Chapter 26

0 0 0
                                    

Abot kaba ang nararamdaman ko ngayon habang nakatingin sa lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko.

"Totoo pala ang balita na buhay ka? Akala ko ba patay ka na? Bakit kapa bumalik? Para pumatay ulit ng tao?" Sunod-sunod na tanong nito sa akin.

Hindi ko siya maintidihan sa sinabi niya. Hindi ko rin alam kung bakit pinipiga ang puso sa mga binibintang niya sa kin. Pero kailangan kung gawin ito at mangpangap na hindi siya kilala dahil natatakot ako.

"Pasensya na po. P-pero sino po k-kayo? H-hindi ko alam kung anong pinagsasabi niyo sa akin," nauutal kung tanong sa kanya habang sobrang lakas ng kaba sa dibdib ko.

Nakita ko napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. Mukhang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Hindi pa naman ako sure kung siya ba talaga iyon.

Akamang hawakan niya ako ngunit napatigil siya ng ma tumawag sa pangalan ko. Napalingon ako sa harapan ko kung saan nanggagaling ang boses.

"Omg! Megan! Ikaw nga!" Hindi makapaniwalang sabi nito at niyakap ako ng mahigpit. Hindi ako makagalaw at napatitig ako sa mukha niya sa sobrang pamilyar sa akin. "Sobrang namiss kita! Akala ng lahat na patay kana pero nandito ka sa harapan ko ngayon," saad pa niya.

Ngumiti ako ng pilit at hindi ko alam ang sasabihin ko lalo na hindi ko siya maalala pero nararamdaman ko na sobrang lapit ang loob niya sa akin.

"Rosia! I've been looking for you but you're here!" Sabay kaming napalingon sa tumawag sa pangalan niya.

Rosia? Parang pamilyar sa akin pangalan niya. Sa tingin ko nabanggit sa akin ni Eldrin noong nasa lugar na kami nila nanay. Sinabi ko sa kanya na kwentuhan niya ako sa mga bagay noong ginagawa ko at sino pa ang mga taong malapit sa akin. Pero sinabi niya na isa lang ang kaibigan ko at palagi kaming magkasama. Mukhang itong babae nga ang tinutukoy niya. Si Rosia.

Napalingon ulit ako sa kinaroroonan ng lalaki kanina ngunit nagulat ako ng bigla siyang nawala. Napalingon lingon ako sa palagid ngunit hindi na siya mahagip ng mga mata ko.

"Tigilan mo na nga ako! Hindi mo na kami makikita ng anak mo dahil sinira mo ang pangako mo sa amin!" Sigaw nito sa lalaki na kaharap niya ngayon.

Nagulat nalang ako ng bigla niyang hilain ang kamay ko at tuluyan na pumasok sa loob ng mall.

"Sorry Megan sa nakita mo," sabi niya habang nagsimula na kaming malakad.

"Okay lang." Ngumiti ako ng tipid.

"Ano pala ang ginagawa mo dito?" Baling na tanong niya.

"Uh... Bibili sana ako ng regalo para kay Jack at Eiron kasi graduation nila kahapon tapos wala akong naibigay," sabi ko.

Dumapo ang tingjn ko sa tiyan niya ngunit nanlaki ang mga mata ko ng makitang buntis siya at ngayon ko lang namalayan. Kaya pala hinahabol siya nang lalaki kanina.

"Mabuti naman kung ganun. Sabay nalang tayong mamili," natutuwa niyang sabi.

Tumango ako at ngumiti sa kanya.

Nakahawak siya sa braso ko habang papunta kami sa babies clothes area.

Habang namimili siya ay hindi pa rin mawala sa isipian ko ang lalaki kanina. Nararamdaman ko na gusto niya akong kausapin at may gusto siyang sabihin ngunit bakit bigla siyang nawala.

Ipinilig ko nalang ang ulo ko at napagdesisyunan na maghanap ng maiiregalo ko sa dalawa.

"Alam mo Megan. Itong Ps 4 nalang ang bilhin mo sa dalawa. Palagi iyon naglalaro ng ganito,"  mungkahi ni Rosia.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now