CHAPTER 3: HIS NEW FAMILY

39 4 0
                                    

MICHA'S POV

"Nandito na ba lahat ng kailangan mo?" tanong sa'kin ni Kuya Grayson at tumango naman ako bago siya hinayaan na dalhin ang bag ko.

Weekend na kasi kinabukasan at napag-usapan na tuwing weekend ay duon kami kena Arthur para maging maayos ang daloy ng "Joint Custody" na napagkasunduan. Matapos kong magsuklay ay pinatay ko na ang ilaw at aircon sa kuwarto ko, kinuha ko na din ang wallet at cellphone ko bago bumaba at sumakay na sa kotse namin.

"Ingat kayo dun ah" sabi ni Tito Carlos at agad ko namang tinanggap ang baonan na inabot sa'kin ni Kuya Gian.

"Ipagdasal mo kami" sabi ko dito at natawa naman ito bago kami kawayan sa huling pagkakataon tsaka sinara ang pinto.

Nagsimula naman nang magmaneho si Kuya Grayson at ako naman ang naging in-charge sa tugtugan namin kaya habang nasa biyahe ay para kaming mga tangang kumakanta sa loob ng kotse lalo na si Kuya Grayson na sinusubukan pang abutin ang mga high note sa kanta na pinapatugtog ko.

"I'm sorry, I'm sorry, I'm sorry ma sister, sumgyeodo gamchwodo jiwojiji anh-eo" pagkanta namin ni Kuya Grayson.

"So cry..." solong kanta ni Kuya Mason.

"Please dry my eyes, ooh...ahhhh!" gulat akong napatingin kay Kuya Grayson nang gawin niya ang high note sa kanta.

"Siraulo eh" komento ni Kuya na ikinapiyok ni Kuya Grayson na ikinatawa naming magkapatid.

"Hey! Behave, nagmamaneho yung tao" saway nito na mas ikinatawa namin.

"Hindi ka naman namin pinilit na kantahin yung high note na yun eh" sagot ni Kuya Mason at napangiti naman ako sa nagsisimulang away nila.

At bago pa man kami makarating sa bahay ni Arthur ay nagpakalma na muna ang dalawa bago kami tuluyang dumiretso papunta duon;

"Pasok..." pag-entertain sa'min ng bago niyang asawa.

Agad nagpasalamat si Kuya Grayson sa kaniya bago kami tuluyang pumasok. "Welcome Home!" bati sa'min ni Arthur nang makapasok na kami nang tuluyan sa bahay nila.

"This is not a home..." bulong ko at hinawakan naman ni Kuya Grayson ang kamay ko.

"This is Klaire, my wife" pagpapakilala nito at tumango na lang ako kahit na ang tingin ko ay kanina pa nasa sahig.

"Insensitive" bulong ko bago haplusin ang tattoo ni Kuya Grayson sa pulsuhan nito.

"It's nice to meet you" sabi nito at tumango na lang muli ako bago tignan si Kuya Grayson nang haplusin nito ang buhok ko.

"Tell me if you're uncomfortable ha" sabi nito. "I am. Can we go home na?" sagot at pagmamakaawa ko.

"Micha..." aniya kaya binalik ko na lang ang tingin sa sahig.

Umakyat na kami sa pangalawang palapag kung saan pinakita sa'min ang mga kuwarto namin "Did you like it?" tanong ni Klaire pero hindi ko ito nilingon.

"I don't like your vibe" bulong ko habang nililibot ang tingin sa kuwarto. "It's not that bad" sagot ko.

"Wow! Micha..." napalingon naman ako dahil duon.

"Wow..." ani Kuya Mason habang nakatingin sa buong kuwarto.

"You have the biggest room" sabi ni Kuya Grayson. "You're lucky..." dagdag nito bago ako akbayan.

Tumango na lang ako bago ihagis ang bag ko sa kama at muli ko namang kinuha ang kamay ni Kuya Grayson bago iharap sa'kin ang palad nito tsaka ko tuluyang hinaplos ang tattoo niya sa pulsuhan.

"Pangit" komento ko sa kulay dilaw na kuwarto. "Tangina..." dagdag ko na ikinatawa ni Kuya.

Maya-maya pa ay lumabas na sila sa kuwarto at naisipan ko namang buksan ang TV duon bago kinuha ang baonan na inabot sa'kin ni Kuya Gian, napangiti ako nang buksan ko ito at nakita ang mga macaroons na ginawa niya.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon