CHAPTER 5: PAPA

32 2 0
                                    

MICHA'S POV

Nakalipas na ang tatlong buwan sa buhay namin and Tito Dean keep his words, bukod sa pagtrato nito nang maayos kay Mommy at sa'min ay ipinakilala na din kami nito sa buong angkan niya na talagang ikinagulat ko.

Habang abala si Kuya sa pakikipag-usap sa mga tao dito sa likod bahay nina Tito Dean ay nanatili naman ako sa kinauupuan ko. Nagtali na ako ng buhok at pinunasan ko na din ang pawis ko sa leeg.

"Okay ka lang?" napatingin ako sa likuran ko at nakita si Tito Dean na pinapaypayan na ako.

"Ang init" sagot ko at inilahad nito ang kamay sa'kin bago kami pumasok sa loob ng bahay nila at pinaupo na muna ako sa sofa bago buksan ang aircon.

"Kukuha lang ako ng bimpo, dito ka lang" sabi niya at tumango ako bago inayos ang pagkakatali ng buhok ko.

Nagulat naman ako nang biglang umupo ang nanay ni Tito Dean sa tabi ko. "Hello po..." nakangiti kong bati bago bahagyang niyuko ang ulo ko.

"Kay gandang bata" nakangiti nitong sabi na ikinahiya ko.

Tanginaaaaa! Nasaan ba kasi nanay ko?

"Salamat po" ani ko na mas nagpangiti dito.

"Micha—oh! Mama" gulat na ani Tito Dean nang makita ang ina sa tabi ko.

Umupo naman ito sa kanang side bago punasan ang likod ko at isapin duon ang bimpo. "Puntahan ko lang si Merideth" sabi nito at nilingon ko naman siya bago tumango.

"Do you think my son is a nice person?" tanong ni Tita Fatima kaya napatingin ako sa kaniya.

"He's a good person. Matiyaga din po" sagot ko na nagpangiti sa kaniya. "Mukhang napalaki niyo ng ayos" di tulad ng iba diyan...

"Lahat naman ng magulang Micha sinusubukang palakihin nang maayos ang mga anak nila" sagot nito pabalik sa'kin.

"Sadyang..." anito at huminga na muna nang malalim bago ako tingnan at base sa ekspresyon nito ay mukhang nag-aalangan na magpatuloy.

"Sadyang not all person is capable of being a parent, tama po ba?" pagpatuloy ko sa gusto niyang sabihin at tumango ito bilang pagsang-ayon.

"Alam mo ba? Tinulungan ni Dean ang Mommy mo sa annulment nila ng daddy mo" pag-imporma nito na nakapukaw ng atensyon ko.

"Really?" tanong ko habang direktang nakatingin sa mata nito. "H-he helped?" at tumango ito bilang sagot.

"Hindi siya puwedeng ma-involve duon dahil hindi naman siya ang judge for those kinds of shits" natawa naman ako dahil sa huli niyang sinabi.

"Pero kumilos siya. Patago siyang tumulong, alam niya kung anong nangyayari sa parents mo...siya ang venting and safe place ng mommy mo. That's why ginawa niya ang lahat para tulungan siya" dagdag niya

"I like him" pag-amin ko na nagpangiti sa kaniya. "He's very assuring and caring, kaya niyang i-set aside yung ginagawa niya para sa'min"

"How about you?" tanong ko na ikinagulat nito. "Do you like my mother? For you son?" ngumiti ito bago ako tingnan mata sa mata.

"Who wouldn't like your mom for their sons?" nakangiti nitong sagot na nagpakalma sa puso at isip ko.

Nagpatuloy pa ang kuwentuhan naming dalawa hanggang sa hindi ko na din namalayan na nagiging komportable na ako sa kaniya. Maya-maya ay pinalabas kami ni Tito Dean para makakain kami ng dessert.

Tumabi ako kay Lola at dito namin pinagpatuloy ang kuwentuhan namin. "May cake pa dun ha" sabi ni Tito Dean matapos ilapag ang mga plato sa lamesa.

"Thank you, hijo" sabi nito at hinalikan naman ni Tito Dean ang noo ng ina.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon