CHAPTER 26: FAMILY DINNER

5 1 0
                                    

MICHA'S POV

Nang makarating kami sa Law Firm ng mga magulang namin ay agad kaming dumiretso sa opisina ni Papa.

"Hell-" natigil ito sa pagbati at agad na napatayo sa kinauupuan para lapitan kami.

Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi bago tingnan ang mukha ko. "What happened? Why are crying?" tanong nito bago din i-check si Kuya.

Humikbi naman ako bago ito yakapin at itago ang mukha ko sa may tiyan niya.

"Arthur visited Raven, nakipag-usap dun sa dalawa pang singkit and gave them a gift..."

"She reacted" sabi nito at mas humigpit naman ang pagkakayakap sa'kin ni Papa.

"Tatawagin ko si Mama, nasa office po ba siya?" tanong nito bago ako nakarinig nang pagsara at bukas ng pinto.

"Micha..." ani Papa nang makaupo kami sa sofa at tingnan ako mata sa mata.

"Nakita ko...nakita ko yung sarili ko sa kaniya kanina" sabi ko. "I was just like him"

"But I didn't mean it, it just happens habang pinagsasabihan ko silang dalawa. I was also angry and...and..." napahawak naman ako sa may dibdib ko nang hindi ako makahinga nang ayos dahil sa pag-iyak.

"I hate it that I am just like him!" sigaw ko at hinawakan naman ni Papa ang kamay ko.

"Breathe slowly using your nose" utos nito habang hinihilot ang palad ko. "Inhale...exhale, slowly darling...slowly..."

"Inhale, exhale" pag-sunod ko dito. "Now breathe with your mouth, slowly..." tumango naman ako bago muling sundin ang ginagawa nito.

"One more time" aniya at muli akong nag-inhale-exhale habang tinitingnan ang pagmasahe nito sa palad ko. "Last one"

"Okay, good job" sabi nito nang umayos na ang paghinga ko bago ako yakapin. "Good job" aniya bago halikan ang tuktok ng ulo ko.

Maya-maya pa ay sumunod na din sina Mama at Kuya dito sa opisina;

"Thank you, Drake..." ani Papa sa assistant niya nang madala na nito ang ice cream na inutos niya.

"Thank you" sabi ko kay Drake na nginitian ako bago lumabas sa opisina.

Binuksan ko ito at agad na kinainan. "But why are you there?" napatingin naman ako kay Mama dahil dun.

"We allowed you to give gifts kay Micha at Mason kaya hindi ko maintindihan kung bakit ka nasa school nila, hindi din naman kami nakikihati ng tuition sayo" sabi nito. "Kami ni Dean ang nagbabayad nun"

"Okay, you want to visit your daughter. Naiintindihan ko yun pero talking to her friends and giving them gifts is out of the line Arthur, especially since aware ka din na walang tiwala sayo si Micha"

"Are you sure?" medyo galit nang tanong ni Mama kaya nilapitan na ito ni Papa. "Sure ka bang okay lang talaga kay Mason na ginagawa mo yan sa mga kaibigan niya? Are you sure na komportable siya?"

"Sa tingin mo ba meron sa'min dito ang komportable sa tuwing nasa paligid ka?" tanong nito.

"Pinayagan ka ng korte na magkaroon ng joint custody kahit na hindi ko gusto at ng mga anak namin ni Dean, at ganun din kay Grayson..." panimula nito. "Labag sa loob nila ang pagpunta diyan sa bahay mo at makasama sila"

"Ayaw ka nilang makasama, Arthur. So the least that you can do is respect their boundaries"

Natigil naman ako sa pagkain nang makita ang sarili ko kay Mama nang tumawa ito ng bahagya. "Wow..." mahina kong ani.

"Yes. Yes, Arthur. Anak namin ni Dean, wala ka ng anak dito" sabi nito bago ibaba ang tawag at lapitan ako bago punasan ang gilid ng labi ko.

"Nakausap ko na, though hindi ko lang alam kung paano siya mag-re-react dun" tumango naman ako bago nagpasalamat dito.

Hinalikan nito ang noo ko bago tingnan si Kuya Mason. "Ikaw?" tanong nito.

"Okay lang po ako, mas nag-aalala ako kay Micha" sagot ni Kuya bago yakapin si Mama.

"Thanks, Ma" aniya at niyakap naman siya ni Mama pabalik.

"Maghintay na lang kayo dito, malapit na din ang uwian namin ng Papa niyo" sabi nito bago kami tingnan ni Papa. "Let's have dinner sa bahay ng Lola niyo" dagdag ni Papa na ikinangiti namin ni Kuya.

Humiwalay si Kuya sa pagkakayakap kay Mama nang tumunog ang cellphone nito. "Ahmmmm, Micha..." aniya bago ako lapitan at ibigay sa'kin ang cellphone nito.

Naestatwa naman ako nang makitang tinatawagan ni Abi si Kuya. "Are you okay na?" tanong ni Papa kaya napatingin ako sa kaniya.

"If hindi pa and hindi ka pa komportable mula sa nangyari sa inyo kanina. You can decline the call" dagdag nito at tiningnan ko naman ang screen bago i-decline ang tawag ni Abi at yakapin si Papa.

"That's okay, you did good" pag-assure nito sa'kin.

Makalipas ang ilang oras ay dumiretso na kami sa bahay nina Lola para mag dinner;

"Oh my baby" bungad nito bago halikan ang pisngi namin ni Kuya. "Did you cry?" tanong nito at niyakap ko na lang ito.

"Arthur happened" simpleng sagot ni Papa bago kami alalayan papasok sa loob.

Nang nasa hapag kami ay muling bumalik ang ngiti at sigla ko dahil sa Lolo't-lola ko na nagkukuwento habang nakain kami.

"That's more like it" sabi ni Lola bago lagyan pa ng pagkain ng plato ko.

Natigil naman ako pagkain nang makita ang Bao na nilagay ni Lolo sa hapag. "Hindi kasi kasya kanina eh" sabi nito.

Napayuko naman ako ng bahagyang maluha. "Tangina kasing mukha yan, Abigail. Hugis Bao ampota" bulong ko bago muling bumalik sa pagkain.

Tamang PagkakataonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon