Chapter 21

4 0 0
                                    

Pinagmasdan ko ang mga ibon na nagliliparan sa kalangitan. Nakikita kung sobrang saya silang nagliliparan kasama ang mga kapatid nito habang nakasunod sa ina nila.

Hindi ko alam kung bakit palagi akong nakakaramdam na para bang may kulang sa 'kin. Hindi ko maintidihan kung bakit sobrang bigat ang nararamdaman ko sa tuwing minamasdan ko ang palagid na nakangiti habang ang puso ko ay sobrang higpit.

"Iha? Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinawag pero hindi ka nakikinig. Sobrang laki yata ang problema dahil kanina ko pa naririnig ang malalim mong buntong-hininga." Napalingon ako sa likuran ko at ngumiti ako ng pilit habang hinarap si Nanay Lordes.

"Wala po. Naiingit lang po ako sa mga ibon na nagliliparan." May halong lungkot kung tugon. "Sobrang saya kasi nilang tingnan kapag marami." Tumabi siya sa akin at nakaupo kaming dalawa sa ilalim ng puno.

Pagkatapos kung pitasin ang mga iba't ibang prutas kanina sa bukid ay dumiritso ako dito para magpahangin.

"Alam mo anak, hindi mo dapat kailangan mainggit sa kanila dahil nandito naman kami ng Tatay Panyong at si Ronda na magpaparamdam sayo na hindi ka kulang, lalo na hindi pa tuluyan bumabalik ang alaala mo," sabi ni lola sa akin.

Na ikuwento ni Lola Lordes ang nangyari sa akin, kung paano ako napunta dito sa lugar nila. Nagising nalang ako ng wala akong matandaan kung saan ako nanggaling at kung anong huling nangyari kung bakit ako nandito ngayon sa lugar nila. Pinilit ko ang sarili ko na matandaan ang mga nangyayari pero mas lalo kung pinahihirapan ang sarili ko dahil laging sumasakit angel ulo ko kapag pinipilit ko ang sarili na alalahanin lahat. Nagpapasalamat pa rin naman ako sa kanila dahil sa loob ng limang buwan na pananatili ko rito ay inaalagaan nila ako ng mabuti at tinuring na tunay na anak nila.

"Hindi ko alam nay, pero parang nawawalan na po ako ng pag asa na babalik ang alaala ko. Pero may parte rin sa isip ko na sana wag nalang tuluyan bumalik dahil nararamdaman kung may malaking problema ako hinaharap noong hindi pa ako nawalan ng alaala," pag kukuwento ko.

Sa tuwing natutulog ako ay nakikita ko ang sarili ko na palaging umiiyak habang nagmamakawa. Pero hindi ko alam kung anong dahilan kung bakit naging ganun ako.

Hinawakan ni lola ang dalawang kamay ko at pinaharap sa kanya.

"Anak, hindi ka dapat mawalan ng pag asa. Kailangan mong lumaban dahil baka hinahanap ka pa rin ng mga pamilya mo hanggang ngayon. Lahat ng problema may solusyon. Parang kami ng lolo mo. Hindi kami binayayaan ng magka anak noon pero hindi kami nawalan ng pag asa hanggang sa hindi namin inaasahan na magkakaroon pala kami at si Ronda iyon."

Ang tunay talagang tumulong sa akin ay ang anak nila na si Ronda. Naliligo sila sa ilog malapit dito sa bahay nila at nakita nila ako ng mga kaibigan niya na lumutang kaya dali-dali nila akong tinulungan dahil narinig nilang humihinga pa ako.

Hindi ko alam kung bakit buhay pa rin ako hanggang ngayon sa sitwasyon na iyon. Siguro tama si lola. Hindi ko pa oras kaya buhay pa rin ako hanggang ngayon.

"Hali ka na! Kailangan na natin bumalik ng bahay. Mukhang dumidilim na ang langit." Agad akong napatango sa sinabi niya at sabay kaming tumayo at naglakad papunta sa loob ng bahay nila.

Pagpasok namin ay agad kaming sinalubong ni Ronda.

"Kanina ko pa kayo hinahanap nay, kasama mo lang pala si Rona," may halong pag alaala ang boses niya.

Pinangalan nila ako ng Rona dahil hindi pati pangalan ko hindi ko maalala.

"Ano ba ang kailangan mo? Bakit mo ako hinahanap? Manghihingi ka na naman ng pera para ibili mo ng alak?" Seryosong tanong sa kaniya ni Nanay.

He's Killer BrideWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu