CHAPTER 9: PENTHOUSE

27 1 0
                                    

MICHA'S POV

Nang dumating ang araw ng linggo ay hinatid na namin ni Papa si Abi sa kanila. "Bye!" sigaw ko bago siya kawayan.

"Bye!" sigaw nito bago ibigay ang bag sa Daddy niya tsaka pumasok na sa loob ng bahay nila.

"Pupunta tayo mamaya sa bahay ni Tita Gemma mo para maayusan ka" kunot noo ko naman siyang tiningnan dahil duon.

"Ayusan? Para saan?" tanong ko bago patayin ang cellphone ko sandali.

"Well, may dinner kayo ni Kuya mo kasama ang Lolo't Lola niyo sa Alcazar" sagot nito at mas lalo namang nangunot ang noo ko.

"Ba't ngayon ko lang nalaman yan?" tanong ko bago tingnan si Papa.

"Kagabi lang sinabi sa'min-"

"Wala ba tayong plano para mamaya?" tanong ko at bahagya naman ako nitong tiningnan. "I mean, Sunday is family day. Dapat kayo ang kasama namin"

"Well, we're supposed to have a family dinner" sagot nito. "But yun nga, gusto nga kayong makita ng Lola mo. So, I guess sa Monday na lang. After school" inirapan ko naman siya dahil sa sinabi niya.

"Hey...Micha, anak ko" tiningnan ko naman siya dahil duon.

"Huwag mong taniman ng galit ang Lolo't Lola mo, si Arthur lang ang nakagawa ng kasalanan dito" sabi niya at tumango naman ako matapos ko ulit siyang irapan.

"Kamusta naman yung tinanim mong galit kay Arthur?" tanong nito at bahagya naman akong natawa bago siya nakangiting tingnan.

"Ayun...malapit nang maging gubat" sagot ko at mas napangiti nang marinig ang tawa ni Papa. "I think it can also save us from global warming" dagdag ko na mas ikinatawa nito.

Matapos naming mag-lunch ni Papa together ay hinatid na ako nito kena Tita Gemma para maayusan na ako at para maihatid na kami sa penthouse ng mga Alcazar na pagmamay-ari ng Lola ko duon.

"Hoy!" ani Kuya Mason sa'kin matapos akong sikuhin. "Ba't ganiyan ka makatingin kay Gian? Para mo naman siyang aatakehin"

Magkaharap kasi ang mga upuan dito sa van at sa sobrang suwerte ni Kuya Gian ay magkatapat kami ngayon, sinama na din siya ni Tita Gemma dahil gusto din daw itong makilala ng Lola namin nina Kuya Grayson.

"Alam na niya kung bakit" sagot ko bago tingnan si Kuya Gian mata sa mata dahilan para mapalunok ito nang wala sa oras. "Umayos ka..." paglabi ko dito bago inabot ang kamay ni Kuya Grayson at hawakan ang dulong bahagi ng sleeve tattoo nito.

Maya-maya pa ay narating na din namin ang penthouse ng mga Alcazar, nung una ay nakangiti pa ako pero nang makapasok na ako sa dining area ay agad itong nawala nang makita ko si Arthur at mag-ina nito.

"My babies!" sigaw ni Lola kaya agad kaming naglakad papalapit sa kanila.

Matapos kong bumeso dito ay agad kong tiningnan si Klaire, mula ulo hanggang paa "What the fuck is she wearing?" pabulong kong tanong bago muling itaas ang tingin ko sa may ulo niya.

"Mata mo" sabi ni Kuya Grayson matapos hilamusin ang mukha ko.

"Grade eight ka pa lang, pero mukhang graduate ka na nang Law. Judger ka" sabi nito at inirapan ko naman siya bago hinawakan ang nakalahad na kamay ni Kuya Gian at tsaka ako naupo sa upuan ko kung saan pinanggitnaan ako ni Kuya Mason at Gian

"Hi, Klaire..." nakangiting bati ni Lola dito nang makaupo na din silang mag-asawa

"Hi, Micha" bati ni Arthur sa'kin nang mahagilap ako nito pero imbis na batiin pabalik ay tiningnan ko lang si Lola na nasa head ng lamesa nakapuwesto.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon