Chapter 15

3 1 0
                                    

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyari. Pero hindi ko na masisisi ang sarili ko dahil hindi ko na mapigilan ang sarili lalo na siya ang unang umamin tungkol sa feelings niya sa akin. I can't believe that he's inlove with me.

"You look so happy." Napaligon ako sa tabi ko at nakita ko si Eldrin na nakatitig sa akin.

"Wala lang." Makling sagot ko sa kanya.

Ewan ko ba kung bakit naiilang parin ako sa tuwing magkasama kami. I know we are officially couple but I can't still believe that I enter a relationship with him. A guy who I hated the most when the first time we meet. Hindi ko akalain na sa kanya rin pala ang bagsak ko.

"Don't deny it baby. I saw your mouth, it's still smiling." Nang marealized ko ang sinabi niya ay dali kung itinikom ang bibig ko.

I heard him laugh.

"Tara na nga, baka hinihintay na tayo nila," sabi ko at nauna ng maglakad.

Kailangan na namin umuwi ngayon sa manila dahil tapos na ang bakasyon namin. Pinauna ko na sina Jack at Eiron kasama ang bodyguard nila sa sasakyan dahil hinihintay ko pa si Eldrin dahil may naiwan siya sa hotel.

Nang makasakay kami sa sasakyan at walang imikan. Katabi ko ngayon si Jack at Eiron na natutulog na nakahilig sa akin.

Huminto na ang sasakyan at nakita ko ang private plane na naghihintay sa amin.

Binuhat ni Eldrin si Jack at ako naman kay Eiron. Hindi ko gustong gisingin sila dahil alam kung pagod na pagod sila sa bakasyon nilang dalawa. I saw it in my two eyes that they're happy.

Habang nakasakay na kami ay hindi ko namalayan ang sarili ko na nakaidlip na pala ako.

Pagmulat ko sa mga mata ko ay naramdaman kung nakahiga na ako at inilibot ko ang tingin ko sa loob at na realized ko na nasa bahay na pala kami.

Napabangon ako ng maalala na natutulog ako sa sinasakyan namin eroplano.

Don't tell me, binuhat ako ni Eldrin.

Dali-dali akong lumabas ng kwarto at nakita ko na 5pm na pala ng hapon.

Pagbaba ko ay nakita ko si Jack at Eiron na nanunuod ng tv at nakaupo sa sofa. Mukhang seryoso ang tingin nila sa pinapanuod dahil hindi nila ako napansin.

Akmang pupunta na ako sa kusina para maghanda ng hapunan ngunit may biglang tumawag sa akin.

"Mom?" Napalingon ulit at nakita ko si Jack ang tumawag.

"Bakit?"

"Dad said that you don't need to cook food because we will eat in the restaurant," sabi niya.

Napatango nalang ako sa sinabi niya at ngumiti.

Tumabi ako sa kanilang dalawa at tumingin sa kanilang pinapanuod.

I can't help myself smile because I remember when I was a kid that I always watched a cartoons, especially Kuya Stephen, he always pissed me because I watch a Batman and Dragonball. He always told me that I'm a tomboy because of what I watched. Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko dahil gusto ko ang pinapanuod nila. Wala naman sinabi na bawal manuod ang hindi lalaki. Pero lahat magbabago kapag lumaki na tayo. Ang palaging ginagawa noong mga bata pa ay parang nakalimutan na ngayon. We need to work for ourselves so that we live in this world.

Habang itinutuon ko ang mga mata ko sa pinapanuod ay biglang may nagsalita sa likuran namin.

Sabay kaming napalingon at nakita ko si Eldrin na nakangiti habang papalapit sa amin.

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang ginawa niya sa akin kanina. Nakakahiya dahil naalala ko na nakatulog ako sa eroplano na sinasakyan namin tapos para akong bata na binuhat niya sa sasakyan at hanggang makarating dito sa bahay.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now