Chapter 25

0 0 0
                                    

Napangiti ako ng makita ang surprise sa akin ni Eldrin. Pagkatapos ng panaginipan ko kanina ay pinilit ko ang sarili ko huwag na alalahanin at inisip na masamang panaginip lang iyon at hindi rin iyon parte sa alaala ko.

"Do you like it? I prepare this all for you," nakangiting sabi niya habang may hawak na bouquet of rose na bulaklak. Ibinigay niya sa akin at agad ko naman itong tinanggap.

"Salamat," nahihiyang sabi ko at umupo ako sa harap niya.

"This is the second time that we have dinner date," biglang sabi niya. "I know you can't remember it but the most is I can't forget what you've said to me."

Napakunot naman ang noo ko.

"Anong ibig mong sabihin? May nasabi ba ako na mali sayo sa unang date natin?" Nagtatakangtaong ko.

Umiling siya.

"No. It wasn't that. I remember what you've said is even you forget that person in your brain but you're heart can't forget that person you loved because you always feel that there's something missing of it and it's beating so fast when you talk each other," aniya.

Siguro tama siya. Kagaya ng sitwasyon namin ngayon. Kahit na nakalimutan ko ang mga pinagsamahan namin noon pero hindi pa rin magpapatalo ang puso ko na maramdaman ito ulit kahit hindi ko maalala. Siguro nga nakakaramdam ako ng kulang dahil siya pala ang mapapabuo nito kaya kami ipinagtagpo ulit ngayon.

Kumain kami ng walang imikan. Mabuti nalang nakatulog na iyong dalawa dahil sobrang napagod sa paglalangoy kanina at may oras pa kami ni Eldrin sa ganito lalo na uuwi na kami bukas ng umaga sa bahay. At nalaman kung graduation pala nila bukas dahil sinabi sa akin ni Eldrin.

Pagkatapos namin kumain ay hinawakan niya ang kamay ko at tahimik kaming naglalakad papaputa sa dalampasigan. Nakita ko ng isang kulay pulang tela na nakalapag sa buhangin at may gitara itong nakalagay.

"Seat beside me. I want to have a moment with you like what I've said lately," sabi niya at hinawakan ang bewang ko para alalaya umupo sa tabi niya.

Hindi ako nasalita at nakatingin kami sa dagat at ang naririnig lang namin ang malakas na alon nito.

Narinig ko na nagsimula siyang mag strum ng gitara at bao pa siya magsimulang kumanta ay naramdaman kung hinalikan niya ang gilid ng buhok ko.

Pagkakamali hindi malilimutan

Kung bakit ayaw kitang bitawan

Natatakot na maiwan

Dahil ang puso kung baliw na, sayo...

Sobrang ramdam ko ang kinakanta niya kahit hindi ko ito sobrang pamilayar pero naririnig ko ang boses niya na may halong lungkot.

Kahit magbago man ang mundo

Ikaw lang ang hahanapin ko

Sapagkat ikaw ang nagmamay ari ng puso ko

Na sabik na sabik sayo.

Oh! Mahal ko.

Hindi ko alam kung bakit parang may konetakdo ito sa pagmamahalan namin dalawa ang kinkanta niya. Gusto kung magtanong sa kanya kung anong pinagdaanan namin ngayon pero natatakot akong malaman ito dahil parang may mali. Hindi ko maipaliwanag pero ntatakot ako na baka dumating ulit ang araw na tuluyan akong mawala sa kanila.

Pangako mamahalin kita ng buong buo

Kahit ipagkait man ng buog tao ang pagmamahal ko sayo.

Ipaglalaban pa rin kita hanggang dulo.

Pangako ko iyan sayo, Mahal ko.

Nang tumigil siya sa pagkanta at napaiyak ako dahil sobrang natamaan ako sa lyrics ng kanta. Hindi ko alam kung bakit nakaramdaman ako ng halong sakit at lungkot at naririnig ko pa ang malakas na alon sa gatas.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now