman si Mama bago punasan ang luha ko.

"I love Merideth, and that goes the same for our kids..." muli namang pinunasan ni Mama ang luha ko bago halikan ang pisngi ko at ang kay Micha.

Tiningnan ko ang natutulog na bulto ni Micha bago maingat na hinaplos ang pisngi nito "Thank you..." ani ko dito bago halikan ang noo nito.

"Magpahinga ka na din, hindi ka nakatulog nang maayos nung sabado't linggo...masyado kang nag-alala para kay Micha" sabi nito at tumango naman ako bago isandal ang katawan ko sa sofa tsaka pinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ni Micha.

Napatingin ako sa labas kung saan malakas ang buhos ng ulan dahilan para ianunsyo na walang pasok ngayon kaya dito na muna mananatili si Micha. Humigpit naman ang yakap nito nang kumulog at agad ko namang binalik ang pagyakap niya na iyon bago ipikit ang mga mata ko para matulog na din.

MERIDETH'S POV

Nang mag-umaga ay nakatanggap ako nang tawag kay Tito David—Dad ni Dean, na nasa kanila daw si Micha at iyak ng iyak nang makarating duon. Kaya naman kahit na malakas ang ulan ay agad akong nagmaneho papunta sa kanila.

"Merideth" sinalubong ako ni Tita Fatima—Mom ni Dean nang marating ko ang bahay nila.

Pinayungan ako nito nang makababa ako ng kotse at inalalayan naman namin ang isa't-isa papasok sa loob ng bahay. Naantig ang puso ko nang makita si Micha at Dean, nakaupo si Dean sa isang mahabang sofa habang ang anak ko naman ay nakahiga ang ulo at nakaunan sa hita ni Dean habang nakayakap sa beywang niya, nakasuporta din ang kamay nito sa likod ni Micha para siguro hindi ito mahulog.

"Ang cute ng mag-ama mo ano?" tanong ni Tita Fatima at nakangiti naman akong tumango.

Iminuwestra ako nito papunta sa dining area nang bahay nila bago ako paupuin sa isang upuan. "Hayaan mo na muna sila duon nang makapagpahinga" sabi nito at nagpasalamat naman ako nang abutan ako nito nang tasa na may lamang kape.

"Two months na lang pala at ikakasal na kayo" sabi nito matapos kong inuman ang kape.

"Opo" sagot ko bago ibaba ang tasa sa ibabaw ng coaster.

"Sayang..." sabi nito habang nakatingin kay Micha at Dean. "Sayang at hindi niyo masusundan si Micha" medyo nalungkot din ako nang marinig iyon pero yun ang totoo.

"Actually, may problema na din po ako pagdating sa pagbubuntis" pag-imporma ko bago lingunin ang mag-ama ko tsaka muling ibalik ang tingin sa mother-in-law ko. "Kaya nakakalungkot mang isipin na kahit na gustuhin man namin ni Dean ay...parehas naman naming hindi kaya"

"Alam mo..." panimula nito "Nang nalaman namin na...infertile na si Dean matapos ang aksidente, syempre...nalungkot kaming mag-asawa"

"Una sa lahat, nag-iisang anak lang si Dean. Ibig sabihin nun, hindi na kami magkaka-apo" dagdag nito.

"I mean, hindi naman sinarado ng anak ko ang pintuan niya sa ibang option para magkaanak. Tutal meron namang adoption, surrogacy" tumango naman ako sa kuwento nito. "Yun ay...kung okay lang sa mapapangasawa niya"

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon