Chapter 5

3 2 0
                                    

Unti unti kung idinilat ang mata ko at naramdaman na para bang may nakakabit sa kamay ko.

Inilibot ko ang paningin ko at narealize na nandito pala ako sa hospital na nakaratay. Biglang pumasok sa isip ko ang huling nangyari. May balak talagang lumason sa amin at mabuti nalang hindi pa nadamay si Jack.

Akmang tatayo na akong ngunit may isang kamay na pumigil sa akin.

"Don't. You need to rest." Napatingin naman ako sa gawi niya.

Nakita ko ang mukha ni Eldrin na sobrang pag aalala. Hindi ko alam kung bakit niya ito ginagawa pero I'm still thankful to him dahil hindi niya ako pinabayaan. Akala ko last breath ko nalang iyon, mabuti nalang binigyan pa ako ng second chance para mabuhay.

"Where's Jack? Okay lang ba siya?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah. He is always asking about you. Palagi niyang akong kinukulit that he wants to visit you but i didn't let him because of he's allergy."  Mas mabuti siguro hindi niya pinayagan dahil ayaw kung mapahamak ang bata dahil lang sa kalagayan ko ngayon.

"Ilang oras pala akong tulog?" I ask him again.

"3 days." Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

"Seryoso kaba o nagbibiro ka lang?" Hindi makapaniwalang tanong ko.

Bakit para sa akin ay sobrang dali lang? Parang  1 hour nga lang ang tulog ko. Grabi pala talaga ang epekto ng lason sa akin.

"Someone wants to poison you and my son," seryosong sabi niya.

"Sobrang malaking galit talaga ng lalaking iyon sayo dahil pati kami dinamay niya! Sana ikaw nalang iyong nilason niya!" Pamamaktol ko.

Nakita ko ang mukha niyang naging seryoso ulit. Bigla kung ma-realize ang sinabi ko. Mukhang hindi niya nagustuhan ang sinabi ko. Itinikom ko nalang ang bibig ko at palihim napakat ng labi.

"You want me to die?" Nagulat naman ako sa tanong niya.

"Wala naman akong sinabi na gusto kitang mamatay pero kung gugustuhin ng taong nagtangka sa amin ni Jack... Well, okay lang. It depends on situation," pag aamin ko.

Ako nga palagi ng handa kunin ni kamatayan pero hindi talaga ako pinayagan ng panahon. Gusto siguro niyang tulungan akong maghiganti sa anak ko.

Bigla naman siyang umalis sa harapan ko at lumabas.

Naisip ko na wala naman akong magagawa dito sa loob habang nakaratay. Sobrang bored at ayaw ko naman tumunganga dito buong maghapon.

I decided to pull this dextrose and I decided to go out this room.

Dali dali akong naglakad papaalis dito sa hospital para hindi makita ni Eldrin. Bahala na siyang maghanap sa akin.

Sumakay ako ng taxi at dumiritso sa condo ni Rosia. Mabuti nalang alam ko ang passcode at dali akong nakapasok.

Nanlaki ang mata ko ng makita si Rosia at ang lalaki na kasama ay nakahubad lahat. Dali dali kung tinakpan ang mga mata ko.

"Hindi ko alam na may ginagawa pala kayong kababalaghan dito!" Inis kung saad.

First time kung makita si Rosia na my dinalang lalaking dito para lang makipag make out.

Pagkatapos nilang magbihis ay inalis ko na ang kamay kong nakatakip sa mata ko.

"Sus! May patakip takip ka pang nalaman diyan! Mukhang hindi ka---" Hindi ko siya pinatapos dahil binato ko siya ng unan.

"Sige! Try mong dugtungan isusumbong talaga kita kay tita na nagdala ka ng lakaki dito!"
Natahimik naman siya sa pananakot ko.

He's Killer BrideOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz