CHAPTER 12: JEALOUS

23 2 0
                                    

MICHA'S POV

Habang nakaupo kami sa upuan sa loob ng canteen ay hindi ko naman maiwasan tingnan mula ulo hanggang paa si Samantha.

"You're not planning murder aren't you?" tanong ni Forrest bago ako hatian ng sandwich nito.

"Wala naman, don't worry" sagot ko bago muling tingnan si Samantha mula ulo hanggang paa sa huling beses.

"Tumigil ka nga, para mong kukunin yung kaluluwa niya sa ginagawa mo eh" saway ni Forrest sa'kin.

I am not planning to murder this woman, I'm just examining if I should trust her or not. And based on what my gut is telling me, it's 50-50. She has this innocent face and smile, but the way she act when she's with Abi, it is somehow not exact to what she looks like...she very cunning and playful.

"Oh! Sam, this is-"

"Danaya" sabad ko bago ilahad sa kaniya ang kamay ko at agad naman niya iyong tinanggap.

"So, trio na kayo ngayon?" tanong ni Forrest at napatingin naman kami sa kaniya.

"Sorry..." sabi nito at natawa naman si Lucas bago hinagod ang likod ni Forrest. "Wag mo kasing pangunahan ang mga babae, Forrest" payo nito habang natawa.

"Magpinsan sila ni Lucas" pag-imporma ni Abi sa'kin habang nakaturo kay Sam at napatango naman ako.

"Bakit parang ang close niyo atang dalawa?" tanong ni Forrest bago ako abutan ng baon nitong orange juice.

"Magkaklase kami ni Abi simula pa nung kinder kami, sa Athens pa kami nag-aaral nun. Kaso lang lumipat siya nung grade seven eh"

"Grade seven?" tanong namin ni Forrest dahil hindi naman namin ito nakita sa campus during those academic year.

"Homeschooled ako" sagot ni Abi. "Nahulog kasi ako nun sa sasakyan namin tas ayun, akala namin sugat lang, nabali na din pala yung buto ko sa paa. Knee injury" sagot nito at hindi ko naman maiwasan ang matawa.

"Bobo" komento ko na ikinatawa na din ni Abi.

Makalipas ang isang linggo ay tahimik naman akong nakabuntot kay Abi at Sam dahil silang dalawa na lang ang nagkukuwentuhan at magkasama, gustuhin ko mang makisingit at makinig ay wala naman akong maintindihan dahil pinag-uusapan nila yung mga nangyari nung elem pa sila. Like, tangina! Ano namang alam ko dun?

Habang nasa P.E class ay tumabi naman ako kay Abi sa bleachers na hindi makalaro dahil sa sprain na natamo nito nung tournament niya sa badminton na siya ang nag-uwi nang gold medal.

"Iron girl!" sabi ko at natawa naman ito bago yakapin. "Tigas din ng ulo mo eh" sabi ko bago kunin ang kanang paa niya tsaka ito idantay sa hita ko.

"Pinagalitan ka ng coach mo?" tanong ko at tumango naman siya.

"Nung na sprain yung paa ko, pinalalabas na talaga niya ako, like...ayaw na niyang ituloy ko yung game" sabi niya.

"Kita ko nga" sabi ko dahil nanduon ako nang mangyari yun.

"Pero sabi ko, sayang naman kasi last player na to mag-go-gold na ako" panimula niya. "Tsaka, gusto ko rin kasing makalaro for the Cluster round. So, ayun hinayaan na niya ako"

"Tsaka ayoko rin naman kasing mag-uwi ng silver" natawa naman kaming dalawa dahil duon.

"Nagseselos ako..." pag-amin ko at napatingin naman ito sa'kin.

"Huh?" kunot-noo nitong tanong.

"Nagseselos ako kay Sam" paglinaw ko bago siya tingnan mata sa mata. "I mean, I do understand na friends kayo since kinder but do you really have to talk about it tuwing kasama niyo ako?"

"Hindi ako maka-relate, hindi ko rin maintindihan yung inside jokes niyong dalawa" sabi ko bago siya ngitian.

"Tsaka, nagtatampo na din ako duon sa ideya na parang wala ako sa paligid niyo sa tuwing nag-uusap kayong dalawa" pagtapos ko at tumango naman siya bago ako yakapin.

"Sorry" sabi niya at tumango naman ako. "No, I'm really sorry. I didn't know and mean to make you feel left-out"

"And I wish I knew about this earlier, para nakapag-usap na kayong dalawa o tayong tatlo" dagdag niya at tumango naman ako bago hawakan ang kamay niya.

"Hindi ko naman sinasabi na kasalanan mo yun" sabi ko at umayos naman siya nang upo. "Like, gusto ko lang sabihin na yun nga. Ayokong ma-left out, and ayoko din na hindi mo ako pinapansin kasi we're also friends. Kaibigan mo din ako, magkaibigan din tayo" ngumiti naman ako nang makita siyang ngumiti bago namin niyakap ang isa't-isa.

Matapos ang P.E ay second recess na kaya nang mag meryenda kami sa canteen ay nag-usap na din kami ni Sam tungkol sa sinabi ko kay Abi at humingi naman ito nang tawad sa'kin dahil sa naging kilos niya.

"Actually..." panimula niya. "Nagseselos din ako" pag-amin niya.

"May mga inside jokes at memories din kayo ni Abi na wala akong kaalam-alam, that's why when I am given a chance na mag-ungkat ng inside jokes namin and memories before. I bring it up" dagdag niya at napatango naman kami ni Abi.

"I'm sorry din, about diyan" sabi ko at nginitian naman namin ang isa't-isa.

"Friends?" tanong ko bago ilahad ang kamay ko sa kaniya.

"Friends" sagot niya bago tanggapin ang kamay ko.

"Sali!" sabi ni Abi bago ilagay ang kamay sa ibabaw ng amin na ikinatawa naman namin ni Sam bago nagpatuloy sa pagkain at kuwentuhan.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon