Chapter 24

0 0 0
                                    

Limang araw kaming nanatili dito sa lugar ni nanay lordes. May ilang nalala na rin akong pero hindi ko pa matukoy kung sino ang ibang tao na parte sa buhay ko dahil hindi ko masyadong makita ang mukha nila.

"Sigurado po ba kayo nay na ayaw niyong sumama sa amin?" Tanong ko ulit sa kanya.

Pinakiusapan ko si Eldrin na lumipat nalang ng bahay sila nanay sa pupuntahan namin dahil hindi ako sanay na hindi ko sila nakikita at nalulungkot ako sa sitwasyon nila ngayon nayon, lalo na mat sakit si tatay.

"Ano ka ba anak? Wag ka ng mag alala sa amin. Ang importante ay makikita mo na ang mga ank mo at makakasama mo na ang buo mong pamilya," paliwanag niya. Kanina ko pa hawak ang dalawang kamay niya.

Naramdaman kung hinawakan ni Eldrin ang balikat ko.

"Don't worry love, may ihi-hire akong tao para bantayan sila. Wag ka na rin mag alala dahil hindi na sila mahihirapan sa lahat ng gastos dahil bibigyan ko sila ng pera at bilang passalamat na rin sa pag alaga sayo," singit niya.

Napangiti ako habang nilingon siya sa likuran ko.

"Mraming salamat iho. Sobrang bait mo talaga at napakaswerte nitong anak ko dahil magiging asawa niya ang isang tulad mo," puri pa sa kanya ni nanay.

"Walang anuman po. Sige po nay, mauna na po kami," paalam niya.

Bago pa kami makaalis ng tuluyan ay niyakap ko si nanay ng mahigpit. Sobrang napamahal na ako sa kanya ng sobra at tinuring niya akong tunay na anak kahit hini pa niya kilala ang buong pagkatao ko. Sobrang saya ko dahil nakilala ko ang isang tulad nila. Niyakap ko si Ronda.

"Wag kang maglasing ha! Wala ng magtatagol sayo kapag pinagalitan ka," natatawa kung sabi at pilit na huwag umiyak.

"Grabi ka naman sa akin Rona. Naging kapatid na ang turing ko sayo kahit nagsusungit ako minsan." Napangiti ako sa sinabi niya.

Noong una, hindi pa kami masyadong close at nakikita ko na parang ayaw niya sa akin pero nakakamali lang pala ako. Masungit talaga ang ugali pero naiintindihan ko naman siya

Nagpaalam na ako kay tatay kanina noong sabay kaming kumain ng umgahan. Nalulungkot nga ako dahil sa sitwasyon niya pero sana tuluyan na siyang gumaling para maging masaya na ulit si nanay.

Pagkatapos kung mag paalam sa kanila ay hinawakan ni Eldrin ang kamay ko. Ngumiti ako sa kanya at hinalikan niya iyong kamay ko.

"Mag iingat kayo sa biyahe!" Dinig kung sigaw ni nanay.

"Opo nay. Wag po kayong mag alala dahil babalik kami dito para dalawin kayo," sabi ko. Nakita kung tumango si nanay.

Pumasok ako sa SUV na sasakyan at nasa backseat kaming dalawa ni Eldrin dahil may mag di-drive sa amin pabalik sa Manila kung saan kami nakatira.

"I didn't tell them that you're home now. I want to surprise our son," sabi ni Eldrin habang may ngiti pa rin ang labi nito.

Hindi na ako makapaghintay na makita at makasama sila muli. Alam kung hindi ko pa masyadong naalala noong mga panahon na hindi pa kami magkahiwalay.

Nagising ako dahil sa naramdaman kung may humalik sa mukha ko.

"Sleepyhead wake up! We're here!" Naimulat ko ang mga mata ko at bumungad sa akin ang mukha ni Eldrin.

Agad akong napa ayos ng pag upo at napatingin ako sa labas.

"Pasensya na kung nakatulog ako," sabi ko at ibinalik ang tingin sa kanya.

"It's okay. I know you're tired." Ngumiti ako ng tipid sa kanya. "Let's go? I can't wait to see their reaction." Agad akong tumango sa sinabi niya.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now