Chapter 22

2 0 0
                                    

Hindi ko maiwasaan mapangiti ng makita ko na namumuklaklak na ang rosas na itinanim ko dito sa likod ng bahay ni nanay lordes.

Dumiritso ako dito pagkatapos kung tululungan si Ronda na maglinis a bukirin namin at kunin ang mga damo. Mabuti nalang maagang umalis si nanay at natulungan ko pa siya sa mga pinapagawa ng sariling ina.

Habang papasok ako sa bahay ay nakita ko si nanay at ronda na nag uusap.

"Nay! Payagan niyo na po ako. Minsan lang naman oh! At saka birthday ng isang barkada ko tapos inimbita niya dahil may kunting handaan daw," dinig kung sabi niya at may halong pagmamakaawa ang boses.

"Ikaw talagang bata ka. Palagi ka nalang nagpapalusot," inis na sabi ni nanay habang nakahawak ang iang kamay sa ulo nito.

Mukhang nakuha nila ang presenya ko at sabay silang napalingon sa akin.

"Alam ko na! Isasama ko nalang si Rona para payagan niyo ako."

Nakita kung tumaas ang isang kilay ni nanay.

"Aba't ikaw na bata ka! Isaamamo pa talaga si Rona sa mga kalokohan mo. Alam mo naman ang sitwasyon niya ngayon diba," sermon nito.

Bago pa makapagsalita sila ulit ay sumingit na ako.

"Ayos lang po sa akin nay. Mas mabuting samahan ko nalang si Ronda para wag uuwi po sa kanya kapag lasing," magalang ko sabi. Nakita kung sinamaan ako ng tingin ni Ronda ngunit ngumiti ako sa kanya.

"Nako! Siguraduhin niyo lang ha? Sige papayagan ko kayo pero pag sumapit ang alas sais, dapat nandito na kayo," bilin niya. Akmang tatalikuran na niya kami ngunit pinigilan siya ni Ronda at hinawakan ang braso nito.

"Ang aga naman ng alas sais nay!  Mga alas siyete nalang," May halong pagsusumamo ang boses nito. Mukhang nagdadalawang isip pa siya at tumango naman ka agad.

Nang sumapit ang hapon ay nagbihis ako ng simpleng damit. Naka kulay blue t shirt ako at pantalon. Nasanay na rin ako magsuot ng ganito dahil hindi kami pinapayagan ni nanay na magsuot ng mga maiikling damit. Alam kung gusto lang niy akaming protektahan lalo na may mga binata kaming lalaki na kapit-bahay. Naisip ko lang kung may nanay rin ba ako katulad ni nanay lordes. Hindi ko alam pero parang may napanaginipan ako noong isang gabi na tinatawag niya akong anak at nakikita ko siyang umiiyak habang hawak ang mga kamay ko. Sobrang nasaktan ako habang nakikita ang mga luha niya na dumadaloy sa pisngi niya. Gusto ko sana siyang tanungin ngunit biglang ako nagising. Pero sana... Bumalik ang alaala ko dahil sobrang bigat ng puso ko sa tuwing nakakaisip ako ng ibang bagay na ayaw kung isipin dahil mas lalo akong nasasaktan.

"Handa ka na ba Rona? Bakit namumula iyang mga mata mo? Umiiyak kaba?" Sunod-sunod na tanong ni Ronda sa akin habang inaayos ang suot niya blouse na kulay pula.

"Hindi. Hindi ako umiiyak. May bigla lang kasing pumasok sa isip ko. Tara na?" Sabi ko at sabay tumayo.

Tumango naman siya at sabay kaming lumabas sa bahay.

Naglakad kaming dalawa patungo sa bahay ng kaibigan niya. Nakasunod ako sa kanya at tahimik ang paglalakad namin.

"Nandito ka na pala Ronda." Mukhang napalingon ang isang kaibigan niya sa akin. "Mabuti naman at sinama mo si Rona. Sa palagi niyang pag aalaga niya ng tanim niyo ay magsasalita na iyon," may halong biro ang sabi nito.

Ngumiti lang ako at yumuko.

"Sinama ko siya dahil hindi papayag si nanay na pumunta ako dito sa birthday mo," sabi ni Ronda at umupo sa isang upuan at nakita ko ang lamesa na kaharap niya ay may alak na nakalagay.

"Happy birthday pala sayo," nahihiya kung bati.

"Salamat Rona. Ang bait mo talaga. Di na bale, hali ka na at pumasok sa loob. Hintayin muna natin saglit dahil malapit na siguro iyon maluto ang pagkain," aniya at kinuha niya ang isang upuan at inilagay sa harap ko.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now