CHAPTER 4: DEAN CATALAN

32 3 0
                                    

MICHA'S POV

"Mommy—Eh?" kunot noo akong napatingin kay Mommy nang makababa na ko sa sala.

Kakatapos ko lang gawin ang assignment ko at bumaba ako para sana kumain nang meryenda pero heto ako, tinititigan si Mommy na nakaupo sa sofa habang ngiting-ngiting nakatingin sa cellphone niya.

"Mommy..." ani ko at napaayos naman ito nang upo bago tinago ang cellphone tsaka ako tiningnan.

"Anak?" bungad nito at napailing na lang ako bago dumiretso sa kusina at kunin ang ginawang cookies ni Kuya Gian.

Napatingin naman ako dito nang sumunod ito sa'kin at muling nangunot ang noo ko nang makita itong nakangiti habang sinasalinan ng Juice ang baso.

"May...nakulong bang kriminal?" tanong ko bago tanggapin ang baso na may lamang juice "You're smiling. Ear to ear"

"Moreover, perhaps the criminal's name is Arthur Alcazar" nakangiti kong tanong na agad nawala nang tumawa lang si Mommy.

"Well, something must have happened for you to smile like that" dagdag ko pero hindi ako nito sinagot kundi nagpatuloy lang sa pagpapalaman nito sa tinapay habang nakangiti.

"You're not in love aren't you?" tanong ko at napatingin naman na ito sa'kin.

"No..." sagot nito at napatango ako. "I'm just happy" nginitian ko naman siya bago lapitan at halikan ang pisngi nito bago dumiretso sa taas papunta sa kuwarto ko.

Agad ko namang kinuha ang iPad ko bago tinawagan si Kuya Gian. "Eve!" bungad nito na ikinatawa ko.

Nagsimula na akong magkuwento sa kaniya tungkol sa mga naging kilos ni Mommy sa loob ng isang buwan at idinagdag ko na din ang mga kinilos niya ngayong araw na ito.

"Baka naman kasi masaya lang talaga siya Micha, sadyang masyado ka lang judgemental" komento nito habang kumakain ng instant noodles. "Alam mo, bagay kang maging judge kasi judger ka"

"Hindi eh" sagot ko. "Alam mo yung mga kinikilos niya, parang teenager na may ka-text na lalaking gusto niya tas tinatago sa nanay" sabi ko at bahagya naman itong natawa. "Tapos ang nakakatawa pa dito, ako pa tong nagmumukhang nanay" natawa naman ako nang makita itong mabulunan sa sinabi ko.

"Ang saya..." ani ko at naubo ulit ito sa naging komento ko.

Nagpunas naman ito ng labi bago pinakalma ang sarili na ikinatawa ko. "Kaya pa?" tanong ko.

"Kaya pa, Kaya pa..." sabi nito na mas ikinatawa ko.

Makalipas ang ilang oras ay tinapos na din namin ang tawag at bumalik na ako sa paghilata sa kama bago nagsimulang magbasa sa Wattpad. Maya-maya pa ay tinawag na ako ni Kuya Mason para kumain ng dinner dahilan para makita ko ulit ang ngiti ni Mommy...ngiting in love.

Nang maupo na ako sa puwesto ko ay nanatili ang tingin ko kay Mommy na ngiting-ngiti habang inaasikaso kami ni Kuya. "Ang ganda ng ngiti mo, Mommy" pagkomplimenta ni Kuya dito.

"Really?" nakangiting tanong ni Mommy kay Kuya matapos ako nitong abutan nang kutsara't tinidor

"Hmmm, parang may nakulong na kriminal" sagot ni Kuya na ikinatawa namin ni Mommy.

"Oh!" napatayo naman si Mommy nang tumunog ang cellphone nito. "Sandali lang" sabi nito bago tumayo at umalis sa hapagkainan para sagutin ang tawag.

"In Love siya nuh?" seryosong tanong ni Kuya nang makaalis si Mommy at tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi nito.

At nang makabalik na ito sa upuan niya ay mas lumaki pa ang pagngiti nito. "You can be honest naman po..." sabi ko bago isubo ang kanin at ulam na nasa kutsara ko.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon