Chapter 23

5 1 0
                                    

Idinilat ko ang mga mata ko at inilibot ko ang tingin ngunit hindi pamilyar sa akin ang kinaroroonan ko ngayon.

Akmang babangon ako ngunit napatigil ako ng biglang may humawak sa braso ko.

"Are you okay now? Wala na bang masakit sayo? Hindi na sumasakit ang ulo mo?" Sunod-sunod na tanong sa akin ng lalaki.

Bigla kung naalala na siya iyong lalaking naghahanap sa akin at tinawag akong megan.

"Uh... Okay na ako. Salamat," nahihiyang sabi ko.

Nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang dalawang kamay ko at hinalikan ito. Biglang bumilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya.

"I'm really sorry Megan. I'm the reason why you're like this now. Sana hindi nalang kita hinayaan na mag drive mag isa. I can't live without you... And our children want you go home because they misses you," sabi niya at hindi pa rin niya binibitawan ang kamay ko.

Nakita ko sa kanyang mga mata na totoo ang sinasabi niya. Siguro nga hinahanap na ako nila dahil inaamin ko na nakikita ko rin siya sa pananginip ko kasama ang dalawang batang iyon.

Napatigil kami sa pag uusap ng biglag bumukas ang pinto at pumasok sa isang doctor. Tumayo siya agad at sinalubong ang babaeng doctor.

"Hi Mr. Enriquez. The result of the examination is Miss Chavez has a Post traumatic Amnesia is a state of confusion that occurs immediately following a traumatic brain injury in which the injured person like her is disoriented an unable to remember events that occur after the injury. So why your fiance can't remember her name even where did he came from," paliwanag ng doctor.

Napatingin si Mr. Enriquez sa akin at ibinalik agad ang tingin niya sa doctor.

"Is there a possibility that she can remember all her memories doc?" Tanong niya.

"Yes. But for now, we need to take it slowly remembering her all lost memories. Hindi siya pwedeng madaliin dahil baka tuluyan mawala ang memorya niya.  Kung pwede ilayo muna siya sa makapagpa dulot sa kanya ng stress dahil mas nakakadagdag iyon ng pananakit ng ulo niya." Tumango lang siya sa sinabi ng doctor.

Tama pala ako. Kaya palaging sumasakit ang ulo ko dahil palagi kung pinipilit na alalahanin ang lahat ng memoryang nakalimutan ko.

Bago lumabas ang doctor ay tiningnan niya muna ako at sinabi pa niyang pwede na akong e labas ngayon.

"Don't worry Megan. I will take care of you and let's make a new memories again," mahinang saad niya.

Hindi ako umimik at ngumiti lang sa kanya.

Biglang pumasok sa isip ko kung nahihiya ba talaga ako kapag kausap siya at lumalapit siya sa akin noong hindi pa nawala ang mga alaala ko? Pero sa tingin ko mukhang close siguro talaga kaming dalawa dahil sinabi pa niyang malapit na kaming ikasal. Ang mahalaga ngayon ay may sasagot na sa mga katanungan ko kung bakit naging ganito ang sitwasyon ko ngayon.

Dumiritso kami sa bahay ni nanay lordes pagkatapos kung ma ospital. Nalaman kung dinala niya pala ako sa lungsod dito sa bayan dahil doon lang ang pinakamalapit na ospital.

"Mabuti naman at naging mabuti na ang pakiramdaman mo Rona este Megan. Sobrang alala ako sayo," sabi ni Nanay habang sinalubong kami sa labas ng bahay.

"Wag kang mag alala nanay. Okay na po ako," nakangiting sabi ko.

Binalingan naman niya ang kasama ko. Nalaman kung Eldrin Enriquez pala ang buong pangalan niya.

"Ikaw ba ang tumulong sa anak ko iho?" Tanong ni nanay sa kanya. Nakita kung tumango siya. "Maraming salamat!"

"Wala po iyon. It's my obligation to help my fiance," sagot nito.

He's Killer BrideWhere stories live. Discover now