CHAPTER 30: TEA

24 2 0
                                    

MICHA'S POV

"Thank you, come again" nakangiting bati sa'min nang palabas na kami sa café.

"Thank you" bati namin pabalik bago tuluyang lumabas at sumakay na sa sasakyan.

"Pupuntahan niyo ba si Lucas ngayon?" tanong ni Papa nang makasakay na sa driver seat at inunang i-check ang pagkakalagay ng seatbelt namin bago isuot ang kaniya.

"Bukas na lang siguro Tito" sagot ni Abi habang tinatali ang buhok. "Medyo masakit na din katawan ko ngayon"

"Ikaw, Micha?" tanong nito at nagsimula nang magmaneho.

"Wala naman akong pakialam kay Lucas" natatawa kong sagot bago tingnan si Abi na nakanguso dahil sa sinabi ko. "Kaibigan ko din yun, pero wala naman akong masyadong pake sa kaniya"

"Alam na kaya nina Forrest?" tanong ko bago buksan ang cellphone ko.

"Panigurado si Sam alam na niya yan" sagot ni Abi. "Si Forrest, feeling ko wala"

"Ay! Diba umuwi yung Daddy niya. Ilang araw din siyang offline eh" dagdag nito at napatango naman ako.

"Paano mo pala nalaman na umuwi daddy niya?" tanong ko habang china-chat si Forrest.

"Sinabi niya bago siya tuluyang di na mag-online" sagot nito bago natawa.

🌳

🌳:
Saan ka na daw sabi ng papa mo?

🐇:
Pababa na kami sandali

🌳:
Ang tagal!

SAT AT 7:45 AM

🐇:
Buhay ka pa ba?

🌳:
Typing...

"Oh! Online na siya!" sabi ko at napatingin naman sakin si Abi ng bahagya bago muling kunin ang cellphone.

"Hello, Mommy" bungad niya sa kabilang linya. "Yes po, pauwi na po kami"

"Medyo traffic lang kamo, singkit" sabi ni Papa.

"Medyo traffic lang Mommy, kaya matagal" dagdag nito at muli ko namang binalik ang tingin ko sa chat namin ni Forrest.

🌳:
Syempre. Masamang damo tayo eh.

🐇:
Alam mo na bang babalik na si Lucas
sa states?

🌳:
Gagu? Seryoso ba 💀

Natawa naman ako bago napatingin kay Abi. "Di nga niya alam Hahahahahaha" pagtawa ko na ikinatawa na din nito.

"Kawawa naman tong batang to" sabi ko bago muling bumalik sa chat namin.

🌳:
Pupunta kayo ngayon sa kanila?

🌳:
Gagu di ako pede umalis dito 😭

🐇:
San ka ba kasi?

🌳:
Formal gathering 😭 kaartehan ng tatay ko 😭😭

🌳:
Pasundo 🥺

🐇:
Wag na, diyan ka na lang
🐇:
False friend ka

🌳:
False friend 😭💀
🌳:
Bilis na, pasundo 😭

🐇:
Sabay ka na lang tom
🐇:
Tomorrow pa naman kami punta sa kanila
🐇:
Papahinga muna kami

🌳:
Sabihan niyo ko ha

🐇:
Ayoko nga 😈

🌳:
Apaka sama talaga ng ugali eh
🌳:
Hindi dapat k-pop pinakikinggan mo eh
🌳:
Metal dapat kasi demonyo ka!

🌳 Change your nickname to divil😈

divil 😈:

Divil amp 😭

🌳:
Basta, sabihan niyo ko ah
🌳:
Bye, love you 😘

"Tangina ni Forrest tinawag pa kong demonyo" sabi ko bago ipakita kay Abi yung bago kong nickname na ikinatawa nito.

"Bakit hindi ba?" natatawa nitong tanong na ikinatigil ko bago hampasin ang hita niya.

"Pero wengya din to si Lucas eh, naglilihim" sabi ko bago patayin ang phone ko at makipagtsismisan kay Abi.

"Tapos..." natigil naman ako sa pagsasalita nang mapansing nakikinig din sa'min si Papa. "Papa ibang klase ka din eh nuh?" sabi ko na ikinaayos nito ng upo at ikinatawa naman ni Abi.

"Yung mata nasa daan pero yung tenga nasa tsimis" dagdag ko na mas ikinalakas ng tawa ni Abi at ikinatawa na din ni Papa.

"But he's a real bitch with that attitude" seryoso nitong komento na ikinatawa ko na din.

"Tsismoso din pala si Tito eh" natatawang sabi ni Abi at nagpatuloy pa kami sa tsismisan na di kalaunan ay si Papa na ang may tsinitsismis sa'min.

"Weh?!" gulat kong tanong dito.

"Hala! Mag abogado na lang din kaya ako" sabi ni Abi na ikinatawa namin tatlo.

"Bakit ka nag-abogado? Dahil po sa tsismis" tanong at sagot ko sa scenario na mag aabogado si Abi.

"Ang juicy po kasi" dagdag nito na ikinatawa namin ni Papa bago ito muling hinayaan na ituloy ang pagkuwento niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon