CHAPTER 25: EPISODE

7 1 0
                                    

MICHA'S POV

"Here's the last one" nanginginig ko namang kinuha ang piling ng saging na inabot sa'kin nung trabahador nina Lolo Patricio.

"Thank you po" sabi ko at yumuko pa nang bahagya bago ito talikuran at dumiretso sa basket ko.

Nang mailagay duon ay agad na akong nagtungo sa tractor kung saan sila naghihintay na tatlo. Natigil ako sa paglalakad nang bumaba si Kuya Gian at naglakad papalapit sa'kin habang tinatanggal ang jacket na suot.

"Akin na" aniya bago kunin ang basket na nasa kamay ko at iabot ang jacket niya sa'kin. "Suotin mo" sabi niya bago kami naglakad papunta sa tractor.

"Okay na ba lahat?" tanong ni Lolo Patricio habang dinadampian ni Abi ng hot compress ang kamay at pisngi ko.

"Okay na po" sagot ni Kuya Gian at nagsimula naman nang magmaneho si Lolo Patricio pauwi.

"Pre ang lamig mo masyado" sabi ni Abi bago ako tuluyang yakapin.

"Bibilisan ko nang kaunti ha, nang makauwi na kaagad tayo" sabi ni Lolo Patricio bago bilisan ang pagmamaneho sa tractor.

Pagkauwi na pagkauwi namin ay sina Kuya Gian na ang nag-asikaso ng mga kinuha naming mga prutas, gulay at itlog habang kami naman ni Abi ay dumiretso sa kuwarto naming mga babae.

Nang makapagpalit ng damit ay agad akong dumiretso sa kama at sumunod naman sa'kin si Abi na inayos na muna ang pagkakakumot sa'kin bago ako yakapin.

"Potangina..." nanginginig kong mura bago siya harapin at yakapin.

"Nakikiliti ako" pigil nitong tawa habang patuloy pa din ako sa pagkiskis sa mga paa namin. "Micha" mahina nitong saway na ikinangiti ko lang at pinagpatuloy pa din ang ginagawa ko bilang pangangasar dito.

"Micha!" mahina nitong sigaw na ikinatawa ko bago umayos ng higa at isiksik na lang ang ulo ko sa leeg nito.

"Baby girl phase mo ba to?" tanong nito na ikinatawa ko ng bahagya.

"Sayo lang" sagot ko bago higpitan ang pagkakayakap sa kaniya at muling matulog.

Pagkagising ko ay nakayakap pa din ako kay Abi na nag-ce-cellphone na ngayon, nang lingunin ko ang pwesto nina Sam ay wala na ang mga ito;

"Bumaba na sila" sagot nito kaya napatingin ako sa kaniya.

"Hinintay mo ko magising?" tanong ko.

"Paano ba naman ako makakaalis kung ang higpit ng yakap mo?" tanong nito na ikinatawa ko bago naupo at inayos ang sarili ko.

Sabay na kaming bumaba na Abi ay sumabay kena Forrest na mag-almusal;

"Ba't ang lamig?" tanong ni Forrest at nagkibitbalikat naman ako bago bumalik sa pagkain.

"Last day na pala natin to nuh?" tanong ni Eli.

"Huh?" tanong ko bago inuman ang juice ko. "Last day?" tanong ko bago muling hawakan ang kubyertos ko.

"Last two days na lang natin dito, babalik na tayo sa Manila" paglinaw ni Abi na ikinagulat ko.

"Ang bilis naman" sagot ko na ikinakunot ng noo niya.

"Tanungin mo din yung Raven bakit ang bilis ng Summer Break nila" sagot nito pabalik na ikinatawa namin.

"Tsaka may ibang plano din kami, kaya hindi rin kami magtatagal dito" dagdag nito at napatango naman ako.

Matapos kumain ay naglaro kaming muli ng Polo pero sa pagkakataon na ito ay kasama na si Samantha;

"Kingina!" sigaw ko nang magkatamaan ang mga Polo mallet namin ni Abi nang sabay kaming sumugod sa bola na pinalo ni Autumn.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon