Prologue

12 1 0
                                    

Trigger Warning! This chapter contains violence, abuse, brutality, vulgar words and etc. That may be disturbing for some reader. Please be open-minded.

Ang hirap mabuhay dito sa mundong ibabaw. Akala ko masaya pero puro pasakit at kamalasan lang ang nakukuha ko. I just want to build my own family but how? Parang lahat ng tao kinamumuhian ako.

"Tama na! Wag niyo po akong patayin! Hindi ko sinasadyang bastusin ka!" Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses ng lalaki.

Hawak hawak ko ang matulis na kutsilyo habang nakatutok sa kanya.

Tumawa ako ng mapakla at seryosong tumingin sa kanya.

"Anong sa tingin mo sa akin? Maawain? Kayo ang dahilan kung bakit nawala sa akin ang anak ko! Walang hiya kayo! Dinamay niyo pa siya!" Malakas kung sigaw sa kanya.

"Maniwala man kayo o hindi ma'am. Pero---" Hindi ko na siya pinatapos dahil sinaksak ko na siya.

Nakita ko ang dugo niyang tumalsik sa mukha ko at nagkalat sa kamay ko.

Hindi ako nandidiri kapag may pinapatay akong tao. Gusto ko lang gumanti sa mga kasalanan nila sa akin. Pinatay nila ang bagong silang na anak ko! Nararapat lang na patayin ko din sila katulad ng ginawa nila sa baby ko.

Napapagod na akong maging mahina at palaging inaapi. Gusto kong maghiganti sa mga taong kinakawawa ako palagi.

Kinuha ko ang maliit na kutsilyo at pinunusan gamit ang puting panyo na ginamit nila sa akin noon.

Pagkatapos ay nilagay ko sa bag ko at binuhat ang lalaki. Inilibot ko ang paningin ko kahit maadilim. Mabuti nalang at may malaking buwan na nagbibigay linawag dito sa kinaroroonan ko.

Hila-hila ko ang damit ng lalaki patungo sa ilog. Hindi pwedeng may makakita sa ginawa ko dahil hindi pa ako tapos maghiganti at uubusin ko silang lahat.

Matapos kung ihulog ang lalaki sa ilog ay dali dali akong sumakay sa sasakyan ko. Bago ako umuwi ay nagbihis muna ako ng damit dahil baka mahalata nila kung bakit may maraming dugo sa damit ko.

Dumaan muna ako sa sementeryo dahil alam kung hindi ako makakadalaw bukas dahil may aasikasuhin akong importante. Pero mas priority ko ang anak ko dahil siya lang ang nagpapasaya sa akin kahit kinuha na siya ng maaga.

Napaka unfair ng buhay. Kung kailan masaya kana pero bigla naman ito mapapalitan ng lungkot at sakit.

Lumapit ako salapida ng anak ko at hinimas nimas ito.

"Anak... Wag kang magtampo kay mommy ha! I'm doing this for you. Gusto kitang ipaghigati sa mga bad guys na iyon. Mahal na mahal kita anak." Pinunasan ko ang luha ko. "Wag kang mag alala anak. Pagkatapos kitang ipaghiganti, magsasama na tayo diyan at hindi na kita iiwan." Hinalikan ko muna ang lapida at napagdesiyunang umuwi na sa bahay.

***

Late na akong gumising. Kahit inaantok pa ako pero pinilit ko ang sarili kung tumayo para maligo dahil magagalit si daddy dahil palagi akong nahuhuli sa trabaho. Kahit sobrang naririndi na ako dahil palagi niya akong sinasabihan pero hindi ko sila kayang sagutin dahil malaki ang utang na loob ko sa kanila.

Pagbaba ko ay narinig ko ang mga boses nila sa dining area.

"Nako! Pagpasensayahan mo na iyong anak ko Mr. Enriquez. Palagi lang talaga iyon late umuuwi ng bahay." Hindi ko alam kung sinong anak ang tinutukoy ni daddy. Pero pareho lang naman kami ni Kuya Stephen madalas umuuwi ng maaga na.

Pagpasok ko palang sa living room ay lahat ng atensiyon nila ay nakatuon sa akin. Yumuko nalang ako at lumapit at umupo sa bakateng upuan.

"Where have you been Megan? Bakit late ka nalang umuuwi? Sa club house ka naman dumidirtso pagkatapos ng trabaho?" Seryong tanong ng ama ko.

Ang iniisip nila palagi ay nasa club house ako nakatambay tuwing gabi pero nagkakamali sila. Nasa kotse lang ako habang minamanmanan ang mga hayop na walang awa. Malaking kasalan ang ga ginagawa ko pero wala akong pakialam dahil gusto ko lang maghingnti at magdusa sila katulad ng mga naranasan ko.

"Hindi naman po dad. May birthday kasi akong pinuntahan at hindi nila ako pinyagan umuwi kapag hindi ako uminom," pagsisinungaling ko.

Alam kung hindi siya maniniwala ka agad sa mga sasabihin ko dahil nabisto na niya ako nung una pero sana hindi na maulit ang nangyari noon.

Hindi na ito nagsalita ulit at napatuloy kumain.

"Isang bangkay natagpuan dito sa ilog ng Lawa River malapit sa side area ng Tejero Street kaninang alas sais ng umaga. Nakita ito ng isang mangingisda na puno ng sugat sa katawan. Inaalam pa ngayon ng kapulisan kung sino ang gumawa nito sa biktima." Napahinto ako sa pag nguya ng marinig ang balita sa tv.

"Natatakot ako para sa anak natin Lydon. Hindi ko kaya na mangyari din sa kanila ang sinapit ng biktima na iyon. Napakawalang puso niya!" Napatingin ako sa gawi ni mommy habang may lungkot ang mga mata nito.

Napalunok ako dahil sa sinabi niya. Dali dali akong uminom ng tubig dahil naramdaman kung nabulunan ako sa ginawa ko.

Nakita ko ang pagtitig ni kuya sa akin ngunit iniwas ko ang tingin ko sa kanya at ibinalik sa pagkain.

"Stephen at lalong lalo kana Megan. Nakita niyo naman ang nangyayari ngayon sa labas. Kailangan niyo nang umuwi ng maaga pagkatapos ng trabaho," paalala ni daddy sa amin.

Ngayon ko lang narinig ang boses niyang may halong pag alala. Hindi ko alam kung bakit biglang nagbago ang ugali niya na marinig ang balita. Akala ko wala siyang malasakit sa amin lalong lalo na sa akin. Akala ko ang nung una ang iniisip niya ay kung paano palalaguin ang negosyo niya pero naisip ko din na ipinapakita niya lang ito dahil nandito si Mr. Enriquez.

"Hindi niyo na dapat ako sinasabihan ng ganyan dad dahil malaki na ako at kaya ko na ang sarili ko," saad naman ni kuya. "Itong si Megan kailangan natin siyang bantayan. I mean we need to guard her. May kilala akong bodyguard para magbantay sa kaniya." Nagulat ako sa sinabi niya.

"Bakit kuya? Sa tingin mo ba hindi ko kayang ipagtangol ang sarili ko?" Inis kung tanong sa kanya.

The heck! Hindi ko magagawa ang plano ko kung may nakabantay sa akin. Baka siya ang manghuhuli sa akin at ipakukulong ako. Hindi ko kaya dahil gusto ko pang makasama ang anak ko.

"Tama ang kuya mo anak. Kailangan may magbantay sayo lalo na't babae ka pa naman," sabat naman ni mommy.

"Pero---"

"Wag matigas ang ulo Megan! We're doing this for your safety!"

Hindi na ako naka imik.

"Well, ganito nalang Mr. Chavez. Kailangan natin pag usapan ang tungkol sa kasal." Napalingon ako kay Mr. Enriquez habang malaki ang ngiti sa labi.

"Mas mabuti pa nga."

Bigla naman akong naguluhan sa sinasabi nila.

Kasal? Ibig sabihin may ipapakasal sa amin ni Kuya sa anak niya? Pero hindi pwedeng ako. Masisira lahat ang pangako ko sa anak ko. Magtatampo sa akin yon. Hindi pwede ito! Ayaw kung magpakasal dahil baka siya lang ang sisira sa lahat ng plano ko.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now