Chapter 18

3 1 0
                                    

Naalimpungatan ako dahil sa ingay ng paligid.
Naimulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Mr. Enriquez at si daddy nag uusap. Nanlaki ang mga mata ko ng mahagilap ang dalawang pulis na kinakausap nila.

Pinilit kung pakalmahin ang sarili at na realized ko na nasa hospital pala ako dahil puti lahat ng kulay dito a loob.

Siguro nga, tatanggapin ko nalang ang kapalaran ko dito sa mundo at kung ano man kasalanan na ginawa ko.

Mukhang nakuha nila ang presensya ko at napatingin sila sa akin.

"You're awake. Prepare yourself now." Sobrang naramdaman ko ang galit ni Mr. Enriquez sa akin.

HIndi ko alam kung bakit ganito ang parusa na binigay sa akin. Sobrang sakit isipin na ang nag iisang ama ko ay kaya akong ilaglag at ipakulong. Kung sabagay, kaya nga niya akong saktan at gawin alipin, ipakulong na ba kaya? Siguro nga. Tama lang na inilayo ko si mommy sa kapahamakan dahil ayaw kung siyang magdusa katulad ng pinagdaanan ko ngayon.

"We are going outside to wait you. Change your clothes now," utos nito sa akin.

Hindi ako umimik at lumabas silang lahat dito sa loob.

I sighed heavily.

Biglang pumasok sa isip ko si Eldrin. Nasaan kaya siya ngayon? Bakit kaya siya hindi nagpakita sa akin? Siguro nga, tama ako. Kapag nalaman ng tao ang sekreto mo ay lalayuan kana nila dahil ang tingin nila sayo ay basura at sinungaling. Pero iba ang sitwasyon ngayon eh. How can I defend myself if my opponent is his father? Kaya nilang bitawan lahat ng kasinungalingan dahil may pera sila at makapangyarihan laban sa akin. Pera lang naman ang habol ng ibang kasamahan nila at binayaran kaya tatanggapin nila agad kahit makasalanan ang ginawa niya. But I realized, not all things can exchange money, there some people want a real happiness like me, but everything is ruined and messed---like my life now.

When I was about to stand up so i can change my clothes but the door abruptly open. Nanlaki ang mata ko ng makita si Rosia ang pumasok at hinubad ang suot niyang kulay black na hoodie jacket.

"Wag kang maingay. Kailangan mong suotin to para makalabas na tayo dito! Baka maabutan nila tayo. Bilisan mo!" Sunod-sunod niyang sabi sa akin at tinulungan pa niya akong isuot ang dala niya.

"Anong ginagawa mo dito? Baka mapahamak ka? At mas lalo na iyong baby mo Rosia. You're pregnant." May halong inis kung tanong.

"Alam ko kaya bilisan mo diyan. Alangan naman na pabayaan kita dito na makulong kahit walang kang kasalanan ginawa? Hindi ko kayang nakikita kitang nahihirapan." Hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapangiti sa sinabi niya.

I hugged her tight.

"Salamat." I almost whispered.

"Nako! Wala naman ito sa akin. Basta! Mamaya na tayo mag dramahan at kailangan na nating makalabas dito."

Tumango ako at isuot ang tsinelas at inayos ang damit na suot ko.

Nakasuot parin ako ng hospital clothes pero natabunan ito sa jacket na suot ko ngayon, hanggang sa pwetan ko kaya hindi masyadong halata.

Mahinang binuksan ni Rosia ang pintuan at tiningnan niya muna kung may nagbabantay sa akin.

Hinawakan niya ang kamay ko at nauna siyang lumabas at sumunod ako sa kanya.

Nang makalabas kami sa hospital ay nagkunwari siyang pasyente niya ako. Ngayon ko lang pala nakita na naka pang outfit siyang nurse kaya hindi kami mahahalata sa ginawa namin ngayon.

Inakbayan niya ako at naglalakad pero binilisan namin ang paglakad para mas mapadali kaming makalabas.

Nandito na kami ngayon sa labas ng parking lot nakita ko na papunta kami sa isang sasakyan na nagsimula ng umandar.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now