CHAPTER 23: BAHAY KUBO

6 2 0
                                    

MICHA'S POV

Napaigtad ako sa gulat nang makarinig ng kalabog at agad na idinilat ang mga mata ko para makita yun;

"Oh" agad akong napatakip sa bibig nang matawa matapos makita si Samantha sa sahig.

Ang kalabog na narinig ko ay ang pagkakahulog nito pero ang ikinatatawa ko ay parang wala lang dito ang pagkakahulog at bumalik lang sa pagtulog;

"Putangina..." ani ko bago mahinang natawa dahil sa lagay ni Samantha.

Maingat kong inalis ang pagkakadantay ni Abi sa upuan ko bago maingat na pinangko si Samantha pabalik sa upuan dito sa theater room. Pinagmasdan ko naman ang mga ito at hindi maiwasan ang mapangiti nang makitang magkahawak kamay si Summer at Abi. Cute.

Lumabas naman ako sa kuwarto na yun para magtungo sa kuwarto nina Papa. "Papa..." pagkatok ko sa may pintuan nila.

"Yes po?" bungad ni Papa bago ako papasukin sa loob.

"Nakatulugan ko contacts ko" bulong ko dahil sa natutulog si Mama.

"Huh?" aniya at naupo naman ako sa kama nila habang dumiretso ito sa bag nito. "Taas" aniya at iniangat ko naman ang ulo ko bago niya ibinuka ang mga mata ko para makuha ang contact lenses at ilagay sa extra nitong lalagyan.

Nang matanggal na nito parehas ay kinuha niya ang eye drop dun bago patakan ang kanang mata ko. "Blink" aniya na sinunod ko naman bago muling iangat ang ulo ko para mapatakan na niya ang kabila.

"Blink" sabi niya matapos mapatakan at punasan ang pisngi ko habang pumikit-pikit ako.

"Nahulog si Samantha" natatawa kong pagkuwento na bahagya na ding ikinatawa nito. "Nag-su-swimming siguro siya sa panaginip" dagdag ko na mahina na din nitong ikinatawa bago halikan ang pisngi ko.

"Are you awake now?" tanong nito at tumango naman ako bago ito yakapin.

"I love you, papa" sabi ko bago higpitan ang pagkakayakap dito.

"I love you too, Micha" sagot nito bago halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Liligo na po ako" paalam ko bago tumayo sa kama nila at magtungo sa kuwarto naming mga babae para makaligo na.

"Gagu!" gulat kong ani nang pumasok si Abi sa banyo.

Naghubad din ito bago ako samahan sa bathtub. "Kagulat ka naman" sabi ko na ikinangiti nito.

Bahagya akong natawa bago kinurot ang pisngi nito. "Parang kakagising mo lang" dagdag ko bago kunin ang shower head at basain ang ulo nito.

Nang mapaliguan na namin ang isa't-isa ay agad na kaming nagbihis at nagtungo sa ibaba;

"Hello beautiful" bati ni Lola Gabriela sa'min nang magkasalubong kami sa may kusina.

"Dun tayo sa kubo kakain" sabi nito at kinuha ko naman ang hawak nito bago nagtungo sa likod bahay at pumunta dun sa modern style bahay kubo nila.

Sumunod naman sa'kin si Lola Gabriela. "Ang tagal naman nila" sabi nito habang inaayos namin ang mga pagkain.

"Ang tagal!" sigaw nito sa asawa nang dumungaw ito sa may pintuan.

"Wait!" sigaw nito pabalik bago muling pumasok sa loob.

"I heard ikaw ang kumalmot kay Pharell?" tanong nito at tiningnan ko naman ito bago tumango.

"Yes po" sagot ko kasi what's there to deny? At bakit ko din naman kasi ide-deny?

"And you are also the one who put some sense on our son?" tanong pa nito at tumango naman ako.

"Wala po ba talaga siya nun?" tanong ko pabalik na ikinatawa nito.

"Hindi man ako masaya sa nangyari sa balat ni Pharell, but then again I like how you handled those two" sabi nito. "You put them in their places and at the same time put some sense into them"

"You know how to handle men"

"Not really" pag-humble ko sa sarili ko. "I just want to protect the people that I love and cherish"

"And if words won't work, a few punches and scratches should do" dagdag ko na ikinatawa nito.

"Addie has always been hot-headed and arrogant" pagkuwento nito. "Sa totoo lang, against talaga ang mga magulang ni Azi sa kaniya"

"Pati nga kami eh" natatawa nitong pagkuwento bago itali ang buhok ko dahil sa iniihip ito ng hangin.

"Pero he did change para makuha ang loob ng parents ni Azi and of course for Azi" dagdag nito. "But when they had Abi, it somehow scares him"

"So he tried not to be strict" sabi nito. "But he became laid-back. Sa punto na his ignoring his own daughter"

"Jerk" ani ko lalo pa nang makita itong maglakad papalapit sa'min.

"That's the right word to describe him alright" sabi nito bago tumayo at kunin sa anak ang dala-dala nito.

"What's taking them so long?" tanong ni Lola Gabriela at hindi ko naman maiwasan ang mapangisi dahil kung umasta ito ay parang hindi inexpose at binackstabbed and anak.

I love this woman.

"Tinawag pa nila si Dean, mabigat daw kasi" sagot nito na ikinakunot ng noo ko.

"What are we having?" tanong ko bago napanganga nang lumabas na nang bahay ang mga kalalakihan dala-dala na naman ang isang letchon.

"Bigay yan" sagot ni Lola Gabriela.

"Kaya pala may malaking space sa gitna" sabi ko habang nakatingin sa lamesa at napaigtad sa gulat nang mailapag na nila ang letchon sa hapag at tawagin na ang iba para makakain na kami.

"Anong balak niyong gawin bukas?" tanong ni Mama sa'min.

"Pupunta po ako sa Farm" sagot ni Abi kaya agad kaming nagpaalam na sasama kami dito.

"Kaya niyo pa ba?" tanong ni Lolo Patricio kena Lucas.

"Kaya pa!" sagot nila na ikinatawa namin.

"Masyadong nag-enjoy sa paglalaro ng polo eh" kuwento ni Lolo.

"Teach us din po" sabi ko at tumango naman ito bago napangiti sa naging request ko.

At nagpatuloy naman ang lunch namin habang nagkukuwentuhan at tawanan dito sa kubo nina Abi.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon